"Ano na ang natutunan mo dun?"
Wala siyang segundong pinalipas, agad-agad niya akong
sinagot. Nakakatuwa para sa murang pag-iisip ang kanyang naging reaksiyon. Ibig
sabihin talagang may natutunan nga kaya hindi na dapat paganahin pa ang utak ng
matagal para lang mag-isip.
Marami siyang sinabi. Marami siyang sagot sa aking tanong. At
isa dun ay napaka-interesting. Sabi niya, ANG KULAY NG STARS AY YELLOW,
uncle."
"Huh? Sino ang nagsabi?"
"Si mam."
"Si mam."
Anak ng tikbalang! Dahil mali at hindi kulay dilaw ang mga
bituin, sinikap kong itama ang kakahulma palang niyang pag-iisip. Naniwala ako
na ang murang isip ng mga bata ay isang crucial learning stage. Para kasi itong
timba na walang laman. Kahit anong ideya ang ibuhos mo dun, tinatanggap-mali
man ito o tama.
Sabi ko, "mali yun. Sabihin mo sa titser mo hindi dilaw
ang star."
Sa hindi ko inaasahan, tinanong niya ako,"Ano pala ang
kulay ng star, uncle?
Ang kulay ng mga stars ay hindi lang isa. Merong blue,
blue/white, white, white/yellow,yellow, orange at saka red. Kaya hindi parehas
ang kanilang kulay dahil magkakaiba ang kanilang temperature. Ang pinakamainit
na star ay kulay blue habang red naman ang kabaliktaran. Kelvin ang unit na
ginagamit sa pagtukoy kung ano ang temperature. At ang mga stars din pala kagaya
ng mga corrupt na politicians ay namamatay din katagalan. Supernova ang tawag
dun habang sa mga politicians naman ay masamang damo.
Wag ka muna pumapalakpak. Dahil hindi yan ang sinagot ko sa aking pamangkin.
Wag ka muna pumapalakpak. Dahil hindi yan ang sinagot ko sa aking pamangkin.
Ito ang nangyari.
Natigilan ako pagkatapos niya akong tanungin. Nag-freeze ang aking utak. Halos tumigil ang daloy ng aking dugo. Bumabagal ang tibok ng aking puso.Tumatakbo ang segundo pero hindi ang mga neurons sa utak ko. Ano nga ba ang kulay ng star? Patay na. Nung time na yun gusto ko siyang sagutin na sorry pamangkin hindi din alam ni uncle eh . Pero seyempre hindi ko kayang isagot yun. Nagmamarunong ako tapos hindi ko pala alam. Para ikubli ang aking hiya, sabi ko nalang sa kanya, "Mahirap kasing ipaliwanag sa cellphone. Sabihin ko nalang sa iyo pag-uwi ko ha. Mag-aral ka ng mabuti. Love you. Ibigay muna kay lola ang cellphone."
Tapos ang conversation ko sa Ka-apo apohan ata ni Einstien.

Pahabol na kwento...
Naalala ko ang titser ko dati sa high school sa geometry.
Sabi nya, i-drawing niyo kung ano ang hitsura ng mga bituin na makikita natin
sa kalawakan kung gabi.
Hmmnn, ang dali-dali nito. May ribbon kaya ako lagi ng Best in Arts nung nag-aral pa ako sa elementarya. Nagdo-drawing na ako ng star mula kindergarten hanggang elementary. Pati high school pala tuwing Desyembre kapag pinapagawa ng christmas cards bilang project. Mag-drawing ng star?, napakasisiw.
Pagkatapos namin mag-drawing, isa-isang tinitingnan ng aming magaling na titser ang aming mga drawing. Natawa siya sa drawing ng mga classmates ko-at sa drawing ko din pala. Masyado daw malaki ang impluwensiya sa amin ang itinuturo nung elementary. Pero may nakakuha naman. Seguro sila yung hindi masyadong nakikinig sa kanilang elementary titser. Kaya tandaan, ang totoong star ay hindi katulad sa makita mo sa dulo ng bubong ng mga mosque o kaya sa dino-drawing mo nung ikaw ay elementary. Tuldok-tuldok lang ang hitsura ng mga stars. Disagree ka? Tumingala ka sa langit. Seguraduhin mo lang na gabi.

Isa pang kino-correct niya ay ang tungkol sa circle.
Kadalasan daw kasing ibinigay na example ay bola. Mali daw yun. Dahil ang
circle ay two dimensional figure. So, ang bola ay hindi circle kundi sphere
dahil ito ay three dimensional.
Hanga talaga ako sa gurong iyon. Sayang lang hindi ako nagka-interes sa kanyang klase. Kaya wala ako masyado natutunan. Inaantok kasi ako lagi.
Hanga talaga ako sa gurong iyon. Sayang lang hindi ako nagka-interes sa kanyang klase. Kaya wala ako masyado natutunan. Inaantok kasi ako lagi.
Hindi ko alam kung may mali ba sa sistema ng edukasyon natin. Aaminin ko, napakalaking mali na sinabihan ko ang aking pamangkin na mali ang kanilang titser. Subsconciosly pwede mag-trigger ito sa utak ng bata para hindi na maniwala sa kaniyang guro.
Isa pang pahabol na kwento.
Ayon sa kwento-kwento, hindi daw naging isang magaling na estudyante si Einstien nung kanyang kabataan. Nakakapagtatakang isipin na ang isang magaling na scientist ay hindi nagustuhan ng kanyang mga titser. Ang dahilan daw ay dahil ayaw ni Eistien ang kanilang mga tinuturo. Hindi siya nakuntento. Naghanap pa siya ng mas malalim na paliwanag. Sa kaso natin, bakit kaya hindi natin tinatanong dati si Mam kung bakit dilaw ang star? Hindi man lang natin nakuhang magtaka bakit ang layo ng totoong hitsura ng star sa langit kaysa pinapa-drawing niya? Bakit kaya sumang-ayon nalang tayo na ang bola ay circle na walang halong pagdududa?
Minsang sinabi ni Einstien,”I have no special talent. I am
only passionately curious.” Ito ata ang dahilan kung bakit si Eistien ay walang
kaparehas. Nag-iisa.
Tayo kasi basta nalang umu-oo. Siya nagtatanong pa kung bakit.
Tayo kasi basta nalang umu-oo. Siya nagtatanong pa kung bakit.
Katulad mo, hindi mo lang ba tinatanong kung bakit? Hindi mo
ba napansin na mali ako at tama ang pamangkin kong 3 years old. Dahil yellow
ang isa sa mga kulay ng star.
Lesson: Listen. Observe. Spot the mistake and ask why.
Lesson: Listen. Observe. Spot the mistake and ask why.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.