Epektibo at simpleng paraan para
sa mga magulo ang pag-iisip. Sa mga hindi makapagdesisyon ng maayos. At sa mga
workacholic na nakaramdam ng sobrang stress.
Gamit ang hintuturo, pasukin ang
butas ng ilong. Ikot-ikutin ang daliri. Dapat isang direction lang. Clockwise
movement at bawal ang counterclockwise.
Ituloy-tuloy lang ang pag-ikot.
Ikot-ikutin mo pa. Ang mga mata
nama’y nakapikit na parang tumulay lang sa bahaghari.
Namnamin ang bawat ikot. Sige
lang ng sige.
Ok lang kung medyo basabasa ang makapa. Pero mas ideal ang matigas-tigas.
Ang sunod gawin ay hugutin ang
hintuturo at dilaan upang malaman ang lasa sa malagkit na bagay na sumama nito.
Importanteng-importante na alam mo kung ito ba ay maalat o mapait. Kasi kung
maalat, wala namang ibig sabihin nun. At kung mapait naman, katulad sa nauna, wala din ibig
sabihin.
Pagkatapos, ang iyong nakuhang
bagay ay i-shape na parang bola. Bola ng basketball.
Ayusin ang pagbuo. Dapat bilog na
bilog.
Pagkatapos sa kanang butas ng
ilong, sa kaliwang butas naman.
Gawin kung ano ang ginawa sa
kanan.
Ulit-ulitin ang ganitong proseso
hanggang sa lumuwag ang pakiramdam, makahinga ng maayos at lumiwanag ang
pag-iisip.
Ayon sa masusing imbestigasyon at
base narin sa mga daan-daang laboratory test, napatunayan ng mga seyentipiko at
dalubhasa sa medisina na kung mas malaki ang bilog na iyong mabuo
nangangahulugan itong mas malaki din ang porsyento na mabawas sa naramdamang
stress..
Bottom line, bumuo ka ng malaki
at bilog na bilog na kulangot.
The Author:
Si Dioscoro Kudor ay ang
katangi-tanging tao na nakapagbibigay na maliwang na paliwanag kung bakit
tinatakpan ng pusa ang kanilang tae. Sa ngayon, abala siya sa kaniyang major
project: ang pagcross-breed sa langgam at elepante.
Haha. Baliw!
TumugonBurahin