Dear kate,
Kumusta na!
Kumusta kana kaya?
Wala lang. Naisipan ko lang magsulat bilang pagbaka sakali mabawas-bawasan ang pinapasan ng aking dibdib. Wish ko sa mga sandaling ito na sana'y alam mo na hanggang ngayon ramdam ko parin ang pangulila ng iyong pagkawala. Hindi parin kita nakakalimutan. Lagi ko ngang pinagmasdan ang mga picture mo. Hindi ko lang alam kung tama bang gamitin ko dito ang words na hindi pa ako naka-move on. Na-miss kita. Sobra. Laman ka ng aking isip lagi.
Bawat gabi bago ko ipikit ang aking mga mata, umaasa ako na sana bukas pagdilat ko, hindi na kita maalala at tuluyan na kitang nakalimutan. Isang buwan na ang nakalipas na ako'y ganito pero patuloy parin akong umaasa sa mga bukas na iyon.
Kung ano man ang nangyari sa atin, hindi ko pinagsisihan at wala akong sinisisi. Kung bakit kailangan mong mawala sa aking piling, hindi ko alam. Pero segurado akong lahat ng mga bagay ay may dahilan. Katulad sa paglubog ng araw at pagdilim, sa pagkaroon tag-init at tag-ulan. Lahat ay may naaayong takdang panahon. Maganda man o hindi ay nakatakda ng mangyari. Inisip ko nalang at ipinagpalagay na ganun lang ka-iksi ang panahon na nakatakda para sa atin. Pero nagpapasalamat parin ako.
Nagpasalamat ako dahil sa iksing panahong iyon ay naging masaya ako. Nagkaroon ng kulay ang aking walang kabuhay-buhay na buhay. Salamat pala sa paguhit ng ngiti sa aking mga malulungkot na sandali. Ikaw ay ulap sa tanghali na nagbibigay ng panandaliang lilim. Liwanag ka ng malagintong araw tuwing hapon. Ang tulad mo ay bukangliwayway na nagbibigay pag-asa. Kape ka sa aking malamig na umaga. Teka lang, narinig mo ba? Oo nga pala.
Sayang wala ka sa aking tabi at hindi mo narinig.
Kanina pa sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo.
Kanina pa sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo.
Minsan kapag ako ay nag-iisa at walang makausap, sa aking isipan binubuksan ko ang aklat na kuwento ng aking buhay. Maingat at dahan-dahan kong binubuklat ang mga pahina para balikan ang araw kung saan tayo unang nagkatagpo.
Naaalala mo pa ba yun? Hindi ko talaga makalimutan noong una kitang makita. Isang tingin palang alam kong ikaw na ang gusto ko. Pero hindi yun love at first sight dahil ang love at first sight ay libog lang. Hindi naman akong ganun. Bumalik ako para makuha ka at maangkin, buti nalang andyan ka parin. Naghihintay. Thanks God, hindi naaksaya ang aking pamasahe dahil nadala kita pauwi.
Yung dinalhan kita ng pasalubong, naalala mo pa ba yun? Kahit wala kang sinabi at hindi ka nagsalita, alam kong gusto mo ang pagkaing dala ko. Seyempre kilalang-kilala kita kaya alam ko ang paborito mo. Nakita ko sa kislap ng iyong mga mata ang sarap kaya hindi nakapagtataka kung ninamnam mo ang bawat kagat.
Kate kung saan ka man ngayon sana'y nasa mabuti ka at masaya.......
Lubos na nagmamahal,
Dioscoro Kudor
_____________________________________________________________________________
Note:
Si Kate ay aking aking alagang Teddy Bear Rat. Binili ko iyon sa Bio Search sa SM. Sayang nga lang. Pagtingin ko sa kanyang kulungan, hindi na gumagalaw, hindi na humihinga. Napakasigla nun tapos bigla nalang na maging

ganun. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagkamatay.
Nature na ata sa buhay natin ang biglang paglitaw sa hindi inaasahan na darating. Lesson na natutunan ko na wag agad gumawa ng conclusion hangga't hindi pa natatapos o nakakasiguro. Dahil ang buhay ay full of surprise . And life itself is a surprise. Katulad nalang sa binasa mo ngayon. Akalain mo bang mali pala kung ano ang inakala mo nung umpisa. At ito pa ang matindi, sinong makapagsasabi na sa pagkahabahaba nito pero ang lahat lang pala ay magtatapos lang sa ganito?

Akalain mo. Ganito(?)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.