Mga linggo na ang nakalipas mula nang mag-celebrate
ako ng birthday. Mali pala. Hindi pala ako nag-celebrate.
Ayaw kong ipagdiriwang ang araw na dahilan ng aking pagtanda. Dati komportable at proud kong sabihing “24” kung may magtanong sa aking edad. Ngayon, baka “secret” nalang ang sagot.
Ayaw kong ipagdiriwang ang araw na dahilan ng aking pagtanda. Dati komportable at proud kong sabihing “24” kung may magtanong sa aking edad. Ngayon, baka “secret” nalang ang sagot.
25 years old? Ang bilis ng panahon. Hindi ko man
lang namalayan ang aking pagtanda. Hindi ko nakuhang makisabay sa takbo ng
panahon. Pakiramdam ko parang kailan lang ako tinuli. Ma-describe ko parin hanggang sa
ngayon ang sakit ng anaesthesia. Hindi totoo na parang kagat lang ng langgam.
Seguro kung parang langgam man baka fire ant. Ayaw ko nga sana magpatuli kung hindi lang ako tinakot na
hindi ako pwedeng mag-asawa kapag hindi yun mahiwa.
25 years old? Parang kahapon nga lang ako nag-aral sa
elementarya. Na-memorize ko parin nga hanggang sa ngayon ang poem na “Signs in
School” at "Ang Gatas at Itlog".
Rinig ko parin nga hanggang sa ngayon ang maliliit at
maiingay na boses namin kapag mag-recite na sa poem na “All Things Bright and
Beautiful”. Na-imagine ko parin at hindi ko maiwasang mapangiti sa reaksiyon sa
mukha ni Mam. Para itong pinunit kapag marinig niya ang:
Each little flower that opens,
Each little bird that sings,
He made their glowing colors,
He made their tiny wings.
Each little bird that sings,
He made their glowing colors,
He made their tiny wings.
Lalo na ang part na:
The purple headed mountains,
The river running by,
The sunset and the morning
That brightens up the sky.
The river running by,
The sunset and the morning
That brightens up the sky.
Sabi ni Mam mali daw ang pagka-recite namin.
Hindi daw dapat pababa-pataas ang tono. Ewan ko nga ba anong hiwaga meron sa stanza na yun. Dahil simula sa “each little flower that opens”,
bigla nalang mag-iba ang tono. Seguro na carried away lang sa ganda ng mensahe
ng tula.
25 years old? Parang kailan nga lang ako nangarap ng
pellet gun.
Nung bata ako, makaramdam ako ng inggit tuwing
makakita ako ng bata na may hawak na ganung laruan. Yun kasi ang pinaka-uso na
laruan dati. Pero hindi ako kayang bilhan ng aking mga magulang. Naitindihan ko
naman ang sitwasyon. Mas importante ang kakainin kaysa laruan. Kaya nagsikap
akong kumita ng sariling pera at nag-ipon para makabili. Hanggang sa maging
sapat na ito para ibili. I-short cut ko nalang ang estorya, sa huli, school bag
na power ranger ang nabili ko at hindi pellet gun. Mas importante daw yun sabi
ni Mama. Ang pellet gun ay nanatiling pangarap nalang.
25 years old? Ito na ako. Meron bang nagbago? Ewan.
Ito na ako...
Tuli. Hindi ko na kailangang i-memorize ang "Signs In School". Natawa nalang ako kapag maisip ko ang tulang "Ang Gatas at Itlog". At kaya ko rin i-recite ang “All Things Bright and Beautiful” sa tamang tono pero wala ng silbi. Dahil patay na si Mam. Yumao na ang mabait kong titser.
Nawala na rin sa pangarap ko ang pellet gun. Patay na ang musmos na pangarap. Higit pa nun ang gusto ko.
Ito na ako...
Tuli. Hindi ko na kailangang i-memorize ang "Signs In School". Natawa nalang ako kapag maisip ko ang tulang "Ang Gatas at Itlog". At kaya ko rin i-recite ang “All Things Bright and Beautiful” sa tamang tono pero wala ng silbi. Dahil patay na si Mam. Yumao na ang mabait kong titser.
Nawala na rin sa pangarap ko ang pellet gun. Patay na ang musmos na pangarap. Higit pa nun ang gusto ko.
Milya-milya na ang layo ko ngayon mula sa lugar
saan ako galing.
Ilang milya pa kaya ang kailangan kong tahakin
para makita ang matagal ko ng hinahanap?
Dahil 25 years old na ako pero ganito parin ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.