Tiningnan ko ang kalendaryo. Miyerkules. October
6, 2010. Napaka-memorable ang araw na to. Inikot-ikot ko ang aking mata sa loob
ng bahay. Ang aking dalawang chacku ay nakasabit sa dingding. Hanaphanapin ko ‘to
pagdating dun. Ang aking mga alagang daga ay masayang naglalaro sa hamster
wheel. Tahimik naman at hindi gumagalaw
ang aking mga alagang isda sa aquarium. Para bang nalulungkot. Ramdam
ata nila na ako’y aalis. Syempre hindi ko makalimutan tingnan kahit nasa sulok
ang kapanganak palang na daga. Tahimik lang siyang natulog kasama ang tatlong anak.
Ma-miss ko ang bahay na to. Ma-miss ko ang
kabaitan nila ate at kuya. Ma-miss ko ang mga taong mabait sa akin. Ang aking
mga kaibigan. Limang taon mahigit din
ako dito kaya talagang ma-miss ko ang Cavite. At saka, ma-miss ko rin
ang aking mga alaga.
Nakaimpake na lahat. Ang Visa at passport nasa
bag narin. Wala ng makapagpipigil pa. Lilipad na ako papuntang Taiwan para
magtrabaho. Actually dalawa ang pakay ko. Gumala at magtrabaho.
Mga 4:00 a.m
ako dumating sa airport kahit 7:00 am pa ang aking flight. Masyado daw
akong excited sabi ni kuya. Seguro nga tama siya.
Hindi ko first time sumakay ng eroplano pero
first time kong sumakay ng international flight. Buti nalang meron akong kasama
kaya dalawa kaming nalito at naligaw-sakit ng mga first timer. Mga iilan din
ang aming inistorbo ng tanong bago kami makapasok sa mismong loob.
Nagulat pa nga ako ng biglang tumunog ang metal
detector. Ang inakala ko ay may nalunok akong metal kaya may na-detect parin sa
kabila ng tinanggal ko na ang aking belt at cellphone. Inabot din isang minuto
at limampung segundo akong naka-hold(ganun ako ka-detalyado) bago ko ma-realize
na barya lang pala sa bulsa ko ang dahilan. Minsan talaga umaandar ang aking
pagkatanga.
Ang daming tao sa airport. Parang palengke.
Klase-klase ang mukha. Iba-iba din ang katayuan sa buhay. Mapansin mo yun sa
laki ng bag. Merong maliit na bag lang ang dala at meron ding mas malaki pa sa
kanya. Seguro ang iba sa kanila ay bakasyonista. Pero tiyak kong karamihan ay
katulad ko..OFW. Mga taong handang harapin ang lungkot maibigay lang ang
financial na pangangailangan ng pamilya. Tanging lakas lang ng loob ang
pinanghahawakan sa buhay. Kahit kumikislap na patalim ay handang kapitan.
Bahala na ano man ang panganib ang naghihintay.
Pila, inspection. Pila, inspection…ang mga
dinaanan ko bago makapasok sa loob ng eroplano. Tandang-tanda ko pa. PR 0896
ang aking flight number. PAL ang eroplano. Taipie ang destination. Sa bandang
puwet ako ng eroplano nakaupo. Ayon sa survey, sa puwetan ng eroplano ang
pinakasafe na parte. Pero sa lipad na may taas na 26,000 feet tingin ko walang
ligtas kahit saang sulok ng eroplano umupo kung
mag-crash.
After one hour lumipad ang eroplano, ini-serve
ang breakfast. Lumapit sa akin ang
maganda at sexing babae na may tulak-tulak na cart. Stewardess ata yun. Ang
daming ulam ang kanyang binanggit at nagtanong kung ano daw ang gusto ko. Sa
ganda ba naman nya, hindi ko na nakuhang
mag-isip. Mabilis ko siyang sinagot na “ikaw ang gusto ko”. Pero seyempre sa
isip ko lang yun. Bago pa niya ako masampal, sabi ko Chicken Adobo. Pinili ko
yun hindi dahil favorite ko kundi yun lang ang kilala ko.
Habang ako’y kumakain may lumapit na naman na
sexy at maganda. Oo, na naman. Iwan ko ba kung bakit halos lahat ng mga crew sa
eroplano ay mga magaganda. Kung pwede palang sa eroplano na ako tumira.
“Drinks sir” sabi niya habang nakangiti.
Pero hindi ibig sabihin nun natuwa siya sa akin o nagpa-cute. Kasama lang sa trabaho ang pag-ngiti.
Pero hindi ibig sabihin nun natuwa siya sa akin o nagpa-cute. Kasama lang sa trabaho ang pag-ngiti.
Pineapple
juice, ang sagot ko. Pero wala daw silang ganun. Dahil dalawa lang ang alam
kong flavor, mabilis ko siyang sinagot na orange nalang.
(itutuloy)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to leave comments.
Kahit negatibo ay ok lang basta wag ka lang maging bastos.
Sa kabilang banda, naniwala naman ako na lahat ng marunong gumamit ng computer ay edukado.