Bakasyon.
Mag-relax. Pansamantalang iwanan ang masalimout na mundo.
Pansamantalang kalimutan ang pagiging empleyado. Pero iba 'tong sitwasyon ko.
Bakit? Basahin mo nalang hanggang sa ibaba. Ready?
Anim na araw ang ibinigay na vacation leave sa mabait kong
Boss. Nung time na yun, pinaplano ko na kung paano ko siya i-murder sa malinis
na paraan. Buti nadala pa ng pakiusap. Kinalimutan ko ang aking plano dahil
ginawang sampu ang anim.
Hindi ako pupunta sa Bora o sa mga sikat na beach ng
Pilipinas. Hindi rin ako pupunta sa ibang panig ng mundo para maglagalag.
Pansamantala akong mawala sa Taiwan para umuwi sa lugar kung saan ako natutong
bumasa, sumulat at tumai mag-isa. Kasal ng mahal kong kapatid pero aminin ko
wala akong balak umattend dahil sa rasong pinansyal. "Isang beses lang
ikasal ang kapatid mo kaya dapat andun ka sa mahalagang araw ng buhay
niya", sabi ng barberong gumupit sa akin. Hindi quoted galing bible o
galing sa mga sulat ni Shakespeare. Napaka-simple na mga salita pero matulis
ang dating. Tinamaan ako. Dahilan para mag-isip ako ng malalim. Pinagpag ang
mga buhok-buhok at nagdesisyong, UUWI AKo.
Excited ako at nalulungkot habang papalapit ang petsa ng
aking flight. Uuwi ako sa amin. Makita ko na ang mga mahal ko sa buhay. Sina
ate at kuya na laging sumuporta sa akin, sana ok sila. Kumusta na kaya sila
Mama at Papa. Nung andun pa ako sa Luzon, napansin ko ang unti-unting pagdami
ng kulubot sa kanilang mukha bawat taon na uuwi ako ng Cebu. Almost 3 years ko na
silang hindi nakita, ano na kaya ang hitsura nila? Ang aking mga makukulit na
pamangkin, gusto ko na silang makasama uli at makalaro. Nakaka-excite. Pero ang
nakakalungkot na parte ay dahil hindi ko na inabot na buhay pa si Lolo. Kanina
lang bago ko isulat itong binabasa mo, nag-message sa facebook si Kuya. Wala na
daw si Lolo. Hindi ako umiyak. Matanda na si Lolo. Panahon na niya. Ang mahirap
lang tanggapin ang hindi ko man lang siya nakita. Hindi niya inabot ang aking
pag-uwi. At kahit balik-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko na siya makita
kailan man.
Oo na, segi na. Ako ay naging madrama. Bagay lang ang ganito
sa MMK at hindi sa blogsite ni Dioscoro Kudor. Kaya itigil na natin ang
kakornihan. Dahil hindi ko kailangan baliktarin ang mundo kung nais ko siyang
makita. Hindi ko kailangang idamay ang mundo dahil takip lang ng nitso ang
kailangan tanggalin. Pero seyempre katarantaduhan yun. Kailan man,
hinding-hindi ko yun gagawin. Kaya Lolo, may you rest in peace! Sa bisaya pa,
pahuway sa kalinaw.
Isa pang nakakalungkot... Kinukwenta-kwenta ko na ang aking
perang gagastusin sa pag-uwi. Maubos ata ang aking kunting ipon. Pamasahi
palang sa eroplano, halos sweldo ko na yun ng isang buwan nung andun pa ako
nagtrabaho sa Pinas. At hindi lang basta sweldo. Isang buwang sweldo na may
kasamang patayang overtime.
Kasal ng kapatid ko. Alangan naman hindi ako gagastos.
Uuwi ako, alangan naman katawan ko lang at problema ang dala. Seyempre expected nila ang pasalubong. Ang mahal pa naman ng chocolate. May cloud 9 at choey chooco kaya dito?
Kasal ng kapatid ko. Alangan naman hindi ako gagastos.
Uuwi ako, alangan naman katawan ko lang at problema ang dala. Seyempre expected nila ang pasalubong. Ang mahal pa naman ng chocolate. May cloud 9 at choey chooco kaya dito?
At dito ang lahat nagtatapos. The end.
Seguro nga napakawalang kwenta itong binabasa mo. Pero ang
nais kung iparating kaya may binabasa ka ngayon ay gusto kong sabihin na lahat
tayo ay maging katulad ni Lolo, mamamatay. Na lahat tayo ay maging katulad ni
Mama at Papa papunta sa pagtanda. Na ang mga Boss ay kamag-anak ni Hitler. At
panghuli, lahat ay mahal kung kulang ka sa budget. Dito nagkaroon ng malaking
deperensiya ang pagiging mahirap at pagiging mayaman. Tama, ang pera ay hindi nakapagpasaya
ng tao pero malaking instrumento ito para magpasaya ng tao. Parang ang labo
noh? Pero kung hindi mo nakuha, wag mo pilitin. Wag mo nalang pansinin kung
ikaw ay nalaboan. Hindi lahat ng bagay ay kailangang intindihin. At bilang
panghuli, idagdag natin ang walang kinalaman sa aking kwento ang sinabi ni Herb
True, "MONEY DOESN'T BRING HAPPINESS, THOUGH IT HAS BEEN KNOWN TO CAUSE AN
OCCASIONAL SMILE".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.