“I discovered I always have choices and sometimes it’s only a
choice of attitude.”
-Unknown
“Sumunod kayo sa akin.”
Sabi ng isang seksing dorm coordinator na ang sout ay napakaiksing short. Tinitingnan ko ang kanyang likod habang humakbang siya paalis. Umandar ang malikot kong isip. Dapat nga bang tawaging maong na short o maong na panty? Palagay ko isa siya sa mga dahilan ng global warming.
Akala ko siya ay may ESP at nalaman niya kung ano ang nasa aking isip. Biglang lumingon. May ginawang hand-signal. Paraang ginagamit ng mga dog trainor pagtawag sa aso. Ginagalaw niya ang kanyang kaliwang kamay na sa pagkaintindi ko “sumunod na kayo mga litsi”. Katulad sa maamong aso, sumunod naman kami.

Maganda ang dormitory building. Sa entrance may pangharang
para hindi basta-basta makapasok ang mga outsiders. Safety!
Para makapasok sa loob, kailangang i-tapat yung card sa may sensor at pwede mo ng itulak yung pangharang na walang kahirap-hirap. Wow hi-tech!
Para makapasok sa loob, kailangang i-tapat yung card sa may sensor at pwede mo ng itulak yung pangharang na walang kahirap-hirap. Wow hi-tech!
Bumaba sa basement ang sinundan namin, dahil utos niya,
sumunod din kami. Pagtapak ko palang sa unang baitang, sumalubong na sa amin
ang napakapapyolar at hindi kaaya-ayang amoy. Ang panghi. Paniki ata ang mga
nakatira dito. Kapansin-pansin din ang mainit na paligid. Seguro ang ilaw na
laging bukas ang naging dagdag dahilan. Kulang pa sa linis ang loob. May mga
itim-itim pa sa sahig. Extension ata ‘to ng impyerno. Pampelikula ang lugar.
Malamang dito ata sino-shoot ang pelikulang “Underworld”.
Anak ng tikabalang, ayaw kong tumira dito. Ito yung
pagkakataon na kailangang kong pumili pero ayaw ko sa mga choices: a). Hindi
tumira dito at umuwi nalang ng Pilipinas.
b). Tumira dito at magtiis sa init at sa bahong amoy.
Syempre, pinili ko ang option B. May utang pa ako sa placement fee na kailangang bayaran. Kailangan ko ng trabaho. Kung hindi lang nagsara ang dati kong company hindi sana to mangyari sa buhay ko dito sa Taiwan.
Pumasok ako sa room kung saan ako naka-designate tumira.
Tapos, itinuro sa akin kung saan yung bed ko. Tiningnan ko, puro mga basura ang
andoon. Junkshop ba ‘to? May mga lumang karton ng appliances, inalikabok na christmas
decor, sirang tsinelas, butas na medyas, plastic bag at kung mga anu-ano pa.
Inangat ko ang malaking karton. Puno ng alikabok. Nagkarerahan pa ang mga ipis
sa pagtakbo. Ilang dekada na kaya ‘tong ginawang motel ng mga ipis?
Tiningnan ko sa itaas, bulok at butas ang kisame. What the hell!
Tiningnan ko sa itaas, bulok at butas ang kisame. What the hell!
Hapon. Magtatapos na ang araw. Nakakapagod. Pero ayos lang.
Malinis na ang aking higaan. Nailagay ko na sa tamang lagayan ang aking mga
gamit. Ito na ang tamang panahon na inaasam-asam ng lahat, pahinga. Ang sarap
ng pakiramdam na naiplantsa mo na ang nagpagusot sa araw mo. Pakiramdam ko, may
naiambag ako para malutas ang problema ng mundo. Wala ng alikabok. Wala na ang
basura. Napalitan na ang sirang kisame. Pero may dalawa pang problema: mapanghi
parin at ang init. May dalawang ceiling fan na walang tigil sa pag-ikot. Pero
parang walang silbi. Mainit ang ibinugang hangin. Naging dahilan lang para isipin
kong nasa loob ako ng oven.
Teka lang, bakit mapanghi? Wala namang CR sa basement. Dahil idol ko si Sherlock Holmes, ginamit ko ang kanyang “science of deduction” technique sa pag-iimbistiga. Humigit kumulang apat na minuto kung pinulot ang mga inpormasyon at isang minuto’t kalahating segundo kung pinagdugtong-dugtong. Nasa 1st floor ang CR, nasa basement kami. Lalaki na ata ang pinakatamad sa lahat ng nilalang. Sa basement may shower area. Pader lang ang kailangan ng lalaki para makaihi. So, dahil tinatamad na umakyat sa itaas, sa shower area nalang umihi. Case solved! Yun ang dahilan.
Naisip ko, ang baboy ng mga tao dito. Hindi nila alam kung ano ang pinagkaiba sa tama at mali. Bilang pagtutol ko sa ganyang burarang gawain, umakyat talaga ako sa 1st floor para dun umihi. Yun ang tama. Yun ang gagawin ko.

Wala akong tiwala sa sinabi ng coordinator na temporary lang
ako dito. Mas naniwala ako sa bago kong room mate. Sabi niya, “Yun din ang sabi
nila sa akin nung bago ako dito. Temporary lang daw. Pero isang taon na ako
dito. Kaya sanayin mo nalang ang sarili dito.”
Tama siya. Sanayin ko na nga ang aking sarili. Ang unang
dapat kong gawin ay tanggapin ang sitwasyon. Wala na akong magagawa. Dito na
ako at dito na ako titira hanggang matapos ang kontrata. Naalala ko ang isang
mensahe na natagpuan ko sa internet. Sabi, “I discovered I always have choices
and sometimes it’s only a choice of attitude.”
Tama choice of attitude. It is about changing attitude. Kung
kaya ko baguhin ang aking attitude, para ko naring binago ang boung sitwasyon.
Why spending my whole energy trying to change the circumstances I cannot
change? Dapat ako ang mag-adjust.
Para masulosyunan ang sobrang init, nakahubad akong matulog. Oo literal na hubad. Tanging sout ko lang ay ang aking singsing. Iba ang feeling. Ganito ata ang pakiramdam ng bagong silang na sanggol. Nakatulog ako ng mahimbing.

At ang mapanghing amoy? Ewan ko kung ano ang nangyari. Sa
isang linggong lumipas, hindi ko na naamoy ang panghi. Nasanay na ata ang aking
ilong sa amoy. At bilang pakikisama ko sa mga room mate ko at sa lahat ng
nakatira sa basement, sa shower area na rin ako umihi.
Solve ang problema.