Meron akong
kaibigan at room mate na pauwi na ng Pilipinas. Seguro hindi lang basta
kaibigan kundi para naring tatay at nakakatanda kong kapatid.
Sa gustong makakita, ito ang pogie kong kaibigan.
Sa gustong makakita, ito ang pogie kong kaibigan.
Hinding-hindi ko makakalimutan nung bago palang ako dito sa Taiwan. Dahil bago
walang kalaman-laman ang aking bulsa. Buti nalang siya’y nagbilang anghel na
nagkatawang demonyo at binagsak dito lupa(biro lang). Ang dami niyang itinulong
sa akin. At tatanawin ko iyon ng utang na loob habang buhay.
Dahil siya
ay pauwi, ibinigay ko sa kanya ang aking libro na “Choose To Be Wealthy”.
Mahalaga sa akin ang librong iyon pero ibinigay ko sa kanya bilang souvenir at
pasasalamat na rin sa kanyang kabaitan. Kaso binalik. Gusto niyang lagyan ko ng
message at pirma ang backpart ng book.
Habang
sinusulat ko ang isusulat ko sa likod ng libro, ang daming pumapasok na ideya
sa aking isip. Sa sobrang dami hindi na magkasya sa maliit na space dun. Kaya
nagdesisyon ako na sa internet nalang ilagay ang buong mensahe ko para sa kanya.
(Pre,
pasensya at medyo baliw-baliw ako. Kailangan mo pa tuloy mag-internet mabasa
lang ang napakahaba pero walang kawenta-kwenta kong mensahe.)
=======================================================
Nap,
Marami akong
natutunan sa librong ito. Kumbaga, kung ito pa ay naghahasik ng kaalaman,
marami akong napulot. Kasama sa mga nadamput ko ay ang mga ideyang salungat sa
ating kinagisnan at minanang pinaniniwalaan. Yun bang tipong masabi mo na
ganito pala yun at hindi pala ganun.
Gaya ko at
ng nakararami , alam kong ikaw rin ay naghahanap ng magandang pagbabago. Tamang
–tama ang libro na ‘to bilang mapa sa iyong paghahanap. Nagpasya akong ibigay
sayo pagbakasakali kung hindi man ako baka at sana ikaw ang makatuklas. Sa
ganun, hindi masayang ang librong ito.
Sana balang
araw kung magkakita tayo by chance, ibalita mo sa akin na
nasumpungan mo na ang magandang pagbabago.
Siya nga
pala, ang pag-uwi mo sa Pilipinas ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos. Dahil
hanggat humihinga, ang pag-asa ay hindi namamatay. Ito’y sumisibol at tumutubo.
Diligan mo lang ng kunting kaalaman at determinasyon para ito ay lalago. Mawala
man ang lahat wag lang ang pag-asa. Napakasarap mamuhay na puno ng pag-asa.
Bago ko
makalimutan, keep on reading. Ang inakala ng iba na ang pagbabasa ay para lang
sa mga matatalino. Mali yun. Ang basong puno ay hindi na pwedeng dagdagan pa.
Ang mga matatalino at umaangking matalino ay hindi na kelangan magbasa. Ang
pagbabasa ,bukod sa libangan, paraan din ito para matuto. Gusto ko ang message
na nabasa ko:
"Don’t
be afraid to learn. Knowledge is weightless. A treasure and weapon you can
carry all the time."
Para sa
akin, ang kaalaman ay isang kayamanan. Kaya habang nagbabasa ang tao ay para
narin siyang naghuhukay ng balon ng kayamanan. Sana basahin mo ang libro na ‘to
at maligayang paghuhukay.
Ingat pala
sa pag-uwi. Maraming salamat sa iyong kabaitan. Godbless!
Lagi mong
kaibigan,
Dioscoro
Kudor