Nalito kaba?
Yung pusang itim, matabang babae, batang pulubi, at driver ng jeep, wag mo nalang masyadong pansinin. Total walang kinalaman silang lahat sa aking kwento.
Tiningnan ko ang aking relo, 4:50 pm na. 5:00 pm magstart ang aking klase.
Gaya ng nakasanayan kailangan kong pumasok muna sa mall bago sa school. Pero wag mag-isip ng masama. Hindi ako mag-cutting classes. Galing pa kasi ako sa trabaho. Tama ka, working student ako.
From 6:00 am to 4:00pm ako magtrabho. 5:00pm to 9:00 pm naman ang klase ko. Lunes hanggang Byernes. Sa Sabado naman, straight 6:00am to 6:00 pm akong magtrabaho. Minsan, may trabaho pa sa Linggo. Wala na ngang pahinga, wala pang time gumawa ng projects at assignments.
Ang sarap ng buhay!
Balik tayo sa mall.
Ang CR ng mall ang ginawa kong bihisanan. Kailangan kong magpalit ng damit upang papasukin ako ng schoolguard at para narin magmukha akong estudyante este janitor pala.
Ang prescribed uniform sa STI para sa mga working students ay polo shirt lang na may tatak na STI logo. Kung titingnan mo kagaya lang at walang pinagkaiba sa mga suot ng janitor dun.
Napakatahimik sa loob. Tanging narinig ko lang ay ang tulo mula sa sirang gripo. Bawat patak ng tubig, naglikha ng nakakilabot at mesteryosong tunog. Ang eksena ay pang “shake, ruttle and roll”. Inihanda ko na ang sarili sa paglabas ng paring walang ulo. O di kaya duguang tiyanak. Sinilip ko ang lagayan ng mop baka may nagtalik na dwende at kapre. Pero wala. Puro ipis ang anduon. Tiningnan ko ang malaking salamin baka may white lady akong makita. Thanks God. Wala naman.
Pero iba ang pakiramdam ko. Parang may humipo sa aking batok. Nakaramdam ako ng malamig na hangin. Tumindig ang aking mga balahibo. Kutob ko, may ibang tao o nilalang sa loob bukod sa akin.
Multo?
Maligno? Ligaw na kaluluwa?
Ewan. Malamang.
Kasalukuyang sinusuot ko ang aking polo shirt nang biglang...
Biglang...
Biglang bumukas ang pintuan ng CR. Nagulat ako. Tiningnan ko sa nakaharap na malaking salamin, may pumasok.
Ang pumasok lalaki (seyempre male CR yun). Naka-body fit. Astigin. Ang laki ng katawan. Pang-WWE superstar ang dating.
Nawala na sana ang kaba na aking naramdaman dulot ng kababalaghan dahil dalawa na kami sa loob, pero lumala pa ata. Nagmistulang may unggoy na patuloy sa pagtambol sa loob ng aking dibdib nang mapansin ko sa salamin-iba ang tingin ng lalaki sa akin. Ang talas. Nakita mo naba ang picture ni Rezso Seress? Yung bang taong nag-compose sa Gloomy Sunday na ipinag-banned dahil suicide song. Ito si Seress sa mga hindi pa nakakita.
Medyo kahawig ni Rezso Seress ang kanyang mga mata kung makatingin. Yung bang tipong anytime pwedeng pumatay.
Unang naisip ko, hold-upper yon. May masamang intensyon. Nangunguha ng pera at papatayin ang sino mang papalag. Pero mukha namang desente. Baka nga resulta lang to sa kakainom ko ng kape. Pero nag-evolve na pala ang mga hold-upper ngayon. Desente na sila tingnan. Ang pinagtaka ko lang, hindi naman siya umuhi o tumae. Nakatayo lang siya sa left side ko at kaharap din niya ang malaking salamin.
That time, 4500 pesos ang laman ng aking wallet. Pambayad ko yun sa skol dahil mag-eexam at pang-allowance ko na rin.
Kung susubukan niya akong holdapin, lalaban ako ng patayan. Yun nalang ang katangi-tangi kong pera at wala na talaga.
Nagmimistula akong si Bruce Lee sa pelikulang "Enter The Dragon". Gamit ang malaking salamin, binantayan ko ang kanyang bawat kilos habang ako’y patuloy sa paghihilamos.
Bigla siyang may binunot sa likod. Natigilan ako. Sa isip ko, rambolan na...magkamatayan na.
Pero...
Pero suklay lang pala ang kanyang kinuha at hindi kutselyo o baril.
Hindi parin nawala ang aking pagdududa. Bago pa siya magdeklara ng hold-ap, pinaplano ko na ang aking self-defense na gagawin habang pinupunasan ko ng towel ang aking mukha. Maswerte lang ang taong ‘to at hindi ko nadala ang aking chacku. Tumba sana agad yun gamit ang aking hit-to-knock down moves. Kung simpleng suntukan lang, tiyak na luging-lugi ako nun. Sa payat ko ba naman. Kaya kailangang gamitan ko ‘yon ng arms and legs combination attack tulad ng napanuod ko sa TV. Tingin ko effective na gayahin ko ang right-hook punch style ni Pacquiao. Tapos, gamitin ko ang aking frontal kick na mala-Van Damme at side kick na mala-Bruce Lee.
Sento porsyento.
Garantisado.
Taob yun.
Pero wala naman siyang masamang ginawa bukod sa pasuklay-suklay lang sa kanyang semi-kalbong buhok.
Seyempre hindi na ako maghintay na may gawin siyang masama. Kinuha ko ang aking bag para lumabas sa CR.
Inangat ko palang ang aking bag na nakasabit nang biglang...
Bigla niyang binasag ang katahimikan. Pero hindi “holdap” ang kanyang sinabi. For the first time narinig ko siyang nagsalita.
Pasensya na para sa mga nakabasa dahil sa puntong ito gamitin ko muna ang pinakaakmang expression na nakuha ko sa mga tagalong.
Putang-ina!
Sino ba ang mag-akalang ang astiging tigre ay boses daga?
Hindi ko talaga makalimutan ang exact words na lumabas sa kanyang bibig.
Sabi niya, ” Pwede po bang makipagkilala?
“Pasensya na po. Nagmamadali ako. May exam pa kasi ako.”Sabi ko, sabay hablot ng aking bag at matulin na lumabas sa CR na walang lingon-lingon.
Ikinuwento ko to sa katrabaho kong babae. Tawa siya ng tawa.Sabi niya, “Napansin ko lang, lapitin ka ng mga bakla.”Napatingala ako at napaisip. Anong meron? Ang pangit ko naman. Payatot pa.
Mga girls payo lang. Huwag ka masyadong maging kampante dahil mala-Samson at maporma ang boyfriend mo. Dahil ang tunay na pagkalalaki ay hindi makikita sa panlabas na kaanyuan. Hindi rin sukatan ang dami na naging girlfriend dahil minsan ginawang disguise nalang ang pangolekta ng girlfriend para ikuble ang tunay na sarili.
Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.
Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.