Kung walang butas palabas, ako mismo gagawa ng butas. Hindi
ko hihintayin lumapit ang oppurtunity. Ako ang hahanap ng opportunity. Naging
literal ata ang aking paghahanap. Ginagalugad ko ang internet sa paghahanap ng
job hiring. Nag-register ako sa lahat ng alam kong job-hiring website. Bawat
galaw ng computer mouse..bawat pindut, kasama ang pag-asa. Gamit ang e-mail,
nagpadala ako ng mahigit 20 na application letter na may naka-attached na
resume at TOR. Nakailang revise na ‘ko sa application letter para lang mapansin
ng employer. Kulang nalang, magdrama na
ko dun.
Ganun ako kadeterminado. Pero mali ata. Bawiin ko ang determinado. Pinakaakma ata ang desperado.
Oo, desperado. Desperado dahil hindi pa ako tumigil. Bumili ako lagi ng newspaper na ang laman ay puro job ads. Pinuntahan ko ang mga lugar na alam kong may job fair. Maglakad sa ilalim ng galit na araw. Minsan ma-ulanan. Kadalasan nalipasan ng gutom. Ginagawa ko ang lahat umaasang matanggap. Hirap.

Gumulong ang panahon. Ang araw ay naging linggo. Ang linggo naman ay naging buwan. Ang bilis ng panahon. Paglipas ng tatlong buwan, wala
paring nangyari. Pero may nagreply naman sa mga ina-applayan ko.
Pinapunta ako for job interview bilang computer technician sa Quezon City pero hindi ako pumunta. Hindi ko alam ang lugar at hindi ako pinayagan mag-leave sa trabaho. Nag-reply din ang ina-applayan kong AutoCAD operator. Pero hindi ko tinuloy. Ang baba. Php 10000 lang ang buwan. Tinawagan din ako sa isang call center sa ina-applayan kong technical support. Pero deni-discourage ako ni kuya. Php 15 thousand lang daw ang buwan. Mag-abroad ka nalang, sabi niya. Natigilan ako dun. Napaisip. binibilog-bilog ko ang kulangot saka pinitik. Oo nga pala.

Kung hindi ako sinuwerte sa local, subukan kong sungkitin ang
abroad. Alam kong hindi ako matalino. Aminado akong hindi magaling. Pero may pinanghahawakan pa ako. Ang lakas ng loob. Sabi nila, nasa tao ang gawa, nasa
Diyos ang awa. Daanin ko nalang sa sipag, tiyaga at dasal.
Tama ‘yang nabasa mo, dasal. Saksi ang simbahan ng Baclaran at Malate sa aking pag-aapply. Mga tatlong magkaibang agency ang aking binabalik-balikan. Bawat punta sa agency, dumaan muna ako sa Baclaran church. Pagbaba ko sa Mabini, papasok na naman ako sa Malate church.
Kung ang inakala mo matanggap ako agad dahil sa dasal, nagkakamali ka. Makailang beses na akong i-reject sa employer line up dahil sa aking height. 165 cm ang required, 163 cm lang ako. Naranasan ko naring maghintay sa agency ng buong araw ng walang matinong kain. Ang masaklap pa, hindi ako ine-interview ng employer. Maliit daw ang aking katawan. Gusto ko siyang bigyan ng right hook punch. Para maipaalam ko sa kanya ang nasa loob ko. Naghintay ako ng ganun pero napunta lang sa wala. Ewan, kargador ata na trabaho ang ino-offer nila.

Masakit maranasan ang ma-reject. Hindi lang ang kakayahan ko
ang ni-reject nila kundi pati ang buo kong pagkatao. Lagabog ang upuan sa bigat ng
aking balikat pagsampa ko sa bus papuntang Cavite. Sayang ang araw ko. Daig ko
pa ang natalo sa tong-its. Bukas, sangkatutak na sinungaling ang isulat ko na
naman sa leave form pirmahan lang ng aking line leader. Nagamit ko na ata lahat
ng reason na may “ache” sa huli.
Ang isip ko ay gusto ng sumuko pero ang loob ko ay may
maibuga pa. Kaya pa. Sabi nga ng commercial sa TV, tomorrow is another day.
Hindi ko alam ang ensaktong nangyari. Sa makailang beses
akong pabalik-balik sa agency, namalayan ko nalang nakapasa na pala sa
interview at nag-asikaso ng papel. Kung may tiyaga daw, may nilaga. Totoo nga.
Pakiramdam ko, humigop ako ng mainit na mainit na nilagang baka pagkatapos ako
umattend sa PDOS(Pre-Departure Orientation Seminar).
Lumiwanag na ang pag-asa mula sa pangangapa at sakripisyo.
Yes! Napasigaw ako parang tanga.
Good day sunshine!