Lunes, Disyembre 10, 2012

I've Just Bought My New I-phone 4s

"Palitan mo na yang cellphone mo!

Mga Tatlo, apat, lima o higit pa ata ang nagsabi na sa akin. Ewan ko. Ok pa naman 'to. Anong problema!
Kaya kadalasan kong sagot: Makatawag pa naman ako at maka-text. Yung lang naman ang dalawang dahilan kaya ako bumili ng cellphone. Sa ngayon, hindi pa nawala ang dalawang features na yan.
Tawa at iling ang kadalasang reaksiyon nila. Minsan may nagsabi pa ng, "iba ka talaga".

Iba nga ba ako?
Nabili ko sa Second-hand shop ng 500 nt dollar itong cellphone ko. Seguro mga nasa 700 sa peso. Dahil galing sa second-hand shop, ito ay second hand seyempre. Hindi touch screen at walang wifi.
Ito ay may body dimension ng 4.21 x 1.81 x 0.63 inches. Napakaliit.
Meron itong camera sa harap at likod na kayang makapag-produce ng 2 miga-pixel na pixelated na pictures.
Wala itong radio pero pwede kang maglaro ng Tetris kapag nabo-bored.
Ina-announce daw to sa Motorola noong 2008 at lumabas sa market sa taong 2009. At ang lahat ng yan ay ayun sa google.

Sa oras na tina-type ko ang kasalukuyang binabasa mo ngayon, "in", sikat at usap-usapan parin ang I-phone 4s. Kapag nagmamay-ari ka na ganitong uri na bagay, hindi kana basta-basta-bastabas. Ibig sabihin, much money ka. Angat ka kaysa mga ordinaryong Pilipino. Habang ang iba ay namroblema ano kakainin bukas, pinoproblem mo naman kung saan makabili ng magandang iphone cover. At dahil dun, pwede kanang magyayabang sa facebook o twitter katulad ng " I've just bought my new I-phone 4s. Sarap."
Linawin ko, walang problema dun. Pera mo yun. Kung limpak-limpak naman ang mga kayamanan mo, hindi masama kung bawasan mo yun ng barya para ibili ng worth 20k plus na bagay.
Basta wag ka lang mangutang, magnakaw o manghold-ap.

Liliko tayo.
Isa sa mga malaking naka-impluwensiya sa pag-iisip ng tao ay ang advertisement. Manood ka ng tv, may patalastas. Sa radyo(AM man o FM) may commercial break. Sa mga eskinita may mga tarpaulin, billboard naman sa high-way at kahit ang suki mong sari-sari store ay may mga posters. Hindi ko na dapat banggitin pa seguro dito ang mga ibinibigay na leaflets. Wala tayong kawala. Pipikit ka man o didilat, may advertisement.
Ang problema sa advertisement ay laging ipamukha sa mga consumers na may problema ka, na may kulang ka. Na mabaho ang iyong kili-kili, buhaghag ang iyong buhok, hindi makinis ang iyong mukha, ikaw ay mataba, masyado kang payat, hindi puti ang iyong damit o kulang ng lambot kailangan ng fabric softener, mahina ang iyong laptop, makapal ang iyong TV at LUMA ang BAGO mong biling cellphone.
Sa cellphone tayo, balikan natin si I-phone 4s. Wala pang taon nang lumabas ito, usap-usapan na ang paglabas ng bagong i-phone model, ang I-phone 5. Ganun kabilis. Ang bilis ng evolution ng mga gadgets. Yung bang tipong ang bagong model na binili mo ngayon paglipas ng ilang buwan ay maituring na luma. Mapag-iwanan kana. Kaya kailangan mo namang bumili ng bago model para maging "in" ulit at para may mai-post ka uli sa facebook at twitter na wari bang napaka-importante at nakaka-inspire yun sa mga nade-depressed.
Bottom line, ang hindi maganda sa advertisement ay tinuturuan tayo para hindi MAKUNTENTO.

Totoo, naisip ko rin minsan bumili ng bagong cellphone. Dahil tingin ko ako nalang ata  ang katangi-tanging OFW dito sa Taiwan na ang gamit na cellphone ay 2009 model.
At dahil hindi ako mayaman, kailangan ko pag-isipan ng mabuti. Isiping mabuti. Mag-isip.

1. Bakit ko kailangang bumili ng bagong cellphone?
Hmmn---------------------------------Walatalagaakomaisipnadahilan.
Sa pangalawang tanong tayo. Mas malalim na tanong.

2. Kailangan ba ito ng buhay ko?
Ano ba ang benifits sa touch screen?
Nakapagpabilis ba ito sa paraan ng pagte-text?Based on my experience, hindi.
Ang wifi?
Ok na din. Pero may laptop naman ako kung gusto ko mag-internet. Mas mabilis pa at mas malaki ang screen. Naisip ko rin ang naisip mo ngayon:
"na hindi ko pwede lagi-lagi dalhin ang aking computer. Pano kung pumunta sa mall? O sa mga lugar na may wifi?"
Ang sagot ko, ganun ba talaga ka taas ang demand ng pangangailangan ng pag-iinternet? Na dapat laging online? Facebook lag din naman at tweeter ang pinupuntahang sites. Ayaw ko ng dumagdag pa sa mga taong nagpo-post ng, "Here at starbucks with XXXXX. Sipping coffee". Humanga pa seguro ako kung mag-post ng, "Here at Cagayan de oro. Helping Gawad kalinga building house for the poorest of the poor".
At Games?
Hindi ako naglalaro ng games sa cellphone man o computer.

3. Kailangan ko ba talaga ng bagong cellphone o nadala lang ako sa advertisement?
Baka nakalimutan ko lang na ang layunin nila ay hindi para mapaganda ang buhay natin kundi para kumita? Ganun ang komersyalismo. Ang mapaganda ang buhay ay side-effect nalang. Kung babalatan pa natin ang usapan, pera-pera lang yan.
Kaya ako, hindi ako magpa-uto sa advertisement. Hindi ko bibilhin ang paniniwalang para maging "in" ay dapat mahal ang mga gamit at dapat may bago.
Ano naman ngayon kung hindi "in"? Nakakadagdag kasiyahan ba ang magkaroon ng mamahaling gamit? Oo seguro sa una. Pero sa paglipas ng mga linggo at buwan, ang samsung S3 mo ay para nalang n3310. Basta ka lang nagsawa na hindi mo alam  kung bakit. Sabi nga ng idol kung si Nick, “When you look for happiness in mere objects, they are never enough.”
Dun ko na-realize na ang maging masaya ay ang maging simple.

Minsan nalaglag ang aking cellphone. Ang taas ng binagsakan. Sa lakas ng impact ang isa ay naging tatlo. Nagkakahiwa-hiwalay ang katawan, battery at ang cover.
Seguro nga iba ako dahil imbes na malungkot, natawa pa ako. Nakangiti kong pinulot ang mga pira-piraso. Tapos sabi:
"Thanks God at hindi I-phone 4s ang cellphone ko"?

You see, there is a connection between happiness and simplicity.