Linggo, Hunyo 5, 2011

Disiplina

Noong nakaraang Linggo, pumasok ako sa ATM booth ng Metro Bank para mag-withdraw ng aking kayamanan.
Actually hindi naman talaga Metro bank ang Atm card ko, RCBC. Pero dahil bancnet kahit anong bangko pwede. Pinili at trip kung mag-withdraw sa Metro Bank kahit may kaltas na Php 10.00 dahil bukod sa aircon karamihan ang ATM booth nila naaaliw din ako sa ATM nilang may babaeng nagsasalita.

Pumasok ako sa ATM booth. Tinulak ko ang pinto. Sumalubong sa akin pagbukas ko sa pintuan ang mga kalat: mga papel, resibo sa pinagwithdrawhan o cash receipt. Kala mo may baboy na nagwala sa loob. Napailing ako. Hindi lang yun ang unang beses ako nakakita ng ganun. Maraming beses na. Malamang ikaw rin.  
                                                           
Seguro kung ikaw yung tipong tao na may kunting pagmamalasakit sa kapaligiran, makaramdam ka ng pagkabuwisit. At talaga namang nakakabuwisit. May basurahan naman sa tabi bakit hindi pa magawang itapon dun. Para bang napakahirap gawin ang ilagay ang kalat sa loob ng trash can.  
                                               
Ikaw na nagbasa ngayon, malamang isa ka sa mga hindi marunong magtapon  ng resibo sa tamang tapunan. Kung ganun ka man, sana pagkatapos mong mabasa to magbago kana. Simpleng disiplina lang kaibigan!
Paglabas ko sa ATM booth hindi lang pera ang bitbit ko kundi ang isang katotohanan. Masakit mang tanggapin pero tayong mga Pilipino, edukado man o hindi, walang disiplina.

Ayon sa Republic Act 9003, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapon ng basura sa mga pribado at pampublikong lugar. Ang sino mang lumabag ay magmulta ng 1500 o parusahan sa pamamagitan ng pagawa ng community service sa loob ng 15 days. Pero...                                                    

PERO! Normal lang na tanawin sa Pilipinas ang basura na nagkalat. Normal lang rin para sa mamamayan ang magkalat. Katwiran natin, “meron namang tagalinis.” Isipin mo nalang kung ilang daan ang magkalat tapos dalawa hanggang lima ang maglilinis at plus, hindi maayos ang pagkalinis. 

Ano nga ba ang nangyari sa batas natin? Ayon hanggang sa papel nalang at hindi napatupad. Tingnan mo ang mga mauunlad na bansa, ang Japan, ang America, ang Singapore. Diba ang linis ng bansa nila. Balita ko bawal sa Singapore ang bubble gum at bawal din ang manigarilyo kung saan-saan. Pero kahit mahirap gawin kaya nilang naipatupad. Yun ay dahil sa disiplina.

Kung kaya ng iba, ba’t hindi natin kaya? Kung hangad natin ang maunlad na bansa, ba’t hindi natin simulan sa disiplina. Ano kaya kung itapon natin sa tamang tapunan? Kung nasa sasakyan ka, ibulsa mo muna. Diba mas maayos tingnan ang malinis na lugar? Diba mas masarap ang pakiramdam kung tayo ay nakatira sa isang disiplinadong bansa? Pero mas masarap kung ikaw at ako ay nagtutulungan. Simulan natin ang disiplina sa ating sarili. Mas maganda kung ngayon na!

Ang edukasyon ay hindi edukasyon kung hindi ginagamit sa tamang paraan. Ang pagiging edukado ay wala sa diploma kundi sa nasa kilos. Ang karunungan ay kamangmangan kung  ito’y hindi ginagamit sa kabutihan...Ang edukasyon, ang pagiging edukado at ang karunungan ay mawalan ng kabuluhan kung sa DISIPLINA ay magkulang.




Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.