"Ano ba yang pinagka-abalahan mo?", pambulabog kong
tanong.
Ngumiti lang at sumagot ng, "Naglalaro ako. Gumagawa ako
ng village".
Hindi man lang siya lumingon. Ang tingin ay nakadikit parin
sa screen ng kanyang smartphone habang busy ang hintuturo sa pagsa-slide.
"Huh? Parang ibang version ng Cityville? Patingin
nga.", pang-usyuso ko. Wala naman kasi talaga akong alam sa mga ganyan.
Ito, aminin ko: Never pa akong nakapaglaro ng Cityville o farmville. Narinig ko
lang ang mga yan pero hindi ko pa nasubukan. Kung mamatay ako ngayon at kasama ang mga games na yan sa entrance
examination ni San Pedro papuntang langit, empyerno kabagsakan ko. Segurado.
Sa kabutihan ng kanyang puso, malugod naman niyang itinuturo
sa akin kung paano laruin. Ipinakilala niya sa akin ang mga functions at anong
silbi nito, paano pagawa ng bahay, magtanim at blah, blah, blah. Para akong
grade 1 na tinuruan ng A as in apple and B as in ball. Nakakatuwa. Sa edad kong
ito, talagang napag-iwanan na ako. Hindi pa ata ako naka-move on sa Super Mario at
Tetris. At ito ang interesting, tinanong ko siya kung paano dumadami ang mga
tao. Ang sabi niya, pinagpatalik ko. Ulitin ko, ang sagot niya,
"PINAGPATALIK KO."
Anak ng tikbalang. Hindi pala 'to pwedeng laruin sa mga menor
edad. Lalo na sa mga literal na bata. Hindi ko ma-imagine na sa sabihin sa
aking pamangkin na, Uncle marami na ang mga tao sa ginagawa kong village dahil
lagi ko silang pinagpatalik.
Sus ginoo.
Sus ginoo.
Tulak ng demonyo, tinanong ko siya,"Paano mo
pinagpatalik? Patalikin mo nga."
Ine-explain niya kung paano.
Ine-explain niya kung paano.
"Ganito lang. Ilapit mo lang ang lalaki sa babae."
Pinapalapit niya.
"Ay, ayaw magtalik eh. Ito ngang isa."
Ang isa naman ang kanyang pinapalapit pero ayaw parin.
Sabi ko, baka kailangan ng pampagana. Papanuorin nga natin ang mga yan sa Redtube.
Sabi ko, baka kailangan ng pampagana. Papanuorin nga natin ang mga yan sa Redtube.
Ang cellphone ay inembento para mapadali ang komunikasyon pero
ngayon tinadtad na ng kung anu-anong applications. Nagbago na ang depenesyon ng
cellphone. Para sa akin, ito ay isang mini-computer na pwede mong pantawag at
pan-text. Oo, ang tawag at text ay naging bunos features nalang.
Hindi ko alam kung sinong programmer ang gumawa sa larong
iyon. Walang kaduda-duda, kakaiba ang kanyang trip. Ano kaya ang kanyang nakain
o nasingot para makaisip ng ganung uri ng laro?
Sa panahon natin ngayon, ang dami ng laro ang nabuo. May mga
kakaiba. Naisip ko tuloy, masyado nabang boring ang buhay. Kaya padami ng
padami ang mga virtual games dahil padami ng padami na din ang mga kailangang
aliwin. Naghahanap ba tayo ng kumplikadong solusyon para gumaan ang mabigat na
emosyon dala ng problemang tayo lang din ang may gawa? Dahil nakatira na tayo
ngayon sa pekeng mundo kaya pekeng kasiyahan narin ang ating hinahanap? O di
kaya masyado naba tayong naging modern? O diba hindi lang natin na-appreciate
ang mga simpleng bagay? Hindi naba nakakaaliw pagmasdan ang mga city birds na
masayang nag-aagawan ng pagkain? Ang ulap sa kalawakan na bumubuo ng mga nakakatuwang
anyo? Nagbago naba ang ang ating form of entertainment? Dahil ba ang pagkabagot
ay umatake oras-oras kaya kailangan ang gamot na naka-install sa iyong
cellphone?
Sa computer naman tayo. Ito na ata ang pinakamahalagang
naimbento ng tao. Sa panahon natin ngayon, backbone na ito ng technology.
Nakakabilib kung tutuusin. Ang purpose lang naman ni Charles Babagge nito ay
mag-compute ng numero. Pero nag-evolve hanggang dumami ng dumami ang mga
functions. Name it and computer can make it. Amazing ang pinakatumpak na salita
para sa makinang ito. Wala si Arnel Pineda, Charisse Pempengco, Moymoy Palaboy
at marami pa sila kung wala ang computer. Office work, facebook, tweeter,
e-mail at youtube. Mula sa pag-eedit ng picture hanggang sa paglalaro ng mga
computer games.
Sa computer games naman tayo. May nakikita ka pabang mga batang
naglalaro sa lansangan o sa labas ng bahay? Sa rural areas seyempre oo, pero sa
mga towns o cities parang iilan nalang ata. Tinalo na ng computer games ang
ating mga katutubong laro. Hindi kasi pinapawisan at madumihan ang maglaro ng
dota kaysa tumbang preso.
Sa mga susunod na tatlo o apat na henerasyon mula ngayon baka
hindi na nila alam kung ano ang siklot, taguan pong, patintero at luksong tinik.
Maranasan pa kaya nila ang maglaro ng trumpo, holen at goma? Baka sa libro
nalang nila makikita at makilala ang saranggola.
Gusto ko ang linya sa kanta ng idol kong si John Denver:
I guess
the times have changed
Kids are different now.
'Cause some don't even seem to know that milk comes from a cow.
Kids are different now.
'Cause some don't even seem to know that milk comes from a cow.