Bukod sa mga magagandang babae, isa pang kahinaan ko ay ang
magsalita sa harap ng maraming tao. O kahit hindi masyadong marami. Basta
lampas lima. Nanginginig na ang aking tuhod at kamay. Ang hirap ibuka ng bibig.
Bumabaluktot ang aking dila. Utal-utal ang tono ng boses na kung pakinggan ay
pataas-pababa.
Nakaka-tense isipin na ang mga umiikot na mundo nila ay titigil dahil lang sa akin. Ang kanilang mga mata ay nakabantay sa reaksiyon ng aking mukha. Ang tenga naman ay nakatuon sa mga kung ano ang lumalabas ng aking bibig na parang nakikinig lang ng drama sa transistor radio. Minsan sa kalagitnaan ng aking “reporting”, bigla kong mapaisip: tama ba ang grammar ko? naitindihan kaya ng mga chikwa ang mga ingles ko? hindi kaya ito masyadong malalim O sadyang tanging ako lang ang nakakaintindi sa aking ingles?
Ako lang kasi ang pinoy sa team namin.
Ang boss ko naman ay parang abogadong nakikinig. Naghahanap ng gusot sa aking report. At kapag may nakita, batuhin ako ng mga tanong. Patay na. Sira ang preparasyon ko. Maisip ko ang lahat ng pwedeng isipin. Hinuhugot ko lahat ng ideyang nakatago may maisagot lang. Ang matindi pa, ang sagot ko ay tatanungin naman uli. Mag-generate siya ng tanong sa sagot ko. Walang katapusang tanungan. Makamot ang kahit hindi makati. Minsan, para matapos na ang kalbaryo, tatapusin ko nalang ng ,”I don’t know, sir”.
Litsugas! Ang sarap tumigil at itago nalang ang ulo sa ilalim ng mesa hanggang sila ay mag-alisan at maglaho.
Pera lang naman ang pinunta ko dito. Ang pinakaayaw ko sa school dati na “reporting” ay maranasan ko ulit ngayon. Hindi ko naisip ito pala ay parte sa aking maging trabaho. Kung alam ko lang nung una, binagsak ko nalang sana ang interview. Tandang-tanda ko pa ang buong pangyayari sa interview. Makita ko pa sa isip hanggang sa ngayon ang nangingilid na luha sa mata ng aking boss pagkatapos ko siyang sagutin sa interview question niyang: What is the most difficult moment in your life and you are able to overcome it?

Balik tanaw. Una kong nagsalita sa harap ng maraming tao
noong ako ay makatapos sa Day Care. Kahit 18 years na ang nakalipas, matatandaan
ko parin ang linya sa mga sinabi ko.
My name
is.....
I live in....
When I grow up I want to be a doctor.
Linawin ko lang, hindi ko gusto ang maging doctor. Sinunod ko lang ang sabi ni titser sa takot na hindi ako maka-graduate kapag ang sabihin ko ay when I grow up I want to be an OFW.
Naranasan ko naring magbigay ng welcome address (speech). Kahit menimorize ko lang yun pero iba parin ang dating. Dun ko unang naranasan ang kamandag sa tinatawag nilang Glossophobia or fear of public speaking. Graduation namin sa Grade six nun. Ako ang nakatuka para sa welcome address. Ibinigay sa akin ni Mam ang papel na gusto kong isipin na ang laman nun ay listahan sa problema ng mundo. Si mam ang nagsulat para sa mga sasabihin ko. Bale ang sa akin nun ang pag-deliver nalang ng message sa harap ng mga magulang, sa harap ng aking mga classmates, sa aking mga schoolmates, sa mga kagalang-galang na bwesitang pulitiko, sa mga panauhing guro, sa mga nakinood lang at higit sa lahat sa harap ng aking crush. Seyempre grade six at bilang normal na nagbibinata makaramdam na ng pag-ibig ng tuta(puppy love).
Panghuli, unforgettable at privileged para sa akin ang maging isa sa tanging dalawang estudyanteng makaakyat sa stage at makahawak ng mikropono. Inatasan nila akong mag-lead sa alumni pledge nang gumradweyt ako sa STI. Pero seyempre, nagdahilan muna ako ng limpak-limpak para tumanggi pero wala akong nagawa. Teacher is always right ika nga.

Leading alumni pledge? Napakadali lang naman nyan. Malamang yan ang unang reaksiyon mo. Pero para sa akin, para akong inatasan nilang pumatay ng baka gamit ang karayom. Hindi madali. Alam kong ibang level na yung mga anduon. Ramdam ko ang layo sa agwat ng status ko sa buhay kompara sa aking mga schoolmates at classmates. Sa bawat pagpasok ko sa school ay lalo lang akong namulat sa katotohanang ganito LANG ako.
Nangingibabaw ang pinagkaiba mula sa sout na damit hanggang sa gadgets. Makintab na leather shoes, plantsadong polo barong at pantalon-yan ang mga porma nila. Estudyanteng-estudyante.
Ako? Puting polo shirt na hindi na puti, kupas na maong na pantalon. At rubber shoes na anytime pwedeng bumigay. Kung wala lang akong ID parang hindi ako estudyante.
Habang sila ay tuwang-tuwa sa panonood ng mga video sa cellphone at ang iba ay abala sa paghahanap ng wifi signals, ako naman ay taimtim na pinupokpok ang N6610 na cellphone para lang mag-on.
Ang haba na ng sinabi ko. Pero simple lang naman ang nais kong iparating. Ako'y walang-wala. Sila ay may kaya sa buhay. “Sosyal” kung tawagin nila. Hindi ako sanay makihalo sa ganung mundo.
Araw ng graduation. Moment of glory para sa iba pero ako, kalbaryo. Kailangan ba talagang mangyari 'to sa buhay ko? Sinipa ko ang unang baitang sa stage. Pampatanggal daw yun ng nervous sabi ni Papa. Pero wala namang nagbago. Habang ako'y nasa stage at hawak ang microphone, lumipad ang isip ko......Masabi ko kaya ng maayos ang bawat salita? Mapatunayan ko kaya sa kanila na may maibuga kaming mga bisaya? Kaya ko kaya ang magsalita na consistent ang volume ng boses? Maka-pause kaya ako sa dapat mag-pause kapag kinakain na ako ng takot at kaba? Paano ko ba ma-minimize ang ang panginginig ng kamay kapag inaangat ko na? Mabigyan ko kaya ng hustisya ang tinuturo ni Sir na articulation at pronunciation? Ano nga ba ang gusto niya ipaintindi sa salitang crispness of words?
Bahala na!
May
sitwasyon na kailangan nating pumili. Kadalasan pinili natin yun hindi dahil
ginusto natin o dahil madali. Ano nga ba ang laging dahilan? Pinili dahil wala
ng iba pang mas maganda-gandang choices. Parang trabaho ko.