Trip ko ngayon ang “maboteng” usapan. Kaya halina’t umupo
para simulan ko ng itagay ang walang kwentang kwento para sa makabuluhang
kwentuhan.
Pre, tagay na!
Alak. Kapag yan ang ating marinig, agad nating maikabit ang salitang
inuman, tagayan, pulutan. Syempre kapag may inuman, kalasingan ang kasunod at pwede
pang masundan ng away. O kung ano-ano pang hindi magandang mangyari.
Marami na ang nalulong sa besyong ito. Ewan ko kung anong
meron nito para hanap-hanapin ng mga nakararami. Mga iilang pamilya narin ang
nasira. May pangarap narin ang gumuho. May iba’t ibang storya narin ang aking
naririnig na may nagbuntis ng wala sa oras dahil nalasing at pinagsamantalahan.
Sa mga nabanggit ko sa itaas, pwede kung tumalon sa
conclusion na ang alak ay halos walang magandang maidulot. Pero nakakatuwang isipin
na si Kristo, diyos ng kabutihan ay umiinom din. Gumawa pa nga siya ng himala
at ang tubig ay naging alak. Interesante ding matawag na ang alak ay nag-exist
bago pa isinilang si Kristo sa mundo. Mababasa din sa bibliya na si Noe or Noah
ay nalasing. Sa kanta sa simbahan may linya na, “at alak na nagmula sa isang tangkay
ng ubas, inuming nagbibigay lakas.”
Totoo ngang malayo-layo narin ang narating ng alak at malawak na ang impluwensya nito. Sino man ay pwedeng maging lasinggero/lasinggera.
Totoo ngang malayo-layo narin ang narating ng alak at malawak na ang impluwensya nito. Sino man ay pwedeng maging lasinggero/lasinggera.
Paabot nga ng baso na may
yelo...
Dati, dala sa impluwensya ng barkada, sinubukan kong uminom.
Sabi nga nila, there’s no harm in trying.
Sa una kong tikim mapait. Pero pinilit ko ang aking lalamunan para padaluyin ang likidong nagpaikot sa buong mundo. Pakikisama daw itong ginagawa ko. Kasiyahan kasama ang barkada. Bonding.
Sa pangalawang lagok, parang tolerable na ang lasa. Hindi ko na masyadong ramdam ang pait. Naging tuloy-tuloy ang pagtungga. Napansin ko nalang sa mesa, tatlong maliit na bote ng redhorse ang aking napataob. Hindi ako nalasing. Pero aminin kong hindi ako ok. Natamaan ako ng kunti.

Nasundan pa yun ng pangalawang pagkakataon. Inuman sesyon kasama
na naman ang barkada. Anim na bote ang aking napatumba ko. Na-break ko ang una
kong record na tatlo. Yun, kalasingan ang aking kinahantungan.
Pakiramdam ko ang bigat ng aking katawan. Ang hirap lumakad ng deretso. Gusto kong matulog pero ang hirap makatulog. Habang ako’y nakahiga, pakiramdam ko’y umikot at bumaliktad ang mundo kasabay sa pagbaliktad ng aking sikmura. Suka ako ng suka. Ang pinakaayaw ko pa naman ay ang sumuka. Ayaw na ayaw ko ang lasa ng likido galing sa aking tiyan. Ang asim.

Inumin muna yan. Nilalangaw
na.
Kinabukasan, ang sakit ng ulo ko. Hangover. Hindi lang ako literal na nagising mula sa
pagkatulog. Nagising din ako sa katutuhanang naghila sa akin mula sa bangungot
na paniniwala. Dun ko napag-isip isip ang mga bagay na aking nagawa o naging
desisyon. Hindi totoo ang there’s no harm in trying because not all things are
harmless. Some are harmful. Tama si Lolo. Sabi niya, ang pinakamabisang depensa
ay ang pag-iwas.
Masisisi ko ba ang barkada dahil inimpluwensyahan ako kaya tuloy ako’y nalasing? Palagay ko hindi. Oo nga, andun na tayo sa pinilit nila ako para uminom pero nasa akin parin ang huling desisyon. Ika nga nasa akin ang alas.
Bale, hindi ko man control ang sitwasyon pero control ko ang mangyari. Kung aayaw ako, wala silang magagawa. Pero nagpadala ako at nalasing.
Manang, isang bote pa nga.
Pwede itong mahalintulad sa mga nangyari sa ating buhay. Hindi
natin control ang sitwasyon pero control natin ang ating desisyon. Ayon sa
golden rule 20/80, biyente porsyento sa buhay natin ay binubuo ng sitwasyon.
Sitwasyon ibig sabihin wala natayong magagawa. At ang natirang malaking otseyenta
porsyento ay ang desisyon. Yun ang control natin. May magagawa tayo.
Kaya hindi tamang sabihin na kung ano tayo ngayon ay dahil sa kapalaran natin. Kapag sinabi nating kapalaran, ibig sabihin nun ay God’s will. Ang Diyos natin ay Diyos ng awa, Diyos ng kabutihan. Kung ganun eh syempre ayaw nya may maging criminal, maging magnanakaw at segurado din ako ayaw niyang may mabuntis ng walang aaming tatay at resulta sa pagkaletseletse ng buhay.
Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran.
Seguro hindi man natin ginusto ang mga nangyari pero hinayaan nating mangyari. Saying a simple word “NO” really matters a lot. It just about decision.

'Yoko ko na. Lasing na ako.
Teka lang, lumayo na tayo. Balik tayo sa alak.
Palaisipan parin para sa akin ngayon
kung bakit may mga taong hindi makumpleto ang Linggo kung walang inuman. Ang
daming makabuluhang bagay na pwedeng gawin kaysa pag-iinom. Kaysa mag-inuman
ano kaya kung ipasyal nalang ang pamilya. Ang ibili ng alak ay ibili nalang ng
pagkain para sa anak. Para naman sa mga dalaga at katulad kong binata,
napakaraming paraan gumawa ng kasiyahan kaysa mag-iinuman.
Medyo nakakalito tayo at nakakatuwa. Ayaw kumain ng ampalaya pero ang lakas uminom ng beer. Kung tutuusin mapait din. Katwiran naman sa iba, Si Kristo nga ay umiinom din. Linawin ko lang si Kristo ay hindi naglalasing.
Kung iinom man, iwasan ang malasing. Lahat ng sobra ay masama. May nabasa akong karatula,“virgin pa ng malasing buntis na nang magising”. Nakakatuwa pero totoo. Sana maging aral to sa mga babae.

Walang magandang maidulot ang inuman. Malasing ka at mahirap yan iwasan lalo pa kung nagkasarapan ang barkada. Suka kapa ng suka. Buwisit yan. Kinakain mo isusuka mo. Paggising mo sasakit pa ang ulo sa hang-over. At ito pa ang matindi, mawalan ka ng hiya. Ngiti ka ng ngiti, wala nman talagang nakakatuwa. Minsan nga naisip ko, hindi kaya kinikiliti lang sa espiritu ng Tanduay?
Inuman sesyon...Bonding? Pakikisama sa barkada? Pustahan pa, 2% lang sa barkada mo ang dadalaw sa ospital at ang 98% sa burol mo na.
Ang mga nag-iinom? Astig? Sila ang mga duwag na tao. Hindi kayang harapin ang masalimuot na mundo. Lunurin man ang sarili sa alak magdamag. Bukas, lulutang at lulutang parin ang problema. Useless.
Wag ka aalis. Susuka muna
ako.
Para naman sa akin, pinangako ko na sa sarili na yun na ang huling araw na ako'y malasing. Hawak ko ang
buhay ko kaya hawak ko rin ang aking desisyon .Kapag sinabi kong tama na at hindi,
ibig sabihin nun tama na at hindi.
Hindi ko na talaga kaya. Mga
pare, uwi muna ako. Bukas naman uli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.