Wala akong magawa sa buhay sa mga sandaling ‘to kaya trip kung magkwento. Oo, magkwento. Kaya wag ka nalang komuntra.
Alam mo na ba kung ano ang IHAW, KUYUKOT at SIPITSIPTAN? Dati hindi ko alam yun. Ganito kasi yun.
Alam mo na ba kung ano ang IHAW, KUYUKOT at SIPITSIPTAN? Dati hindi ko alam yun. Ganito kasi yun.
Noong bagong salta ako sa Taguig medyo nahirapan ako nun ng todo. Kailangan ko kasing mag-adjust at nakakapanibago. First time ko din kasing mahiwalay sa family kaya hindi maiwasang ma-miss ko sila( tumutulo na ang mga luha ko ngayon).
Pero aaminin ko sa iyo, hindi naman talaga family ang dahilan kaya ako nahirapan dito. Ewan ko ba sa iba basta ako, hirap akong magtagalog. My subject ako na FILIPINO dati pero hindi ko seneryoso.Para kasing nakakatandang kapatid lang sa salitang bisaya ang salitang tagalong kaya hindi ko pinagtuunang pansin. Pero ngayon nakita ko na ang halaga. Kaso, huli na!(kita mo yung lesson?)…
Kaya ngayon hirap akong magtagalog. Kailangan ko pang isipin kung ano yun sa tagalog bago ko pa masabi. At meron ding tagalog terms na hindi ko pa nakasalubong noong nag-aral pa ako.
Naalala ko dati nang sabihin ng katrabaho kung tagalog na mag-ihaw daw siya ng tilapya. Medyo nagulat ako nun at kinakabahan.. Ang daming pumapasok sa isip ko. Napaka-brutal naman ata ng mga tagalong. Agad-agad naglaro sa isip ko kung ano kaya ang puwedeng niya gawin sa tilapiya. Sasaksakin sa leeg o pupugutan ng ulo? Ganun ba sila kasalbahi dito?
Sa kalaunan napag-alaman ko rin na ang ibig lang pala niyang sabihin ay mag-grilled ng tilapya. Anak ng pagong! Sa amin kasi sa Cebu ang salitang ihaw ay katumbas sa salitang tagalog na katay. Yun pala yun!
Pagkatapos ng apat na buwan, dalawang araw, limang oras, tatlompung minuto at isang segundo kung pananalagi sa Taguig, tuluyan ko narin itong nilisan. Na-realize kong hindi ako pwedeng mag-asawa ng dalawa dun dahil sa sobrang liit ng suweldo. Isipin mo, 2500 lang ang bawat buwan. Hindi makabuhay kahit sarili.
At ngayon andito na ako sa Cavite. Dito, sa lugar nato sinimulan kong bouhin ang durog at nagkagutaygutay kung mga pangarap. Kaya hanggang ngayon, wala paring nangyari. Sobrang durog. Ang hirap bouhin!
At ngayon andito na ako sa Cavite. Dito, sa lugar nato sinimulan kong bouhin ang durog at nagkagutaygutay kung mga pangarap. Kaya hanggang ngayon, wala paring nangyari. Sobrang durog. Ang hirap bouhin!
Dito rin sa lugar nato, una kong narinig ang salitang kuyukot at sipitsipitan. Medyo na-curious ako. Akalain mo boung buhay ko, nun ko lang narinig yun. Additional knowledge din yun at palagay ko, wala pang kuyukot at sipisitan sa Cebu. Baka puwede kong iuwi yun bilang pasalubong.
Kaya nun nagtanongtanong ako kung ano ang mga yun. Kaso parang may mali. Hindi nila ako sinasagot ng seryoso at tinawanan lang. Pero hindi parin ako tumigil. Knowledge never stops! No retreat, no surrender! Bago lumubog si haring araw, yun napag-alaman ko rin na ang kuyukot lang pala ay bahagi pala sa katawan ng tao. Hindi mo ito puwedeng ipakita sa mga magulang mo O sa mga kapatid mo, kahit na sa mga kaibigan mo at lalo na sa girlfriend mo puwera lang kung "close na close" kayo. Clue sa mga hindi nakakaalam, ito'y matatagpuan sa may bandang puwet.
At sa pagtanongtanog ko pa, napag-alaman ko rin na ang sipitsipitan lang pala ay bahagi sa maselang parte sa katawan ng babae. At ito ang dahilan kaya lumubo ang populasyon sa Pilipinas. At dahil sa paglubo ng populasyon sa Pilipinas, dumami ang mga pulubi, dumami ang mga nagugutom, dumami ang walang trabaho, dumami ang walang tirahan, nauso ang pananakaw, dumami ang Pilipina na gustong ma-asawa ng kano(instant fortune yun!), dumami ang nagkaka-utang, tumaas ang krimen, nauso ang pangungutong ng mga napakabait at walang hiyang pulis natin(oy! legalized highway robbery) at higit sa lahat dumami ang gustong magpulitiko. Dati hindi ko maarok kung bakit marami ang willing pumatay para lang makaseguro sa panalo, kung bakit may mandaya para lang manalo(kailangan ko pa bang banggitin ang HELLO GARCIE Tape dito?), at kung bakit kailangang magsiraan, at saka kung bakit kailangang gumastos ng milyones para lang sa political advertisement na magsimula 2 years bago maghalalan?...
Pero ngayon alam ko na, marami kasing pera sa pulitika. Ano gets mo na? Ganyan kalubha ang naidulot na problema dahil lang sa sipitsipitan.
Linsyak na buhay! Ngayon, alam ko na kung ano ang ihaw, sipitsipitan at kuyukot. Yun lang pala. Seryoso pa naman ako nun habang nagtatanong kung ano ang mga iyon.
Oo, seryoso talaga. Kasing seryoso ng isang taong nasa ICU. Kasing seryoso ng isang lalaking hiniwalayan sa gf(ganyan ako dati). Kasing seryoso nang isang babaeng buntis na nalito kung alin dun ang ama. Kasing seryoso sa lagay ng bansa natin ngayon.
Ganun din ako kaseryoso....
Oo, seryoso talaga. Kasing seryoso ng isang taong nasa ICU. Kasing seryoso ng isang lalaking hiniwalayan sa gf(ganyan ako dati). Kasing seryoso nang isang babaeng buntis na nalito kung alin dun ang ama. Kasing seryoso sa lagay ng bansa natin ngayon.
Ganun din ako kaseryoso....
Totoo talaga na minsan nakakatuwa ang pagiging egnorante at tanga.
Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.
Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.