Linggo, Hulyo 24, 2011

Taiwan(karugtong)


Umalis ang eroplano sa Pilipinas ng 7:40 AM. Dumating kami sa Taiwan ng 9:50AM.  Ang lapit lang pala.

Maganda ang Taiwan Airport. Organisado. Kung ang atin ay parang public market , dito  parang sementeryo. Iilan lang ang tao. Tanda ng kanilang maliit na populasyon.

Habang hinihintay  namin ang broker na sundo, ang daming pumapasok sa isip ko. Kumakabog ang aking dibdib. Ako ay nilalamig. Takot, pag-alala at pagkabahala. Sari-sari ang aking nararamdaman. Sinusungkit ako ng mga katanungan. Ano kaya ang maging trabaho ko? Ano kaya ang maging buhay ko dito? Hindi ko kaya pagsisihan ang pagresign sa dating kompanyang pinagtrabahoan sa loob ng limang taon para lang mag-abroad? Ito na kaya ang daang hinahanap ko  patungo sa magandang pagbabago? O di kaya ito ang daan na kailan man ay hindi ko na lilingonin o naisin mang balikan? Tanging diyos lang ang nakakaalam. Bago ako sumakay sa sundo naming van, tinapik ko ang aking kaliwang balikat gamit ang kanang kamay sabay sabi sa sarili, “GOODLUCK”!

Ospital ang dinalhan namin ng tagasundo na Taiwanese. Pumunta kami dun para sa medical exam. Ibang-iba ang Taiwan. Ang mga crew dun ay subsob sa trabaho. Hindi nagkukuwentuhan. Parang robot na naka-program. Kung kumilos parang walang sinayang na segundo. Ang bilis ng proseso kaya saglit lang pumila. At hindi lang yun ang napansin ko. Cute ang mga Taiwanese na babae at hindi maarte. Nung kinunan ako ng dugo aksedenteng tumama ang aking kamay sa didbdib ng nurse. Naalala ko relihiyoso pala ako at gentleman. Inusog ko agad ang aking kamay. Pero hinila naman niya pabalik at tumama uli. Diyos ko hindi ko yun sinasadya. Wala na akong nagawa. Hinugasan ko nalang ang aking tumamang kamay para hindi ako masyadong nagkasala.

Pagkatapos sa ospital, dinala kami sa opisina sa aming broker. Binigyan kami ng pagkain nakalagay sa lunchbox na cartoon  at may kasamang chopsticks. Pientang ang tawag nila dun. Kung ako ang kumain pinakamatagal na ang 10 minutes pero dahil sa letseng chopsticks inabot ata ako ng kalahating oras. Kung ano-anu nalang ang ginawa ko sa dalawang sticks madakot ko lang ang pagkain.

Pagkatapos kumain, kinausap kami ni Sir Bert, aming broker. Matangkad na tao. Mata palang halatang may lahing  Chinese. 23 years na siyang nakatira sa Taiwan ayon sa kwento niya. Strikto si Sir Bert. Prangka at malaman ang mga salita pero mabait. Gusto ko ang kanyang ugali. Totoong tao at hindi plastik.

“Don’t expect too much here in Taiwan. As what I have told you in our online interview”, sabi nya sa amin.

Inexplain niya sa amin ang mga deductions at paano i-compute ang sweldo. Kung napansin niyo rin, ang mga nag-Saudi napakapagpatayo ng malalaki at magagandang bahay. Nakabili ng kotse. Pero sa mga nagta-Taiwan, parang wala pa ata. Talagang napakaliit lang ang sweldo dito. Pero sa kabila niyan, hindi parin napundi ang maliit na liwanag ng pag-asa dito sa aking puso. Nasa tamang pagastos lang yan. Kumbinsi ko sa sarili.

Mula sa opisina ng broker, dinala kami ni Sir Bert sa immigration para “ata” maging legal ang pag-stay namin dito. Hindi ako segurado. Saglit lang kamin dun. Napakabilis din ng kanilang proseso.
Sa dormitory na ang sunod naming destinasyon.  Dun ako manalagi sa loob ng dalawang taon kong kontrata. Medyo may  kalayuan pero ayos lang. Para din akong turista na nagto-tour at si Sir Bert naman ang tourist guide. Oppurtunity kong maituring ang pagkakataong iyon. Alam kong si sir Bert ay hindi pangkaraniwang tao. Hindi siya typical na taong makasalubong mo sa daan o di kaya makasabay mo sa pagtutuhog ng fishball at kwekwek. Medyo makwento din si sir Bert kaya sumasarap ang timpla ng aming usapan. Hanggang ngayon naalala ko parin ang mga sinasabi niya...
  • ·        Dito sa Taiwan, karamihan dito ay nagtatrabaho. Walang pagala-pagala dito. Walang tambay. Hindi katulad sa atin.
  • ·        Kung sa atin ang mga tao ay takot sa gobyerno. Dito takot ang gobyerno sa tao...walang abusadong pulis dito.
  • ·        Hindi uso dito ang “lagay”. Lahat ay dokumentado. Lahat ay nasa tamang proseso. Ayon sa batas.
  • ·        Mabilis ang serbisyo nila dito. Hindi pwede ang bagal-bagal. Kung mabagal ka, mawalan ka ng customer.

Maya-maya dumaan kami sa expressway at huminto ang sinasakyan namin sa tollgate. Ini-swipe lang ang card at ok na. Ang bilis! Wala ng sukli-sukli. Pero hindi pa sila nakontento.  Sabi ni Sir Bert may balak pang palitan ng gobyerno nila yun. Instead of swiping, kabitan  nalang ng device ang sasakyan at automatic i-read ang bawat pagdaan. Mas mabilis yun.

Habang binabaybay namin ang mahabang daan, kapansin-pansin ang mga luntian at mayabong na punong kahoy. Umandar ang aking pagka-usesero. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Tinanong ko si Sir Bert kung paano napanatili ang dami ng mga puno sa kabila ng kanilang pagiging industriyalisado. Ang daming sinabi ni Sir. Ang haba ng kanyang paliwang. Pero sa naintindihan ko lang kaya ganun dahil hindi basta-basta pinuputol ang kanilang mga puno. Kailangan mo pang kumuha ng permit kahit ikaw pa ang may-ari.

Gumulong ang aming usapan at napunta sa lupa.
“Dito sa Taiwan may apat na klase ng lupa: agricultural, industriyal, commercial at residential. Kung ang lupa mo ay nasa agricultural area dapat taniman lang yun. Pwede mang tayuan ng bahay pero dapat 10% na parte lang sa kabuhuang laki ng lupa, “ paliwanag niya.
Natahimik ako. Nasabi ko sa sarili, napakaistrikto naman ng gobyerno nila. Pero maganda naman ang kinalabasan. Pwede kaya ang ganitong mga patakaran sa atin?

Dumating kami sa dormitory medyo hapon na. Inayos ko ang aking mga gamit at nagpahinga. Nakakapanibago ang temperature. Dahil Oktubre medyo nagsimula ng lumamig. Palatandaan ng parating na winter season. Wala pa naman akong baong jacket. Ang pinagtaka ko lang, ang mga room mate ko ay naka-electric fan. Habang ako nama’y naka-comforter. Sila ay naiinitan ako nama’y nilalamig. Seguro sanayan lang.

Hindi ako nakaramdam ng homesick pero hirap akong makatulog. Naglaro sa isip ko ang mga nangyari sa boung araw. Mula  sa Cavite, sa NAIA, sa eroplano, sa Taiwan airport, sa ospital, sa opisina ng broker, sa immigration hanggang dito sa dorm. Sino bang mag-akala na makarating pala ako dito. Malay ko bang matuloy pala ang aking flight sa kabila ng makailang beses na ma-postpone. Nagpa-flashback sa isip ko ang mga nangyayari.  Kaba, takot, pag-alala, pag-alinlangan at excitement. Naitindihan ko na ngayon kung bakit willing gumastos ng libo-libo ang mga turista para lang pumunta sa iba’t-ibang bansa kahit may nangingidnap na abu sayaff at nangho-hostage sa bus. Balewala pala ang panganib dahil mas nangingibabaw ang excitement na may kasamang learning. Sa dalawang taon ko dito, sikapin kong malibot ang ilang parte ng Taiwan.

Malaking pasalamat ko kay Si Bert sa mga na-share niyang ideas. Sa unang araw ko dito, marami na akong nalalaman tungkol sa Taiwan. Maliit lang pala ang Taiwan. Mas malaki pa nga ang buong Luzon. Kaya ito tinatawag na ROC ibig sabihin Republic of China. Sa Pilipinas may dalawang season: wet and dry. Pero dito apat: spring, winter summer ang fall. May iilang parte sa Taiwan ang  may snow pero sa tinitirhan ko wala. Organisado ang Taiwan. Malinis at maraming puno. Desiplinado din ang mga tao kaya walang masyadong basura. Seguro hindi corrupt ang gobyerno nila kaya sila maunlad.

Habang kausap ko si Sir Bert kanina, napansin ko ang paulit-ulit niyang binanggit ang words na “hindi katulad sa atin” at “lahat dito ay nasa tamang proseso. Ayon sa batas”. Kung pakinggan, parang lubog na lubog ang Pilipinas. Pero maski ako na purong Pilipino hindi ko maiwasang mai-compare ang Taiwan sa Pilipinas. Totoo, walang-wala tayo kung kaunlaran at desiplina lang ang pag-uusapan.

Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata, sinabi ko sa sarili: kahit gaano kaganda ang Taiwan, hindi ko ipagpalit ang Pilipinas. Mahal ko at mamahalin ko ang bayan ko.
Proudly Pinoy!
Bukas na pala magsimula ang aking trabaho. Tulog na ako.
Goodnight!

Biyernes, Hulyo 22, 2011

Taiwan


Tiningnan ko ang kalendaryo. Miyerkules. October 6, 2010. Napaka-memorable ang araw na to. Inikot-ikot ko ang aking mata sa loob ng bahay. Ang aking dalawang chacku ay nakasabit sa dingding. Hanaphanapin ko ‘to pagdating dun. Ang aking mga alagang daga ay masayang naglalaro sa hamster wheel. Tahimik naman at hindi gumagalaw  ang aking mga alagang isda sa aquarium. Para bang nalulungkot. Ramdam ata nila na ako’y aalis. Syempre hindi ko makalimutan tingnan kahit nasa sulok ang kapanganak palang na daga. Tahimik lang siyang natulog kasama ang  tatlong anak.
Ma-miss ko ang bahay na to. Ma-miss ko ang kabaitan nila ate at kuya. Ma-miss ko ang mga taong mabait sa akin. Ang aking mga kaibigan. Limang taon mahigit din  ako dito kaya talagang ma-miss ko ang Cavite. At saka, ma-miss ko rin ang aking mga alaga.

Nakaimpake na lahat. Ang Visa at passport nasa bag narin. Wala ng makapagpipigil pa. Lilipad na ako papuntang Taiwan para magtrabaho. Actually dalawa ang pakay ko. Gumala at magtrabaho.
Mga 4:00 a.m  ako dumating sa airport kahit 7:00 am pa ang aking flight. Masyado daw akong excited sabi ni kuya. Seguro nga tama siya.
Hindi ko first time sumakay ng eroplano pero first time kong sumakay ng international flight. Buti nalang meron akong kasama kaya dalawa kaming nalito at naligaw-sakit ng mga first timer. Mga iilan din ang aming inistorbo ng tanong bago kami makapasok sa mismong loob.

Nagulat pa nga ako ng biglang tumunog ang metal detector. Ang inakala ko ay may nalunok akong metal kaya may na-detect parin sa kabila ng tinanggal ko na ang aking belt at cellphone. Inabot din isang minuto at limampung segundo akong naka-hold(ganun ako ka-detalyado) bago ko ma-realize na barya lang pala sa bulsa ko ang dahilan. Minsan talaga umaandar ang aking pagkatanga.

Ang daming tao sa airport. Parang palengke. Klase-klase ang mukha. Iba-iba din ang katayuan sa buhay. Mapansin mo yun sa laki ng bag. Merong maliit na bag lang ang dala at meron ding mas malaki pa sa kanya. Seguro ang iba sa kanila ay bakasyonista. Pero tiyak kong karamihan ay katulad ko..OFW. Mga taong handang harapin ang lungkot maibigay lang ang financial na pangangailangan ng pamilya. Tanging lakas lang ng loob ang pinanghahawakan sa buhay. Kahit kumikislap na patalim ay handang kapitan. Bahala na ano man ang panganib ang naghihintay.
Pila, inspection. Pila, inspection…ang mga dinaanan ko bago makapasok sa loob ng eroplano. Tandang-tanda ko pa. PR 0896 ang aking flight number. PAL ang eroplano. Taipie ang destination. Sa bandang puwet ako ng eroplano nakaupo. Ayon sa survey, sa puwetan ng eroplano ang pinakasafe na parte. Pero sa lipad na may taas na 26,000 feet tingin ko walang ligtas kahit saang sulok ng eroplano umupo kung  mag-crash.

After one hour lumipad ang eroplano, ini-serve ang breakfast.  Lumapit sa akin ang maganda at sexing babae na may tulak-tulak na cart. Stewardess ata yun. Ang daming ulam ang kanyang binanggit at nagtanong kung ano daw ang gusto ko. Sa ganda ba naman nya,  hindi ko na nakuhang mag-isip. Mabilis ko siyang sinagot na “ikaw ang gusto ko”. Pero seyempre sa isip ko lang yun. Bago pa niya ako masampal, sabi ko Chicken Adobo. Pinili ko yun hindi dahil favorite ko kundi yun lang ang kilala ko.

Habang ako’y kumakain may lumapit na naman na sexy at maganda. Oo, na naman. Iwan ko ba kung bakit halos lahat ng mga crew sa eroplano ay mga magaganda. Kung pwede palang sa eroplano na ako tumira.
“Drinks sir” sabi niya habang nakangiti.
Pero hindi ibig sabihin nun natuwa siya sa akin o nagpa-cute. Kasama lang sa trabaho ang pag-ngiti.
Pineapple juice, ang sagot ko. Pero wala daw silang ganun. Dahil dalawa lang ang alam kong flavor, mabilis ko siyang sinagot na orange nalang.

(itutuloy)                                                      

Biyernes, Hulyo 15, 2011

Animal Cruelty?


Nananalaytay na sa dugo at tumira sa utak kasama ng mga neurons ang pagka-cruel ng tao sa mga hayop. Isipin mo, ANO ang kinalaman ng kangaroo kung mahina ang iyong IQ at hindi mo mahulaan ang jumble words para sila bigtiin?
Kawawa naman ng mga penguin na pinapalo at ibinabangga sa mga polar bear.
Naitindihan kong pangit ang mga zombies kaya makatwiran lang silang ipapatay sa mga alaga mong halaman pero injustice para sa mga birds na ibala mo lang sa tirador para patamaan ang maliit na monster.
Hindi ko ma-imagine ang sakit na nararamdaman ng mga ibon tuwing bumabangga sa pader at bumabagsak sa lupa. Naglagasan ang mga balahibo sa walang kamuwang-muwang na pink na ibon. Wawa naman.


Malamang inabot ka ng pagkalito sa mga nabasa mo sa itaas. Ang mga tinutukoy ko ay ang Hangaroo, Crazy Penguin, Plants VS. Zombies at saka Angry Birds.
Sabi ni Kuya Kim, natural na sa pag-iisip ng tao na kung may lumilipad(ibon) dapat tinitirador o binabaril. Seguro nga hindi natin nakita ang kahalagahan ng mga hayop lalo na sa mga ibon.
Sa kabilang banda, ewan ko kung ano ang tinira ng mga computer programmers na may pakana sa mga games na nabanggit ko para maisip nilang paglaruan ang mga hayop hanggang sa virtual worlds. Pero aminin ko kahanga-hanga ang mga naisip nila at enjoyment ang maibigay sa tao lalo pa’t karamihan sa mga ito ay ma-download mo ng libre.
Isa sa mga nakinabang nito ay ang mga empleyado na pagod na sa kakaharap ng computer para gumawa ng reports o sa pag-encode ng mga data. Pangontra boring din ‘to at pantanggal antok kung wala ang mga boss.

Linawin ko lang, hindi ako kontra o sang-ayon. Ang masasabi ko lang na sana hindi ito ang maging buto at tumubo sa kaalaman ng mga bata na ang mga hayop ay dapat paglalaruan at inaabuso. Mahalaga ang mga hayop. Bukod sa nagbibigay ganda ito sa kapaligiran, tumutulong din ito para ibalanse ang takbo ng kalikasan.


Linggo, Hulyo 10, 2011

Pagbabago(karugtong)

Pagising natin bawat umaga meron tayong dalawang pagpipilian. Una, gawin ang nakasanayan at maghintay ng pagbabago. Pangalawa, gumawa mismo ng pagbabago. Bigla itong pumasok sa isip ko. Ewan saan galing.

Kung walang butas palabas, ako mismo gagawa ng butas. Hindi ko hihintayin lumapit ang oppurtunity. Ako ang hahanap ng opportunity. Naging literal ata ang aking paghahanap. Ginagalugad ko ang internet sa paghahanap ng job hiring. Nag-register ako sa lahat ng alam kong job-hiring website. Bawat galaw ng computer mouse..bawat pindut, kasama ang pag-asa. Gamit ang e-mail, nagpadala ako ng mahigit 20 na application letter na may naka-attached na resume at TOR. Nakailang revise na ‘ko sa application letter para lang mapansin ng employer. Kulang nalang,  magdrama na ko dun.

Ganun ako kadeterminado. Pero mali ata. Bawiin ko ang determinado. Pinakaakma ata ang desperado.
Oo, desperado. Desperado dahil hindi pa ako tumigil. Bumili ako lagi ng newspaper na ang laman ay puro job ads. Pinuntahan ko ang mga lugar na alam kong may job fair. Maglakad sa ilalim ng galit na araw. Minsan ma-ulanan. Kadalasan nalipasan ng gutom. Ginagawa ko ang lahat umaasang matanggap. Hirap.

Gumulong ang panahon. Ang araw ay naging linggo. Ang linggo naman ay naging buwan. Ang bilis ng panahon. Paglipas ng tatlong buwan, wala paring nangyari. Pero may nagreply naman sa mga ina-applayan ko.
Pinapunta ako for job interview bilang computer technician sa Quezon City pero hindi ako pumunta. Hindi ko alam ang lugar at hindi ako pinayagan mag-leave sa trabaho. Nag-reply din ang ina-applayan kong AutoCAD operator. Pero hindi ko tinuloy. Ang baba. Php 10000 lang ang buwan. Tinawagan din ako sa isang call center sa ina-applayan kong technical support. Pero deni-discourage ako ni kuya. Php 15 thousand lang daw ang buwan. Mag-abroad ka nalang, sabi niya. Natigilan ako dun. Napaisip. binibilog-bilog ko ang kulangot saka pinitik. Oo nga pala.
Kung hindi ako sinuwerte sa local, subukan kong sungkitin ang abroad. Alam kong hindi ako matalino. Aminado akong hindi magaling. Pero may pinanghahawakan pa ako. Ang lakas ng loob. Sabi nila, nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Daanin ko nalang sa sipag, tiyaga at dasal.

Tama ‘yang nabasa mo, dasal. Saksi ang simbahan ng Baclaran at Malate sa aking pag-aapply. Mga tatlong magkaibang agency ang aking binabalik-balikan. Bawat punta sa agency, dumaan muna ako sa Baclaran church. Pagbaba ko sa Mabini, papasok na naman ako sa Malate church.

Kung ang inakala mo matanggap ako agad dahil sa dasal, nagkakamali ka. Makailang beses na akong i-reject sa employer line up dahil sa aking height. 165 cm ang required, 163 cm lang ako. Naranasan ko naring maghintay sa agency ng buong araw ng walang matinong kain. Ang masaklap pa, hindi ako ine-interview ng employer. Maliit daw ang aking katawan. Gusto ko siyang bigyan ng right hook punch. Para maipaalam ko sa kanya ang nasa loob ko. Naghintay ako ng ganun pero napunta lang sa wala. Ewan, kargador ata na trabaho ang ino-offer nila.

Masakit maranasan ang ma-reject. Hindi lang ang kakayahan ko ang ni-reject nila kundi pati ang buo kong pagkatao. Lagabog ang upuan sa bigat ng aking balikat pagsampa ko sa bus papuntang Cavite. Sayang ang araw ko. Daig ko pa ang natalo sa tong-its. Bukas, sangkatutak na sinungaling ang isulat ko na naman sa leave form pirmahan lang ng aking line leader. Nagamit ko na ata lahat ng reason na may “ache” sa huli.

Ang isip ko ay gusto ng sumuko pero ang loob ko ay may maibuga pa. Kaya pa. Sabi nga ng commercial sa TV, tomorrow is another day.

Hindi ko alam ang ensaktong nangyari. Sa makailang beses akong pabalik-balik sa agency, namalayan ko nalang nakapasa na pala sa interview at nag-asikaso ng papel. Kung may tiyaga daw, may nilaga. Totoo nga. Pakiramdam ko, humigop ako ng mainit na mainit na nilagang baka pagkatapos ako umattend sa PDOS(Pre-Departure Orientation Seminar).
Lumiwanag na ang pag-asa mula sa pangangapa at sakripisyo.
Yes! Napasigaw ako parang tanga.
Good day sunshine!

Linggo, Hulyo 3, 2011

Iba Na Ngayon

Iba na nga ang panahon ngayon. Ang noon ay hindi na ngayon. Ang layo na ng pinagkaiba. Tuluyan na nating iniwanan ang kahapon para tanggapin ang ngayon at salubungin ang darating na bukas. Sabi ng teacher ko sa English dati, “only permanent in this world is the word changes”. Dati hindi ako sang-ayon pero ngayon agree na. Ikaw, ako, sila ay magbabago kahit anong oras o panahon.
Garantisado yan. 


Kung pumunta naman tayo sa usapang teknolohiya, napakalayo na ang ating narating kung titigil tayo at lingonin natin ang noon.
Ang kalikasan ay sumabay din sa pagbabago. Climate change kung tawagin ng mga seyentipiko.
Ang mga babae? Nagbago na  rin. Lalo na sa atin dito sa Pinas. Liberated na daw sila. Hindi na sila pahuhuli sa mga lalaki. Wala na ang tipong Maria Clara. Kaya na nilang gawin ang mga ginagawa ng lalaki. Pagbabago.

Pero ang nakakuha sa aking atensyon at naging ugat-dahilan para isulat ko ang nabasa mo ngayon ay ang pagbabago na nangyaring sa mga hayop.

“Para talaga kayong aso at pusa laging nag-aaway. Hindi kayo puwedeng pagsamahin”, kasabihan yan ng mga matatanda dati. Pero wag kang magkamaling gamitin ‘yan ngayon.
Iba na ngayon. Sino ang nagsasabing hindi pwede pagsamahin ang aso at pusa?






Kung dati ang mga manok, bibi at pato ay hinahabol ng mga aso para lapain at kainin. Pero iba na ngayon.




Ang mga gorilla din ay hindi na nagpahuli. Sumabay din sa pagbabago. Ibahin niyo sila ngayon.





Hindi na ako dapat magtaka kung balang araw mabalitaan ko nalang na may mga unggoy na sa mga porn sites. Anak ng tikbalang! Ano naman kaya ang sunod na mga pagbabago?