Nananalaytay na sa dugo at
tumira sa utak kasama ng mga neurons ang pagka-cruel ng tao sa mga hayop.
Isipin mo, ANO ang kinalaman ng kangaroo kung mahina ang iyong IQ at hindi mo
mahulaan ang jumble words para sila bigtiin?
Kawawa naman ng mga penguin na pinapalo at ibinabangga sa mga polar bear.
Naitindihan kong pangit ang mga zombies kaya makatwiran lang silang ipapatay sa mga alaga mong halaman pero injustice para sa mga birds na ibala mo lang sa tirador para patamaan ang maliit na monster.
Hindi ko ma-imagine ang sakit na nararamdaman ng mga ibon tuwing bumabangga sa pader at bumabagsak sa lupa. Naglagasan ang mga balahibo sa walang kamuwang-muwang na pink na ibon. Wawa naman.

Malamang inabot ka ng pagkalito
sa mga nabasa mo sa itaas. Ang mga tinutukoy ko ay ang Hangaroo, Crazy Penguin,
Plants VS. Zombies at saka Angry Birds.
Sabi ni Kuya Kim, natural na sa
pag-iisip ng tao na kung may lumilipad(ibon) dapat tinitirador o binabaril.
Seguro nga hindi natin nakita ang kahalagahan ng mga hayop lalo na sa mga ibon.
Sa kabilang banda, ewan ko kung ano ang tinira ng mga computer programmers na may pakana sa mga games na nabanggit ko para maisip nilang paglaruan ang mga hayop hanggang sa virtual worlds. Pero aminin ko kahanga-hanga ang mga naisip nila at enjoyment ang maibigay sa tao lalo pa’t karamihan sa mga ito ay ma-download mo ng libre.
Isa sa mga nakinabang nito ay ang mga empleyado na pagod na sa kakaharap ng computer para gumawa ng reports o sa pag-encode ng mga data. Pangontra boring din ‘to at pantanggal antok kung wala ang mga boss.

Linawin ko lang, hindi
ako kontra o sang-ayon. Ang masasabi ko lang na sana hindi ito ang maging buto
at tumubo sa kaalaman ng mga bata na ang mga hayop ay dapat paglalaruan at inaabuso. Mahalaga ang mga hayop. Bukod sa nagbibigay ganda ito sa kapaligiran, tumutulong din ito para ibalanse ang takbo ng kalikasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.