February....love month.
Para mas masang-masa ang dating, gamitin natin ang term na buwan ng pag-ibig. Gawin pa nating mas baduy, buwan ng pagmamahalan. Sarap pakinggan. Pagmamahalan.

Pero masarap nga bang tikman ang
tumutulong katas ng pag-ibig?
Bakit may estudyanteng piniling hindi gumawa ng assignment dahil hiniwalayan ng syota?
Lalaki naglason sa sarili.
Babae naglalasing dahil lang sa letseng LQ. Iyak ng iyak at mag-post sa facebook ng "love sucks". Nagmukmok sa kwarto at namumogto ang mga mata. Galit sa mundo at hindi maka-usap.

Marami naring pangarap ang
gumuho. May mga ayaw ng mag-aral. Nawalan ng gana sa buhay. Sinuway ang
magulang. Nalulong sa bisyo. Nakapatay. Nagpakamatay.
Ilang trahedya pa kaya ang ating
mapanood at marinig dahil lang sa pag-ibig?
Ironically, masasabing pag-ibig na seguro ang pinakamagandang ibinigay ng Diyos sa tao. Sabi nga sa bibliya, ang Diyos ay pag-ibig. Makikita mo ito sa ginintuang butil na aanihin palang na palay. Mapapansin mo ito sa mga tumutubong bagong pananim. Maririnig mo ito sa iyak ng bagong silang na sanggol. Ito ang buto at laman sa mga payo ni Tatay. Dahilan ng pag-aaruga ni Nanay. Tapik ng nagmamalasakit na kaibigan. Halik ng naglalambing na asawa. Yakap ng honest na girlfriend/boyfriend. Ngiti sa nakasalubong mo sa daan. Pinaramdam sa lamig ng umaga. Inaawit ng mga ibon. Sinasayaw ng mga berdeng dahon. Sinisigaw ng mga palaka. Ipininta sa asul na kalawakan. Pinapakita ng mga ulap. Pinapahayag ng bagong sikat na araw. Dala ng ulan. Ihip ng hangin. Amoy ng bulaklak. Tamis ng honey. Agos ng ilog. Hampas ng alon. Puting buhangin. Lasa ng isda. Yan ang pag-ibig.
Ang pag-ibig ay isang malaking
misteryo. Wala itong specific na depenasyon. Ayon kay Paolo Coelho sa kanyang
aklat na The Alchemist, "One is loved because one is loved.” Parang
ang labo noh? Dugtong pa niya, “No reason is needed for loving."
Ito pa,ang alam nating lahat na ang pag-ibig ay galing sa puso. Ito ang dahilan kung bakit puso ang sinimbolo ng pag-ibig. Pero kinontra ito ng siyensa. Walang kinalaman daw ang puso kung bakit nagmahal ang tao. Chemical reaction lang ito ng utak. Sa madaling sabi, ito'y galing sa utak at hindi sa puso. Pero ang saklap naman ata pakiggan kung sabihin kung mahal kita sabi ng utak ko. Pero na wala atang sasaklap pa kung gawing simbolo ang utak at instead puso. Teka lang, bakit nga ba ganito ang hugis ng puso?

Dahil kung tingnan at ikompara mo sa tunay, masyadong malayo ang
pinag-kaiba.
Diba? Seguro nga mesteryoso hindi
lang ang pag-ibig kundi pati pa simbolo nito.
Ang pag-ibig ay parang barya. May dalawang mukha. Kasayahan at kalungkutan. Wala pa atang nakakaranas ng isa lang sa dalawa.
Package kasi yun. Dalawa dapat. At wala na tayong magagawa. Sa pagmamahal
kailangan masaktan dahil dun din tayo natututo.
Ang tanong, may natutunan nga ba? Sa babae tayo, ilan na bang boyfriend ang dumaan sa buhay mo at bakit biyernes santo parin lagi ang lovelife mo?
Mali ba lagi ang taong iyong minamahal? O baka naman ikaw mismo ang may mali?

Isingit ko nalang ‘to. Mga kadalasang dahilan bakit ang sarili mismo ang
mali. Para to sa mga babae. Sila daw kasi ang usual na biktima. Biktima?:
1. Nalito ka lang kung ano ang pinagkaiba ng libog at pag-ibig-Biniyayaan tayo ng Diyos ng mga senses: Pandama, pang-amoy, paningin, pandinig at panlasa. Wag umaasa lagi sa paningin. Dahil minsan ang mata libog lang ang hatid nito sa utak.
2. Gusto mo lang punan ang malungkot mong buhay- Kung ang nais mo lang naman ay maging masaya, wag kang hahanap ng boyfriend para maging masaya. Kung hindi mo kayang maging masayang mag-isa, sento porsyento hindi ka rin maging masaya kapag may kapareha. Lalabas na nandamay ka lang sa iyong kalungkutan. Ang kasiyahang hinahanap mo ay nasa sarili at wala sa iba. Hindi mo kailangang sumisid sa dagat para maghanap ng alikabok. Kung may matuklap ka man galing sa iba ay panandalian kasiyahan lamang. Temporary pleasures sabi ni Nick Vujicic. Here today, gone tomorrow. Ganun lang kasimple. Pero kung trip mo ay instant kasiyahan, manood ka nalang ng Mr. Bean.
3.Kulang ka lang ng pagmamahal sa sarili- Ito ang matindi. Maraming ayaw aminin na kulang sila ng pagmamahal sa sarili. Empty love-tank daw ang tawag dun. Resulta nito ang maraming insecurities. Marahil dahil sa iyong mga nakaraang maling desisyong nagawa. O di kaya ang ugat ay ang mga ga-bagyong hirap na sumalanta sa iyong kahapon. Idagdag pa natin ang mga ga-lindol na problema na yumanig sa iyong pagkatao. Dinala ng bagyo. Nabiyak ang lupa at naglaho ang iyong pag-asa. Nawalan ka ng gana sa buhay. Bumaba ang tingin sa sarili. Kung ikut-ikotin natin ang sitwasyon, hindi naman talaga boyfriend ang kailangan mo kundi pagmamahal. Pagmamahal sa sarili. Ang gusto mo lang naman ay makarinig na may magsabi ng I love you. Uhaw ng pag-ibig ang tuyo mong kalooban. Boyfriend ang nahanap mong solusyon para ibuhos sa iyong empty love-tank. Walang pinagkaiba sa taong tanga uminom ng biogesic para gamutin ang kanyang diarrhea. May kasabihang, you cannot give what you do not have. Paano ka mamigay kung ikaw ay wala? Mahalin muna ang sarili bago maghanap ng mamahalin. Panahon na segurong patawarin ang sarili sa iyong mga nakaraang pagkakamali. Move on. Masyado kang malaki para maliitin ng problema. Ibalik ang tiwala sa sarili at mahalin. Sabi nga, loving oneself is the foundation of loving others. Yung mga parang laging galit sa mundo, kulang lang yun ng pagmamahal sa sarili.
4.Kulang ka lang ng pagpapahalaga sa sarili-May koneksiyon to sa number 3. Ito ang dahilan kung bakit laging mali sa pagpili. Dahil kulang ka sa tinatawag nilang self-importance, hinahanap mo ito sa iba. Sagot ka lang ng sagot. Ayaw mong maging available. Takot kang mag-isa. Ayaw mo na walang mag-tetext o tatawag sa iyo. Sabi ni Bo Sanchez,"jumping one relationship to another...just like a drowning woman gasping for air." Busog ang iyong tiyan pero gutom ka sa pagkalinga. Naghanap ka ng dahilan para itapal upang magbago ang tingin sa sarili. Boyfriend ang nakita mong solusyon. Ibinigay mo ang lahat-lahat umaasang bigyan ka ng pagpapahalaga. Kapalit nito ang marinig mo na: ang ganda mo, ingat ka lagi, na-miss kita at I love you. Likas sa aming lalaki ang pagiging bolero kaya ang dali lang sabihin nito. Kung sa isda kapa, kahit paingan ka lang ng buto ng sampalok, kakagatin mo pa rin. Labo-labo na ang nangyari. Hindi mo na alam ang pinagkaiba ng tama at mali. Sa huli, hindi ka na nagmahal kundi nagpakilimos ng pag-ibig. Iba ang umiibig sa nagpakatanga. Pero hindi naman talaga boyfriend ang kailangan mo. Ang gusto mo lang naman ay may magparamdam sa iyo na may silbi kapa dito sa mundo.
Simpleng solusyon? Bigyan mo ng pagpahalaga ang sarili sa ganun malaman mo kung ano ang nakabubuti at hindi. Ang tanging naghiwalay sa totoo at hindi ay ang gawa. Marami ng babaeng naging tanga dahil sa pag-ibig. Kung gusto mong bawasan sila, wag ka ng dumagdag pa. Pahalagahan ang sarili.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.