First time kong pumunta sa sementeryo na hindi undas at hindi
makipaglibing. Nagpasya kami:ako at dalawa sa mga nakakatanda kong kapatid na
dalawin sina lolo at lola. Ito na yung tamang pagkakataon na maipakita ko sa
kanila(kung makita man nila) na hindi at hinding-hindi ko sila nakakalimutan.
Hiningi lang ng pagkakataon kaya hindi ako nakuhang umuwi sa kanilang mga
burol. Unang rason, mahal ang pamasahe. Pangalawa, kailangan ako sa trabaho at
hindi ako pwede mag-leave ng matagal.
Una naming pinuntahan ang netso ni Lolo. Halata na kailan
lang siya ipinasok dito. Malinis pa ang takip at readable pa ang nakasulat.
Ibang-iba talaga si Lolo, pangalan palang. Sunod kong napansin, mali ang
spelling ng kanyang pangalan. Gusto akong magreklamo pero kanino? At ito ba ay
nararapat? Ang pangalan niya isinulat lang gamit, na sa hula ko ay hibla ng
walis tingting. Isinulat ito habang basa pa ang semento. Oo, ganun lang. Ganun
lang ka-simple. Pinili naming maging simple hindi dahil simple kami mag-isip.
Ang totoong dahilan wala kaming pera. Hindi namin kaya ang lapida na ang
pangalan ay nakasulat sa kulay silver na letra(minsan may kulay gold) at meron
pang picture na pwede pang profile photo sa FB. Tiningnan ko kanyang mga
katabi, ganda ng mga lapida. Dun ko na-realize na hindi totoo na ang may pera
at wala ay pantay-pantay kung mamatay. Dahil hindi. Sa catholic public cemetery
ay makita mo ang pinagkaiba sa may kaya at wala. Base sa lapida, mahulaan mo
ang katayuan sa buhay ng namatay. O kung hindi man siya, malamang ang mga
kamag-anak ang may kaya.
May napansin ako. "Rest in Peace". Sa ibaba,
"From your beloved children and grandchildren". Seguro ang may kaya
ang mga kamag-anak lang nito. Mukha kasing mahirap ang nasa picture.
Ang buhay ay isang kwento. Ang alaala ay ang aklat at tayo
naman mismo ang manunulat. Habang ang ating bawat desisyon ay ang tenta na
bumubuo sa ating bawat storya.
Wala na si Lolo pero hangga't buhay ang mga taong nakakilala
sa kanya, siya ay manatiling buhay. Tapos na ang kanyang kwento pero nag-iwan
ito ng libro sa kanyang mga nakasalamuha. Kasalukuyan ko ngayong binubuklat ang
mga pahina ng kanyang buhay. Ayaw kong husgahan kung siya ba ay naging magaling
na manunulat o hindi. Isa lang ang masasabi ko, siya ay naging mabait kong
Lolo. At hindi ko yun makakalimutan. Seguro kung may matutunan man ako sa
kwento niya ay ang tungkol sa kanyang pagiging babaero. Lumaki ako sa mga
kwento na aking narinig na siya ay matinik sa mga babae.. Aaminin ko,
hangang-hanga ako sa kanyang abilidad noong mga panahon kung saan ako’y
nagsimula palang dumidi sa emosyon na nagpaikot sa boung mundo. Na tinatawag
nilang LOVE. Ano kaya ang kanyang sekreto? Hindi naman siya guwapo.
Pero noon yun, iba na ngayon. Maraming taon na ang nakalipas.
25 years old na ako. Nagbago na ang tingin ko sa mundo. Bilog na ito at hindi na
patag. Nagbago narin ang tigin ko kay Lolo. Ang paghanga ay napalitan ng awa.
Saksi ako kung paano siya unti-unting humihina habang tumatagal ang panahon.
Mula sa pagkalabo ng paningin, sa pagkawala ng lakas hanggang sa pagpurol ng
memorya. Hindi pala siya naiiba sa kabila ng dami ng kanyang mga babae. Gaya ng
normal na tao, siya ay tumatanda at humihina.
Napag-isip isip ko, totoo nga seguro ang kasabihang nothing in this life is free. Walang libre. Laging may kapalit. Kung gusto mo ng kabutihan, gumawa ka ng kabutihan. Kung may nais kang may marating sa buhay, kailangan bayaran mo ito ng pagsisikap. Kung may gusto kang makuha at maangkin, kailangang merong bagay kang pamalit.
Napag-isip isip ko, totoo nga seguro ang kasabihang nothing in this life is free. Walang libre. Laging may kapalit. Kung gusto mo ng kabutihan, gumawa ka ng kabutihan. Kung may nais kang may marating sa buhay, kailangan bayaran mo ito ng pagsisikap. Kung may gusto kang makuha at maangkin, kailangang merong bagay kang pamalit.
Sa kwento niya, respeto ng mga anak ang naging kapalit para
sa kanyang mga babae. Pero, kahit hanggang sa huli ng kanyang buhay, wala
namang napatunayan. Pinili ang panandaliang kasiyahan kapalit sa pangmatagalan.
Not a good barter, isn't it?
Kahit kailan hindi sukatan ang dami ng babae para tawaging
dakila o tunay na lalaki. Dahil ang tunay na lalaki ay matatag. Kapag sinabi
kong matatag ibig sabihin may sapat na tatag para labanan ang tukso. Dakila?
Ang totoong dakila ay ang mga taong inuuna ang pamilya kaysa pansariling
kasiyahan.
May gusto kabang makuha o maangkin? Mag-isip isip muna.
Maging wais. Sayang naman ang ginto kung i-trade mo lang sa kinakalawang na bakal.
Itaga mo sa semento, instant happiness is a fake happiness. Parang Lucky Me! Instant noodles beef flavor lang yan. Madaling lutuin, mura, ok ang lasa pero artificial ang flavor, walang baka, kulang sa sustansiya at hindi maganda sa katawan. Pero kung nais mo ang mas angat na ulam, maglaga ka ng baka. Kaso mahal, matagal lutuin pero mas masarap at mas masustansiya. Higit sa lahat, totoong baka. Tandaan, there is no shortcut for real happiness. Kung gusto mo ng mas masarap, wag ka sa instant. Dun ka sa totoo. Maglaga ka.
Itaga mo sa semento, instant happiness is a fake happiness. Parang Lucky Me! Instant noodles beef flavor lang yan. Madaling lutuin, mura, ok ang lasa pero artificial ang flavor, walang baka, kulang sa sustansiya at hindi maganda sa katawan. Pero kung nais mo ang mas angat na ulam, maglaga ka ng baka. Kaso mahal, matagal lutuin pero mas masarap at mas masustansiya. Higit sa lahat, totoong baka. Tandaan, there is no shortcut for real happiness. Kung gusto mo ng mas masarap, wag ka sa instant. Dun ka sa totoo. Maglaga ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.