Marami na rin ang nagtanong at nakapuna sa aking accent. Bakit daw sa tagal ko na sa Luzon halatang bisaya pa rin ako pakinggan. Karamihan sa mga tanong nila hindi ko sinagot ng seryoso at minsan nginitian ko nalang. Pero sa puntong ito, magseseryoso na 'ko. Malamang ito na ata ang tamang pagkakataon..
Bisaya ako at andito ngayon sa Luzon. Kaya, kailangan kong magsalita ng tagalog para maitindihan ako ng aking kausap. Pero hindi naman siguro kailangang pati accent nila ay gayahin ko. Kapag ganun, tagalong na ako at hindi na bisaya. Wala akong nakitang masama sa pagiging bisaya kaya hindi ko piliting maging tunog tagalong.
Mahigit 3 years na ngayon ako dito at kahit pa aabutin ako ng dalawampung taon, hindi na talaga mabago at hindi ko babaguhin ang pagkaako: ang accent ko, ang pagkabisaya ko. Kahit pa sa Mars ako mapadpad o di kaya sa Jupiter, maririnig nyo parin akung nagsalita ng “DILI TAWN” at AMBOT LANG KAHA”...
Ang tigas daw pakinggan kung magsalita...Anong masama dun?Tatak yun ng pagiging bisaya. Subukan nyong mga tagalong pumunta sa Cebu at magsalita ng bisaya diba para rin kayong naghihinalong na-dehydrate na kambing kung pakinggan.(sana..sana lang!wala sanang loob ang sumama.)
Parehas lang tayo. Nagkataon lang na andito ako kaya mas lamang kayo.
Hanga ako sa mga Hapon. Sobra kasi silang makabayan(bagay na wala tayo). Ang ginagamit sa pagtuturo nila sa school ay ang kanilang sariling wika at hindi ingles. Kaya ito ang dahilan kung bakit sila barok mag-ingles. Iba ang kanilang diction. Mali ang pronunciation.
Dito naman sa Pilipinas, bayang magiliw at perlas ng silanganan, may mga school na ipinagbawal sa mga bata magsalita ng ibang lengguwahe bukod sa ingles. Kaya karamihan sa mga Pilipino ay fluent mag-ingles. May iba pa nga kung magsalita ay parang sinapian sa bibig ni Kris Aquino. At ang yabang pa kung makalait sa may maling pronunciation.
PAANO NGA BA NAKAKAAPEKTO SA PAGKATAO ANG PARAAN NG PAGSASALITA? SA ACCENT? SA PRONUNCIATION? Sino kaya ang karapat-dapat respetuhin, ang mga matutulunging katutubo na no read no write o ang mga honorable na inglesero na patuloy nagnakaw sa kaban ng bayan?
Ewan. Hindi ko alam. Pero subukan nyong pakinggan ang mga Hapon kung magsalita, Diba parang laging bumubulong. Hindi pa makapag-pronounce ng “L”. Kaya, ang “L” ay lagi nilang pino-pronounce as “R”. Pero sa kabila nyan, nirespeto ang mga Hapon sa buong mundo at kinikilalang hari sa larangan ng teknolohiya. Kumusta naman tayong karamihan ay fluent mag-ingles?
Ito...lumubog na nga,lumulubog pa! Hindi makaahon-ahon sa kahirapan...Minamaliit ng ibang lahi dahil sa dahilang tayo lang naman ang gumagawa ng mga dahilan para maliitin.
Ito...lumubog na nga,lumulubog pa! Hindi makaahon-ahon sa kahirapan...Minamaliit ng ibang lahi dahil sa dahilang tayo lang naman ang gumagawa ng mga dahilan para maliitin.
Tama, nagkalat tayong mga Pilipino sa kahit saang sulok ng mundo. Pero hindi para maging bakasyonista kundi para maging alipin. Sorry kung masyadong general ang aking pagkasabi. Meron namang hindi. Pero I bet, malaking porsyento na nangibang bansa ay para manilbihan. Linawin ko lang, walang masama nun. Marangal na trabaho yun. Mas marangal pa kay sa mga pulis. Pero ang mapakla lang at hindi ko malunok, alipin na nga tayo pagdating sa ibang bansa, alipin pa tayo sa mga dayuhan dito sa ating bansa. Kung tutuusin teritoryo natin to! Hindi makatarungan kahit saang angle mo tingnan na ang mga dayuhan ang nagmamay-ari sa mga malalaking beach resort, sa mga malalaking mall at hotel, sa mga establishment center.
Kung ang mga dayuhan ay mapayapang nanirahan sa mga malapalasyong bahay o sa mga condominium, tayo namang mga Pilipino ay pilit nagpakabuhay sa ilalim ng tulay, sa tabi ng ilog(bahala na ang baha) o di kaya sa kapirasong lupa at binansagang squatter. Squatter? Atin ang pilipinas?
At ang bahay? Yari sa pira-pirasong yero, kunting plywood meron ding plastic o tarpaulin ng mga tumatakbong kandidato, kawayan at patapon na kahoy. Pagsamasamasahin mo yan lahat, akala mo ay ingredients para sa pagawa ng Belen para Christmas. Yun ang tinatawag na a home but not a house. Pero mapalad parin sila kung tutuusin. Kaysa sa mga taong no choice kundi tumira sa bangketa at matulog sa kariton o di kaya sa semento gamit ang karton bilang sapin. Kaawa-awa.
Ngayon, employer ko Hapon. Boss ko sila at tauhan nila ako. Kahit andito sila sa Pilipinas, pero kaugalian at patakarang Hapon parin ang umiiral sa kumpanyang pinagtatrabahoan ko. Kung dati sinakop nila tayo at ginawang alipin sa illegal na paraan, ngayon legal na. May sweldo na nga lang. Pero may mali parin.
Kaya nga sang-ayon ako dun sa libro na nabasa ko, na hindi daw tayo bagay tawaging “mamamayang Pilipino”na taga-pilipinas. Dapat “mamamayang Alipino” na taga “Alipinas”.
Puro lang tayo payabangan wala namang napatunayan! Oo, likas sa atin ang pagiging masipag pero wala parin tayong umento. Instead magtulungan, naglaitan.
Ulitin ko, sorry kung masyadong general ang pagka-gamit ko sa mga salita. Lumabas na parang aking nilahat.
Alam kong hindi lahat ganun. Pero kung iisipin mong mabuti, parehas lang ang kalalabasan. Walang pinagkaiba sa ganitong math equation:
1/1=1
sa
1,000,000/1,000,000=1
Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.
Ulitin ko, sorry kung masyadong general ang pagka-gamit ko sa mga salita. Lumabas na parang aking nilahat.
Alam kong hindi lahat ganun. Pero kung iisipin mong mabuti, parehas lang ang kalalabasan. Walang pinagkaiba sa ganitong math equation:
1/1=1
sa
1,000,000/1,000,000=1
Note: Re-post. Sinulat ko 'to matagal na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.