Sabado, Oktubre 7, 2017

Ang Matandang Hapon



Sa gilid ng pond, masayang pinapakain ng matandang Hapon ang mga uwak at mga isda. Pinagmasdan ko siya. Kinakausap niya ang mga isda at ibon na akala mo ay nakipag-usap  sa totoong tao.  Nakaguhit sa kanyang mukha ang saya habang ginagawa niya ito.  Nakakahawa ang kanyang saya. Tuwang-tuwa siya. Hindi ko mapigilang mapangiti.  Lalo na nung naglapitan ang mga uwak sa kanya.  Dinig na dinig ang paulit –ulit niyang sigaw  “akachan, Oide! Oide!”. Na sa pagkakaintindi ko ang ibig niyang sabihin nun ay “baby, come here!come here!

Ang pakay ko sa pagpunta sa lugar na iyon ay photography. Kaya sinikap kong makakuha ng magandang anggulo. Picture of happiness ang nasa isip ko bago pindutin ang shutter speed button. Old man + beautiful scenery + crows...wow.

Habang ini-edit ko sa computer ang picture, biglang may kumirot sa aking puso. Hindi happiness ang nakita ko kundi loneliness. Seguro sa superficial view happiness kasi masayang nakangiti ang matanda. Pero kung i-examine mong mabuti at intindihin ang sitwasyon, kalungkutan ang maramdaman mo.

 Ayon sa record, karamihan sa mga hapon ay hindi nag-aasawa. Talagang solo sila sa buhay. Walang pamilya. Nag-iisa sa bahay. I-imagine mo, kapag matanda na sila at hindi na pwedeng magtrabaho wala na silang ibang mapagkaabalahan. Karamihan nga sa kanila ay lulong sa pachinko(arcade game/gambling).  Dahil walang asawa at anak,  kadalasan ay walang makausap. Talagang malungkot.

Malamang mali ako sa aking interpretasyon. Pero kung ikaw na nakabasa nito, kausapin mo ba ang mga uwak at mga isda sa publikong lugar?



2 komento:

  1. Ou naman.Makikita mo ang kabutihang loob ng tao pag mabait sila hayop. sakit.info

    TumugonBurahin
  2. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    TumugonBurahin

Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.