Election na naman. Sino ang iboboto mo?
Sa probinsya kung saan ako nagmula, napakanatural dun ang
vote-buying. Yung bang tipong hindi na nila makuhang magtanong kung sino ba ang
mabuti sa mga tumatakbo kundi, sino ba ang may pinakamalaking ibibigay sa mga
tumatakbo.
Hindi ko makakalimutan.
SK election yun at botante ako. Kung tutuusin pipitsuging election lang. Sabi nga nila election LANG ng mga bata. Pero maniwala kayo't hindi kahit SK election ay may vote-buying. Dalawang partido ang naglalaban. Puro babae ang tumatakbong “Sk chairman”(parehong hindi ko kilala at wala ako pakialam sa kanila). Yung isa namigay ng 70 pesos bawat botante. Yung isa naman 60 pesos lang pero ayos lang kasi may multicab na service papuntang presinto. At hindi lang yun, hindi kami agad dumeritso sa presinto. Dinala kami ng driver sa bakery. Anak daw kasi ng may-ari ng bakery yung kumandidato pagka-chairwoman. May snacks. Libre. Ayos, nakakaganang bumuto. Ang sarap kung araw-araw Sk election. Pakiramdam ko ako ang nanalo. At talagang panalo....tinanggap ko ang 70 pesos sa kabila, tinanggap ko rin ang 60 pesos sa isa pa, hinatid ng multicab, kumain ng tinapay at uminom ng coke. Instant 130 at nabusog pa. Kahit pagkatapos hindi ko alam kung alin dun ang ibinuto ko sa dalawa.
Sabi ng kinuwentuhan kong kaibigan, wais daw ako. Wais? Ewan ko ba dito sa atin. Ang pagawa ng kalokohan ay tanda ng pagiging wais.
Maraming taon na ang nakalipas at ngayon election na naman, national election. Matanda na ako. Meron ng tamang pag-iisip. Ngayon ko lang na-realize ang napakalaking mali na nagawa ko. Akala ko ako ang nakalamang pero sa huli ako pala ang biktima. Biktima ng buwayang nanungkulan. Kung may vote-buying sa Sk election lalo na seguro sa pambansang election. At segurado akong hindi lang sa amin kundi sa halos lahat ng sulok sa Pilipinas ay may ganun. Bulok na sistema, bobong mamayan, at kurakot na pinuno. Nakakalungkot!
Nakakasawa!
Hanggan kelan tayo magbago?
Hanggang kelan tayo ganito?
Hirit ng iba, kahit hindi ko siya iboto at hindi ko tanggapin ang pera, mananalo parin yan. Sayang naman ang 200. Pambili ng bigas din yun at ulam. Kung ganito mag-isip lahat ng mga Pilipino, walang magandang kinabukasan ang bansang ito. Baluktot na katwiran at bakong-bakong pananaw kaya ang resulta? Patuloy ang paglala ng kahirapan. Nung nakaraang pasko umuwi ako sa amin, wala paring pagbabago sa bayang kinamulatan ko. Kung meron man, yun ang paglala ng sitwasyon. Isang dekada na atang nanungkulan ang mayor namin dun pero wala paring improvement. Katunayan nga, rough road parin at lubak na lubak ang daan. Hirap.
Ang sarap ngang tanggalin at sunugin ang malaking tarpaulin ni Mayor. Nakasulat pa dun, "Maligayang Pasko, pagbati mula sa nagmamahal ninyong Mayor XXXX.”
Nagmamahal daw. Hindi kapani-paniwala.
Kapwa ko Pilipino, hindi pa ba kayo sawa sa kahirapan? Maging
bobo pa ba tayo? Seyempre ang kandidatong bumibili ng boto ay isang corrupt na
pinuno. Ang corrupt na pinuno ay hindi magdudulot ng kabutihan. Huwag mong
sayangin ang boto mo. Ipaglaban mo ang malayang karapatang pumili ng pinuno.
Wag kang magpadekta. Wag mong ibenta. Iboto ang karapat dapat. Isipin mo na ang
boto mo-ang isang boto mo ay napakahalaga. Gusto mo ng proyba?
Noong 1645, isang boto lang ang dahilan kaya nakontrol ni
Cromwell ang England.
Noong 1645, napugotan ng ulo si Charles 1 dahil lang sa isang
boto.
Noong 1776, naging English ang national language ng Amerika
at hindi German dahil lang sa isang boto.
Noong 1968, isang boto lang din ang dahilan kaya na-impeach
si Andrew Jackson
Noong 1923, isang boto na naman ang dahilan kaya naging lider
si Hitler sa Nazi party.
Noong 1981, si Nahau Rooney nanalo sa Manus Election dahil na
naman sa isang boto.
Kapag kukuha tayo ng school exam, seneryoso natin iyon ng
mabuti. Seyempre, kinabukasan natin ang nakataya. Meron pa ngang aabot ng mga
linggo sa pagre-review bilang paghahanda. Ngayon 2013 Election, mas seryosohin
natin to kaysa naturang exam. Dahil ang nakasalalay dito ay ang kinabukasan ng
Pilipinas, ang kinabukasan mo at ng maging anak mo.
Mahal mo ba ang Pilipinas?
Kung ako ang tanungin, OO ang sagot ko kasi Pilipino ako. Ipakita mo rin ang pagmamahal mo. Bumuto ng tama dahil ang totoo tayo ang pag-asa.
Mahal mo ba ang Pilipinas?
Kung ako ang tanungin, OO ang sagot ko kasi Pilipino ako. Ipakita mo rin ang pagmamahal mo. Bumuto ng tama dahil ang totoo tayo ang pag-asa.
PS: sana sa walang kwentang sulat kong ito ay naipaikita ko
ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating bayan.