Lunes, Disyembre 10, 2012

I've Just Bought My New I-phone 4s

"Palitan mo na yang cellphone mo!

Mga Tatlo, apat, lima o higit pa ata ang nagsabi na sa akin. Ewan ko. Ok pa naman 'to. Anong problema!
Kaya kadalasan kong sagot: Makatawag pa naman ako at maka-text. Yung lang naman ang dalawang dahilan kaya ako bumili ng cellphone. Sa ngayon, hindi pa nawala ang dalawang features na yan.
Tawa at iling ang kadalasang reaksiyon nila. Minsan may nagsabi pa ng, "iba ka talaga".

Iba nga ba ako?
Nabili ko sa Second-hand shop ng 500 nt dollar itong cellphone ko. Seguro mga nasa 700 sa peso. Dahil galing sa second-hand shop, ito ay second hand seyempre. Hindi touch screen at walang wifi.
Ito ay may body dimension ng 4.21 x 1.81 x 0.63 inches. Napakaliit.
Meron itong camera sa harap at likod na kayang makapag-produce ng 2 miga-pixel na pixelated na pictures.
Wala itong radio pero pwede kang maglaro ng Tetris kapag nabo-bored.
Ina-announce daw to sa Motorola noong 2008 at lumabas sa market sa taong 2009. At ang lahat ng yan ay ayun sa google.

Sa oras na tina-type ko ang kasalukuyang binabasa mo ngayon, "in", sikat at usap-usapan parin ang I-phone 4s. Kapag nagmamay-ari ka na ganitong uri na bagay, hindi kana basta-basta-bastabas. Ibig sabihin, much money ka. Angat ka kaysa mga ordinaryong Pilipino. Habang ang iba ay namroblema ano kakainin bukas, pinoproblem mo naman kung saan makabili ng magandang iphone cover. At dahil dun, pwede kanang magyayabang sa facebook o twitter katulad ng " I've just bought my new I-phone 4s. Sarap."
Linawin ko, walang problema dun. Pera mo yun. Kung limpak-limpak naman ang mga kayamanan mo, hindi masama kung bawasan mo yun ng barya para ibili ng worth 20k plus na bagay.
Basta wag ka lang mangutang, magnakaw o manghold-ap.

Liliko tayo.
Isa sa mga malaking naka-impluwensiya sa pag-iisip ng tao ay ang advertisement. Manood ka ng tv, may patalastas. Sa radyo(AM man o FM) may commercial break. Sa mga eskinita may mga tarpaulin, billboard naman sa high-way at kahit ang suki mong sari-sari store ay may mga posters. Hindi ko na dapat banggitin pa seguro dito ang mga ibinibigay na leaflets. Wala tayong kawala. Pipikit ka man o didilat, may advertisement.
Ang problema sa advertisement ay laging ipamukha sa mga consumers na may problema ka, na may kulang ka. Na mabaho ang iyong kili-kili, buhaghag ang iyong buhok, hindi makinis ang iyong mukha, ikaw ay mataba, masyado kang payat, hindi puti ang iyong damit o kulang ng lambot kailangan ng fabric softener, mahina ang iyong laptop, makapal ang iyong TV at LUMA ang BAGO mong biling cellphone.
Sa cellphone tayo, balikan natin si I-phone 4s. Wala pang taon nang lumabas ito, usap-usapan na ang paglabas ng bagong i-phone model, ang I-phone 5. Ganun kabilis. Ang bilis ng evolution ng mga gadgets. Yung bang tipong ang bagong model na binili mo ngayon paglipas ng ilang buwan ay maituring na luma. Mapag-iwanan kana. Kaya kailangan mo namang bumili ng bago model para maging "in" ulit at para may mai-post ka uli sa facebook at twitter na wari bang napaka-importante at nakaka-inspire yun sa mga nade-depressed.
Bottom line, ang hindi maganda sa advertisement ay tinuturuan tayo para hindi MAKUNTENTO.

Totoo, naisip ko rin minsan bumili ng bagong cellphone. Dahil tingin ko ako nalang ata  ang katangi-tanging OFW dito sa Taiwan na ang gamit na cellphone ay 2009 model.
At dahil hindi ako mayaman, kailangan ko pag-isipan ng mabuti. Isiping mabuti. Mag-isip.

1. Bakit ko kailangang bumili ng bagong cellphone?
Hmmn---------------------------------Walatalagaakomaisipnadahilan.
Sa pangalawang tanong tayo. Mas malalim na tanong.

2. Kailangan ba ito ng buhay ko?
Ano ba ang benifits sa touch screen?
Nakapagpabilis ba ito sa paraan ng pagte-text?Based on my experience, hindi.
Ang wifi?
Ok na din. Pero may laptop naman ako kung gusto ko mag-internet. Mas mabilis pa at mas malaki ang screen. Naisip ko rin ang naisip mo ngayon:
"na hindi ko pwede lagi-lagi dalhin ang aking computer. Pano kung pumunta sa mall? O sa mga lugar na may wifi?"
Ang sagot ko, ganun ba talaga ka taas ang demand ng pangangailangan ng pag-iinternet? Na dapat laging online? Facebook lag din naman at tweeter ang pinupuntahang sites. Ayaw ko ng dumagdag pa sa mga taong nagpo-post ng, "Here at starbucks with XXXXX. Sipping coffee". Humanga pa seguro ako kung mag-post ng, "Here at Cagayan de oro. Helping Gawad kalinga building house for the poorest of the poor".
At Games?
Hindi ako naglalaro ng games sa cellphone man o computer.

3. Kailangan ko ba talaga ng bagong cellphone o nadala lang ako sa advertisement?
Baka nakalimutan ko lang na ang layunin nila ay hindi para mapaganda ang buhay natin kundi para kumita? Ganun ang komersyalismo. Ang mapaganda ang buhay ay side-effect nalang. Kung babalatan pa natin ang usapan, pera-pera lang yan.
Kaya ako, hindi ako magpa-uto sa advertisement. Hindi ko bibilhin ang paniniwalang para maging "in" ay dapat mahal ang mga gamit at dapat may bago.
Ano naman ngayon kung hindi "in"? Nakakadagdag kasiyahan ba ang magkaroon ng mamahaling gamit? Oo seguro sa una. Pero sa paglipas ng mga linggo at buwan, ang samsung S3 mo ay para nalang n3310. Basta ka lang nagsawa na hindi mo alam  kung bakit. Sabi nga ng idol kung si Nick, “When you look for happiness in mere objects, they are never enough.”
Dun ko na-realize na ang maging masaya ay ang maging simple.

Minsan nalaglag ang aking cellphone. Ang taas ng binagsakan. Sa lakas ng impact ang isa ay naging tatlo. Nagkakahiwa-hiwalay ang katawan, battery at ang cover.
Seguro nga iba ako dahil imbes na malungkot, natawa pa ako. Nakangiti kong pinulot ang mga pira-piraso. Tapos sabi:
"Thanks God at hindi I-phone 4s ang cellphone ko"?

You see, there is a connection between happiness and simplicity.

Huwebes, Oktubre 25, 2012

Laro Tayo

Sobrang abala ang aking katabing babae sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Kung mangyaring maghulog ng bomba ang China at bumagsak malapit dito sa nakaparada naming sinasakyang bus baka hindi pa niya mapansin. Parang tinangay ang kanyang diwa sa ibang dimension. Nako-curious. Ano ba ang meron sa kanyang cellphone?

"Ano ba yang pinagka-abalahan mo?", pambulabog kong tanong.
Ngumiti lang at sumagot ng, "Naglalaro ako. Gumagawa ako ng village".
Hindi man lang siya lumingon. Ang tingin ay nakadikit parin sa screen ng kanyang smartphone habang busy ang hintuturo sa pagsa-slide.

"Huh? Parang ibang version ng Cityville? Patingin nga.", pang-usyuso ko. Wala naman kasi talaga akong alam sa mga ganyan. Ito, aminin ko: Never pa akong nakapaglaro ng Cityville o farmville. Narinig ko lang ang mga yan pero hindi ko pa nasubukan. Kung mamatay ako ngayon at  kasama ang mga games na yan sa entrance examination ni San Pedro papuntang langit, empyerno kabagsakan ko. Segurado.

Sa kabutihan ng kanyang puso, malugod naman niyang itinuturo sa akin kung paano laruin. Ipinakilala niya sa akin ang mga functions at anong silbi nito, paano pagawa ng bahay, magtanim at blah, blah, blah. Para akong grade 1 na tinuruan ng A as in apple and B as in ball. Nakakatuwa. Sa edad kong ito, talagang napag-iwanan na ako. Hindi pa ata ako naka-move on sa Super Mario at Tetris. At ito ang interesting, tinanong ko siya kung paano dumadami ang mga tao. Ang sabi niya, pinagpatalik ko. Ulitin ko, ang sagot niya, "PINAGPATALIK KO."
Anak ng tikbalang. Hindi pala 'to pwedeng laruin sa mga menor edad. Lalo na sa mga literal na bata. Hindi ko ma-imagine na sa sabihin sa aking pamangkin na, Uncle marami na ang mga tao sa ginagawa kong village dahil lagi ko silang pinagpatalik.
Sus ginoo.

Tulak ng demonyo, tinanong ko siya,"Paano mo pinagpatalik? Patalikin mo nga."

Ine-explain niya kung paano.
"Ganito lang. Ilapit mo lang ang lalaki sa babae."

Pinapalapit niya.

"Ay, ayaw magtalik eh. Ito ngang isa."

Ang isa naman ang kanyang pinapalapit pero ayaw parin.
Sabi ko, baka kailangan ng pampagana. Papanuorin nga natin ang mga yan sa Redtube.

Ang cellphone ay inembento para mapadali ang komunikasyon pero ngayon tinadtad na ng kung anu-anong applications. Nagbago na ang depenesyon ng cellphone. Para sa akin, ito ay isang mini-computer na pwede mong pantawag at pan-text. Oo, ang tawag at text ay naging bunos features nalang.

Hindi ko alam kung sinong programmer ang gumawa sa larong iyon. Walang kaduda-duda, kakaiba ang kanyang trip. Ano kaya ang kanyang nakain o nasingot para makaisip ng ganung uri ng laro?

Sa panahon natin ngayon, ang dami ng laro ang nabuo. May mga kakaiba. Naisip ko tuloy, masyado nabang boring ang buhay. Kaya padami ng padami ang mga virtual games dahil padami ng padami na din ang mga kailangang aliwin. Naghahanap ba tayo ng kumplikadong solusyon para gumaan ang mabigat na emosyon dala ng problemang tayo lang din ang may gawa? Dahil nakatira na tayo ngayon sa pekeng mundo kaya pekeng kasiyahan narin ang ating hinahanap? O di kaya masyado naba tayong naging modern? O diba hindi lang natin na-appreciate ang mga simpleng bagay? Hindi naba nakakaaliw pagmasdan ang mga city birds na masayang nag-aagawan ng pagkain? Ang ulap sa kalawakan na bumubuo ng mga nakakatuwang anyo? Nagbago naba ang ang ating form of entertainment? Dahil ba ang pagkabagot ay umatake oras-oras kaya kailangan ang gamot na naka-install sa iyong cellphone?

Sa computer naman tayo. Ito na ata ang pinakamahalagang naimbento ng tao. Sa panahon natin ngayon, backbone na ito ng technology. Nakakabilib kung tutuusin. Ang purpose lang naman ni Charles Babagge nito ay mag-compute ng numero. Pero nag-evolve hanggang dumami ng dumami ang mga functions. Name it and computer can make it. Amazing ang pinakatumpak na salita para sa makinang ito. Wala si Arnel Pineda, Charisse Pempengco, Moymoy Palaboy at marami pa sila kung wala ang computer. Office work, facebook, tweeter, e-mail at youtube. Mula sa pag-eedit ng picture hanggang sa paglalaro ng mga computer games.

Sa computer games naman tayo. May nakikita ka pabang mga batang naglalaro sa lansangan o sa labas ng bahay? Sa rural areas seyempre oo, pero sa mga towns o cities parang iilan nalang ata. Tinalo na ng computer games ang ating mga katutubong laro. Hindi kasi pinapawisan at madumihan ang maglaro ng dota kaysa tumbang preso.
Sa mga susunod na tatlo o apat na henerasyon mula ngayon baka hindi na nila alam kung ano ang siklot, taguan pong, patintero at luksong tinik. Maranasan pa kaya nila ang maglaro ng trumpo, holen at goma? Baka sa libro nalang nila makikita at makilala ang saranggola.

Gusto ko ang linya sa kanta ng idol kong si John Denver:
I guess the times have changed
Kids are different now.
'Cause some don't even seem to know that milk comes from a cow.




Martes, Setyembre 18, 2012

Kulay Ng Star

Nagkausap kami sa cellphone sa 3 years old kong pamangkin. Napakakulit. Sobra. Napakadaldal.  Mahilig magkwento. Ipinagmalaki niya na nag-aral na daw siya sa kindergarten. Para naman masakyan ko ang kanyang mga sinabi, binato ko siya ng isip-batang tanong.
"Ano na ang natutunan mo dun?"
Wala siyang segundong pinalipas, agad-agad niya akong sinagot. Nakakatuwa para sa murang pag-iisip ang kanyang naging reaksiyon. Ibig sabihin talagang may natutunan nga kaya hindi na dapat paganahin pa ang utak ng matagal para lang mag-isip.
Marami siyang sinabi. Marami siyang sagot sa aking tanong. At isa dun ay napaka-interesting. Sabi niya, ANG KULAY NG STARS AY YELLOW, uncle."
"Huh? Sino ang nagsabi?"
"Si mam."

Anak ng tikbalang! Dahil mali at hindi kulay dilaw ang mga bituin, sinikap kong itama ang kakahulma palang niyang pag-iisip. Naniwala ako na ang murang isip ng mga bata ay isang crucial learning stage. Para kasi itong timba na walang laman. Kahit anong ideya ang ibuhos mo dun, tinatanggap-mali man ito o tama.
Sabi ko, "mali yun. Sabihin mo sa titser mo hindi dilaw ang star."
Sa hindi ko inaasahan, tinanong niya ako,"Ano pala ang kulay ng star, uncle?

Ang kulay ng mga stars ay hindi lang isa. Merong blue, blue/white, white, white/yellow,yellow, orange at saka red. Kaya hindi parehas ang kanilang kulay dahil magkakaiba ang kanilang temperature. Ang pinakamainit na star ay kulay blue habang red naman ang kabaliktaran. Kelvin ang unit na ginagamit sa pagtukoy kung ano ang temperature. At ang mga stars din pala kagaya ng mga corrupt na politicians ay namamatay din katagalan. Supernova ang tawag dun habang sa mga politicians naman ay masamang damo.
Wag ka muna pumapalakpak. Dahil hindi yan ang sinagot ko sa aking pamangkin.

Ito ang nangyari.
Natigilan ako pagkatapos niya akong tanungin. Nag-freeze ang aking utak. Halos tumigil ang daloy ng aking dugo. Bumabagal ang tibok ng aking puso.Tumatakbo ang segundo pero hindi ang mga neurons sa utak ko. Ano nga ba ang kulay ng star? Patay na. Nung time na yun gusto ko siyang sagutin na sorry pamangkin hindi din alam ni uncle eh . Pero seyempre hindi ko kayang isagot yun. Nagmamarunong ako tapos hindi ko pala alam.  Para ikubli ang aking hiya, sabi ko nalang sa kanya, "Mahirap kasing ipaliwanag sa cellphone. Sabihin ko nalang sa iyo pag-uwi ko ha. Mag-aral ka ng mabuti. Love you. Ibigay muna kay lola ang cellphone."
Tapos ang conversation ko sa Ka-apo apohan ata ni Einstien.

Pahabol na kwento...
Naalala ko ang titser ko dati sa high school sa geometry. Sabi nya, i-drawing niyo kung ano ang hitsura ng mga bituin na makikita natin sa kalawakan kung gabi.
Hmmnn, ang dali-dali nito. May ribbon kaya ako lagi ng Best in Arts nung nag-aral pa ako sa elementarya. Nagdo-drawing na ako ng star mula kindergarten hanggang elementary. Pati high school pala tuwing Desyembre kapag pinapagawa ng christmas cards bilang project. Mag-drawing ng star?, napakasisiw.
Pagkatapos namin mag-drawing, isa-isang tinitingnan ng aming magaling na titser ang aming mga drawing. Natawa siya sa drawing ng mga classmates ko-at sa drawing ko din pala. Masyado daw malaki ang impluwensiya sa amin ang itinuturo nung elementary. Pero may nakakuha naman. Seguro sila yung hindi masyadong nakikinig sa kanilang elementary titser. Kaya tandaan, ang totoong star ay hindi katulad sa makita mo sa dulo ng bubong ng mga mosque o kaya sa dino-drawing mo nung ikaw ay elementary. Tuldok-tuldok lang ang hitsura ng mga stars. Disagree ka? Tumingala ka sa langit. Seguraduhin mo lang na gabi.

Isa pang kino-correct niya ay ang tungkol sa circle. Kadalasan daw kasing ibinigay na example ay bola. Mali daw yun. Dahil ang circle ay two dimensional figure. So, ang bola ay hindi circle kundi sphere dahil ito ay three dimensional.
Hanga talaga ako sa gurong iyon. Sayang lang hindi ako nagka-interes sa kanyang klase. Kaya wala ako masyado natutunan. Inaantok kasi ako lagi.

Hindi ko alam kung may mali ba sa sistema ng edukasyon natin. Aaminin ko, napakalaking mali na sinabihan ko ang aking pamangkin na mali ang kanilang titser. Subsconciosly pwede mag-trigger ito sa utak ng bata para hindi na maniwala sa kaniyang guro.

Isa pang pahabol na kwento.
Ayon sa kwento-kwento, hindi daw naging isang magaling na estudyante si Einstien nung kanyang kabataan. Nakakapagtatakang isipin na ang isang magaling na scientist ay hindi nagustuhan ng kanyang mga titser. Ang dahilan daw ay dahil ayaw ni Eistien ang kanilang mga tinuturo. Hindi siya nakuntento. Naghanap pa siya ng mas malalim na paliwanag. Sa kaso natin, bakit kaya hindi natin tinatanong dati si Mam kung bakit dilaw ang star? Hindi man lang natin nakuhang magtaka bakit ang layo ng totoong hitsura ng star sa langit kaysa pinapa-drawing niya? Bakit kaya sumang-ayon nalang tayo na ang bola ay circle na walang halong pagdududa?
Minsang sinabi ni Einstien,”I have no special talent. I am only passionately curious.” Ito ata ang dahilan kung bakit si Eistien ay walang kaparehas. Nag-iisa.
Tayo kasi basta nalang umu-oo. Siya nagtatanong pa kung bakit.
Katulad mo, hindi mo lang ba tinatanong kung bakit? Hindi mo ba napansin na mali ako at tama ang pamangkin kong 3 years old. Dahil yellow ang isa sa mga kulay ng star.

Lesson: Listen. Observe. Spot the mistake and ask why.

Linggo, Hulyo 1, 2012

Gunita ni Lolo


First time kong pumunta sa sementeryo na hindi undas at hindi makipaglibing. Nagpasya kami:ako at dalawa sa mga nakakatanda kong kapatid na dalawin sina lolo at lola. Ito na yung tamang pagkakataon na maipakita ko sa kanila(kung makita man nila) na hindi at hinding-hindi ko sila nakakalimutan. Hiningi lang ng pagkakataon kaya hindi ako nakuhang umuwi sa kanilang mga burol. Unang rason, mahal ang pamasahe. Pangalawa, kailangan ako sa trabaho at hindi ako pwede mag-leave ng matagal.

Una naming pinuntahan ang netso ni Lolo. Halata na kailan lang siya ipinasok dito. Malinis pa ang takip at readable pa ang nakasulat. Ibang-iba talaga si Lolo, pangalan palang. Sunod kong napansin, mali ang spelling ng kanyang pangalan. Gusto akong magreklamo pero kanino? At ito ba ay nararapat? Ang pangalan niya isinulat lang gamit, na sa hula ko ay hibla ng walis tingting. Isinulat ito habang basa pa ang semento. Oo, ganun lang. Ganun lang ka-simple. Pinili naming maging simple hindi dahil simple kami mag-isip. Ang totoong dahilan wala kaming pera. Hindi namin kaya ang lapida na ang pangalan ay nakasulat sa kulay silver na letra(minsan may kulay gold) at meron pang picture na pwede pang profile photo sa FB. Tiningnan ko kanyang mga katabi, ganda ng mga lapida. Dun ko na-realize na hindi totoo na ang may pera at wala ay pantay-pantay kung mamatay. Dahil hindi. Sa catholic public cemetery ay makita mo ang pinagkaiba sa may kaya at wala. Base sa lapida, mahulaan mo ang katayuan sa buhay ng namatay. O kung hindi man siya, malamang ang mga kamag-anak ang may kaya.
May napansin ako. "Rest in Peace". Sa ibaba, "From your beloved children and grandchildren". Seguro ang may kaya ang mga kamag-anak lang nito. Mukha kasing mahirap ang nasa picture.


Ang buhay ay isang kwento. Ang alaala ay ang aklat at tayo naman mismo ang manunulat. Habang ang ating bawat desisyon ay ang tenta na bumubuo sa ating bawat storya.
Wala na si Lolo pero hangga't buhay ang mga taong nakakilala sa kanya, siya ay manatiling buhay. Tapos na ang kanyang kwento pero nag-iwan ito ng libro sa kanyang mga nakasalamuha. Kasalukuyan ko ngayong binubuklat ang mga pahina ng kanyang buhay. Ayaw kong husgahan kung siya ba ay naging magaling na manunulat o hindi. Isa lang ang masasabi ko, siya ay naging mabait kong Lolo. At hindi ko yun makakalimutan. Seguro kung may matutunan man ako sa kwento niya ay ang tungkol sa kanyang pagiging babaero. Lumaki ako sa mga kwento na aking narinig na siya ay matinik sa mga babae.. Aaminin ko, hangang-hanga ako sa kanyang abilidad noong mga panahon kung saan ako’y nagsimula palang dumidi sa emosyon na nagpaikot sa boung mundo. Na tinatawag nilang LOVE. Ano kaya ang kanyang sekreto? Hindi naman siya guwapo.

Pero noon yun, iba na ngayon. Maraming taon na ang nakalipas. 25 years old na ako. Nagbago na ang tingin ko sa mundo. Bilog na ito at hindi na patag. Nagbago narin ang tigin ko kay Lolo. Ang paghanga ay napalitan ng awa. Saksi ako kung paano siya unti-unting humihina habang tumatagal ang panahon. Mula sa pagkalabo ng paningin, sa pagkawala ng lakas hanggang sa pagpurol ng memorya. Hindi pala siya naiiba sa kabila ng dami ng kanyang mga babae. Gaya ng normal na tao, siya ay tumatanda at humihina. 

Napag-isip isip ko, totoo nga seguro ang kasabihang nothing in this life is free. Walang libre. Laging may kapalit. Kung gusto mo ng kabutihan, gumawa ka ng kabutihan. Kung may nais kang may marating sa buhay, kailangan bayaran mo ito ng pagsisikap. Kung may gusto kang makuha at maangkin, kailangang merong bagay kang pamalit.
Sa kwento niya, respeto ng mga anak ang naging kapalit para sa kanyang mga babae. Pero, kahit hanggang sa huli ng kanyang buhay, wala namang napatunayan. Pinili ang panandaliang kasiyahan kapalit sa pangmatagalan. Not a good barter, isn't it?

Kahit kailan hindi sukatan ang dami ng babae para tawaging dakila o tunay na lalaki. Dahil ang tunay na lalaki ay matatag. Kapag sinabi kong matatag ibig sabihin may sapat na tatag para labanan ang tukso. Dakila? Ang totoong dakila ay ang mga taong inuuna ang pamilya kaysa pansariling kasiyahan.

May gusto kabang makuha o maangkin? Mag-isip isip muna. Maging wais. Sayang naman ang ginto kung i-trade mo lang sa kinakalawang na bakal.
Itaga mo sa semento, instant happiness is a fake happiness. Parang Lucky Me! Instant noodles beef flavor lang yan. Madaling lutuin, mura, ok ang lasa pero artificial ang flavor, walang baka, kulang sa sustansiya at hindi maganda sa katawan. Pero kung nais mo ang mas angat na ulam, maglaga ka ng baka. Kaso mahal, matagal lutuin pero mas masarap at mas masustansiya. Higit sa lahat, totoong baka. Tandaan, there is no shortcut for real happiness. Kung gusto mo ng mas masarap, wag ka sa instant. Dun ka sa totoo. Maglaga ka.


Sabado, Hunyo 9, 2012

Bakasyon


Bakasyon.
Mag-relax. Pansamantalang iwanan ang masalimout na mundo. Pansamantalang kalimutan ang pagiging empleyado. Pero iba 'tong sitwasyon ko. Bakit? Basahin mo nalang hanggang sa ibaba. Ready?

Anim na araw ang ibinigay na vacation leave sa mabait kong Boss. Nung time na yun, pinaplano ko na kung paano ko siya i-murder sa malinis na paraan. Buti nadala pa ng pakiusap. Kinalimutan ko ang aking plano dahil ginawang sampu ang anim.

Hindi ako pupunta sa Bora o sa mga sikat na beach ng Pilipinas. Hindi rin ako pupunta sa ibang panig ng mundo para maglagalag. Pansamantala akong mawala sa Taiwan para umuwi sa lugar kung saan ako natutong bumasa, sumulat at tumai mag-isa. Kasal ng mahal kong kapatid pero aminin ko wala akong balak umattend dahil sa rasong pinansyal. "Isang beses lang ikasal ang kapatid mo kaya dapat andun ka sa mahalagang araw ng buhay niya", sabi ng barberong gumupit sa akin. Hindi quoted galing bible o galing sa mga sulat ni Shakespeare. Napaka-simple na mga salita pero matulis ang dating. Tinamaan ako. Dahilan para mag-isip ako ng malalim. Pinagpag ang mga buhok-buhok at nagdesisyong, UUWI AKo.

Excited ako at nalulungkot habang papalapit ang petsa ng aking flight. Uuwi ako sa amin. Makita ko na ang mga mahal ko sa buhay. Sina ate at kuya na laging sumuporta sa akin, sana ok sila. Kumusta na kaya sila Mama at Papa. Nung andun pa ako sa Luzon, napansin ko ang unti-unting pagdami ng kulubot sa kanilang mukha bawat taon na uuwi ako ng Cebu. Almost 3 years ko na silang hindi nakita, ano na kaya ang hitsura nila? Ang aking mga makukulit na pamangkin, gusto ko na silang makasama uli at makalaro. Nakaka-excite. Pero ang nakakalungkot na parte ay dahil hindi ko na inabot na buhay pa si Lolo. Kanina lang bago ko isulat itong binabasa mo, nag-message sa facebook si Kuya. Wala na daw si Lolo. Hindi ako umiyak. Matanda na si Lolo. Panahon na niya. Ang mahirap lang tanggapin ang hindi ko man lang siya nakita. Hindi niya inabot ang aking pag-uwi. At kahit balik-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko na siya makita kailan man.
Oo na, segi na. Ako ay naging madrama. Bagay lang ang ganito sa MMK at hindi sa blogsite ni Dioscoro Kudor. Kaya itigil na natin ang kakornihan. Dahil hindi ko kailangan baliktarin ang mundo kung nais ko siyang makita. Hindi ko kailangang idamay ang mundo dahil takip lang ng nitso ang kailangan tanggalin. Pero seyempre katarantaduhan yun. Kailan man, hinding-hindi ko yun gagawin. Kaya Lolo, may you rest in peace! Sa bisaya pa, pahuway sa kalinaw.
Isa pang nakakalungkot... Kinukwenta-kwenta ko na ang aking perang gagastusin sa pag-uwi. Maubos ata ang aking kunting ipon. Pamasahi palang sa eroplano, halos sweldo ko na yun ng isang buwan nung andun pa ako nagtrabaho sa Pinas. At hindi lang basta sweldo. Isang buwang sweldo na may kasamang patayang overtime.
Kasal ng kapatid ko. Alangan naman hindi ako gagastos.
Uuwi ako, alangan naman katawan ko lang at problema ang dala. Seyempre expected nila ang pasalubong. Ang mahal pa naman ng chocolate. May cloud 9 at choey chooco kaya dito?

At dito ang lahat nagtatapos. The end.
Seguro nga napakawalang kwenta itong binabasa mo. Pero ang nais kung iparating kaya may binabasa ka ngayon ay gusto kong sabihin na lahat tayo ay maging katulad ni Lolo, mamamatay. Na lahat tayo ay maging katulad ni Mama at Papa papunta sa pagtanda. Na ang mga Boss ay kamag-anak ni Hitler. At panghuli, lahat ay mahal kung kulang ka sa budget. Dito nagkaroon ng malaking deperensiya ang pagiging mahirap at pagiging mayaman. Tama, ang pera ay hindi nakapagpasaya ng tao pero malaking instrumento ito para magpasaya ng tao. Parang ang labo noh? Pero kung hindi mo nakuha, wag mo pilitin. Wag mo nalang pansinin kung ikaw ay nalaboan. Hindi lahat ng bagay ay kailangang intindihin. At bilang panghuli, idagdag natin ang walang kinalaman sa aking kwento ang sinabi ni Herb True, "MONEY DOESN'T BRING HAPPINESS, THOUGH IT HAS BEEN KNOWN TO CAUSE AN OCCASIONAL SMILE".

Huwebes, Mayo 10, 2012

Protesta


May, 11, 2012.
Mahalaga ba ang araw na ‘to para sa mga Pilipino?
Sagot ko, pwedeng oo, pwedeng hindi. Hindi para sa mga taong walang pakialam sa mga nangyari sa kanyang paligid. Mga taong naghintay ng grasya o himala mula sa gobyerno pero wala namang ginawang suporta o kahit lang pakikiisa.
Akmang-akma dito ang sinabi ni Rizal sa kanyang librong Noli Me Tangere. Nakasulat dun:
“May mga pinunong walang silbi, masama, kung ibig ninyo, ngunit may mga mabubuti din naman, at kung wala silang nagagawa, bunga ito ng mga pangyayaring nakakatagpo nila ang isang walang-tinag na sambayanan--mga mamamayang halos hindi lumahok sa mga bagay na may kinalaman sa kanila.”

May 11, 2012.
Mahalaga ‘to para sa mga mamamayang Pilipino na hindi nagtulog-tulogan. Mga  tipong tao na hindi lang basta tumanggap ng batok. Ito yung mga taong hindi kayang manahimik kapag inargabyado.
Inargabyado ba kamo? Oo, pang-aargabyado ang ginawa ng mga letseng Intsek sa ating bansa. Ang pag-angkin sa buong Spratlys Island at sinama pa pati ang Panatag Shoal. Pang-aargabyado ang pagtalaga nila ng apat na maritime survielance vessels at fishing boats sa lugar na sakop sa ating territoryo(Panatag Shoal). Insulto ang sinabi nila na ang boung Pilipinas ay sakop sa kanilang teritoryo. Ito ang latest, nagtayo pa sila ng kanilang bandera sa Panatag Shoal.

May 11, 2012.
Ito ang araw kung saan isigaw ng mga Pilipino ang pagtutol para marinig ang tinig sa buong mundo. Filipino-American Good Governance ang unang nagpasimuno at nakaisip nito at nakakuha ng suporta ng mga Pilipino sa buong mundo. Kasama na si Lea Salongga. Yes, si Lea Salongga pati pa sila Fidel V. Ramos, dating government official na si Karina David at civil society Leader Leah Navarro. At bago ko makalimutan, nakikilahok din ang ating Pinoy Hackers sa kilusang ito. I-hack nila ang mga website sa boung mundo.

May 11, 2012. Ito ang official date na magprotesta ang mga Pilipino sa harap ng Chinese Embassy bilang pagtutol sa paghari-harian ng mga chikwa sa ating teritoryo. Ikaw handa kabang makilahok?

Rally? Protesta? Anong mapapala natin nito? Mang-hack ng websites? Diba bawal yun?
Mahalaga ang isagawang rally para makuha ang attention ng international media. Maging dahilan ito para malaman ng buong mundo ang kabalastugan ng mga gahamang Chinese. Ewan ko lang kung hindi ba sila magdahan-dahan. Tungkol naman sa pang-hack ng websites, ginawa ito ng mga pinoy hackers dahil lang din sa isang layunin at katulad sa nauna. Kunin ang atensiyon ng buong mundo.

Walang tayong panlaban sa mga martime surveilance vessels ng mga letseng Chinese. Kahit daanan pa natin sa suntukan talo parin tayo dahil sa dami nila. Sabi nga, kahit sa labanang duraan, baka malunod tayo sa kanilang laway dahil ang China ay over-populated country. Napakarami nila. Wala din tayong modernong kagamitang pandigma incase na magka-giyera. Ang meron lang tayo ay mga mga fighting planes na bigla nalang mag-crash kahit hindi binobomba. Sayang naman ang bagong purchase natin na class cutter kung pataubin lang sa dagat yun ng walang kahirap-hirap. Aminin na natin, tumatakbo na sila, gumagapang pa tayo. Pero hindi ibig sabihin nito ang kawalan ng pag-asa. Hindi ibig sabihin nito na yuyuko nalang at magpabatok. May magagawa pa tayo para lumaban. Sa puntong ito, ito nalang ang pinaka-angkop na paraan, Mag-PROTESTA.








                            image source: Enrique Olorvida(facebook)

           


Biyernes, Abril 20, 2012

NO PROBLEMa


“I discovered I always have choices and sometimes it’s only a choice of attitude.”
                         -Unknown

“Sumunod kayo sa akin.”
Sabi ng isang seksing dorm coordinator na ang sout ay napakaiksing short. Tinitingnan ko ang kanyang likod habang humakbang siya paalis. Umandar ang malikot kong isip. Dapat nga bang tawaging maong na short o maong na panty? Palagay ko isa siya sa mga dahilan ng global warming.
Akala ko siya ay may ESP at nalaman niya kung ano ang nasa aking isip. Biglang lumingon. May ginawang hand-signal. Paraang ginagamit ng mga dog trainor pagtawag sa aso. Ginagalaw niya ang kanyang kaliwang kamay na sa pagkaintindi ko “sumunod na kayo mga litsi”. Katulad sa maamong aso, sumunod naman kami.

Maganda ang dormitory building. Sa entrance may pangharang para hindi basta-basta makapasok ang mga outsiders. Safety!
Para makapasok sa loob, kailangang i-tapat yung card sa may sensor at pwede mo ng itulak yung pangharang na walang kahirap-hirap. Wow hi-tech!
Bumaba sa basement ang sinundan namin, dahil utos niya, sumunod din kami. Pagtapak ko palang sa unang baitang, sumalubong na sa amin ang napakapapyolar at hindi kaaya-ayang amoy. Ang panghi. Paniki ata ang mga nakatira dito. Kapansin-pansin din ang mainit na paligid. Seguro ang ilaw na laging bukas ang naging dagdag dahilan. Kulang pa sa linis ang loob. May mga itim-itim pa sa sahig. Extension ata ‘to ng impyerno. Pampelikula ang lugar. Malamang dito ata sino-shoot ang pelikulang “Underworld”.

Anak ng tikabalang, ayaw kong tumira dito. Ito yung pagkakataon na kailangang kong pumili pero ayaw ko sa mga choices: a). Hindi tumira dito at umuwi nalang ng Pilipinas.  b). Tumira dito at magtiis sa init at sa bahong amoy.

Syempre, pinili ko ang option B. May utang pa ako sa placement fee na kailangang bayaran. Kailangan ko ng trabaho. Kung hindi lang nagsara ang dati kong company hindi sana to mangyari sa buhay ko dito sa Taiwan.
Pumasok ako sa room kung saan ako naka-designate tumira. Tapos, itinuro sa akin kung saan yung bed ko. Tiningnan ko, puro mga basura ang andoon. Junkshop ba ‘to? May mga lumang karton ng appliances, inalikabok na christmas decor, sirang tsinelas, butas na medyas, plastic bag at kung mga anu-ano pa. Inangat ko ang malaking karton. Puno ng alikabok. Nagkarerahan pa ang mga ipis sa pagtakbo. Ilang dekada na kaya ‘tong ginawang motel ng mga ipis?
Tiningnan ko sa itaas, bulok at butas ang kisame. What the hell!

Hapon. Magtatapos na ang araw. Nakakapagod. Pero ayos lang. Malinis na ang aking higaan. Nailagay ko na sa tamang lagayan ang aking mga gamit. Ito na ang tamang panahon na inaasam-asam ng lahat, pahinga. Ang sarap ng pakiramdam na naiplantsa mo na ang nagpagusot sa araw mo. Pakiramdam ko, may naiambag ako para malutas ang problema ng mundo. Wala ng alikabok. Wala na ang basura. Napalitan na ang sirang kisame. Pero may dalawa pang problema: mapanghi parin at ang init. May dalawang ceiling fan na walang tigil sa pag-ikot. Pero parang walang silbi. Mainit ang ibinugang hangin. Naging dahilan lang para isipin kong nasa loob ako ng oven.
Teka lang, bakit mapanghi? Wala namang CR sa basement. Dahil idol ko si Sherlock Holmes, ginamit ko ang kanyang “science of deduction” technique sa pag-iimbistiga. Humigit kumulang apat na minuto kung pinulot ang mga inpormasyon at isang minuto’t kalahating segundo kung pinagdugtong-dugtong. Nasa 1st floor ang CR, nasa basement kami. Lalaki na ata ang pinakatamad sa lahat ng nilalang. Sa basement may shower area. Pader lang ang kailangan ng lalaki para makaihi. So, dahil tinatamad na umakyat sa itaas, sa shower area nalang umihi. Case solved! Yun ang dahilan.
Naisip ko, ang baboy ng mga tao dito. Hindi nila alam kung ano ang pinagkaiba sa tama at mali. Bilang pagtutol ko sa ganyang burarang gawain, umakyat talaga ako sa 1st floor para dun umihi. Yun ang tama. Yun ang gagawin ko.

Wala akong tiwala sa sinabi ng coordinator na temporary lang ako dito. Mas naniwala ako sa bago kong room mate. Sabi niya, “Yun din ang sabi nila sa akin nung bago ako dito. Temporary lang daw. Pero isang taon na ako dito. Kaya sanayin mo nalang ang sarili dito.”
Tama siya. Sanayin ko na nga ang aking sarili. Ang unang dapat kong gawin ay tanggapin ang sitwasyon. Wala na akong magagawa. Dito na ako at dito na ako titira hanggang matapos ang kontrata. Naalala ko ang isang mensahe na natagpuan ko sa internet. Sabi, “I discovered I always have choices and sometimes it’s only a choice of attitude.”

Tama choice of attitude. It is about changing attitude. Kung kaya ko baguhin ang aking attitude, para ko naring binago ang boung sitwasyon. Why spending my whole energy trying to change the circumstances I cannot change? Dapat ako ang mag-adjust.
Para masulosyunan ang sobrang init, nakahubad akong matulog. Oo literal na hubad. Tanging sout ko lang ay ang aking singsing. Iba ang feeling. Ganito ata ang pakiramdam ng bagong silang na sanggol. Nakatulog ako ng mahimbing.
At ang mapanghing amoy? Ewan ko kung ano ang nangyari. Sa isang linggong lumipas, hindi ko na naamoy ang panghi. Nasanay na ata ang aking ilong sa amoy. At bilang pakikisama ko sa mga room mate ko at sa lahat ng nakatira sa basement, sa shower area na rin ako umihi.

Solve ang problema.

Linggo, Marso 11, 2012

Kasiyahan at Tagumpay


Here comes the sun (doo doo doo doo)
Here comes the sun, and I say
It's all right

Little darling, it's been a long cold lonely winter
Little darling, it feels like years since it's been here
Here comes the sun
Here comes the sun, and I say
It's all right
Kinanta ko sa mahinahong tono ang Here Comes the Sun habang nakadungaw sa bintana dito sa dormitoryo.
Maganda ang panahon.Tanaw ko mula sa bintana ang bagong sikat ng araw. Kumikinang ang mga dahon ng puno tuwing tinamataan ng sinag. Parang naglalambing ang araw sa magandang umaga. Malamig din ang hangin. Banayad ang ihip nito. Masarap ang pakiramdam sa balat.

Sayang naman kung igugol ko lang ang day-off sa pagtulog. Medyo kumakapal ng ang taba sa tiyan. Kailangan na atang tapyasan sa paraang alam ng lahat, exercise.
Kinuha ko ang aking kamera at nagdesisyong maglakad-lakad sa gilid ng ilog. Magandang exercise to. Hindi heavy at relaxing.

Naaaliw akong kunan ng picture ang mga ibong nanghuhuli ng isda sa ilog. Napakaamo nila. Isang bagay nagpamangha sa akin ay ang kanilang pagiging pasensiyoso sa paghahanap ng pagkain. Hindi sila nagmamadali. Dinadaan lagi sa tamang timing. Naghihintay. Hindi nabahala. Para bang ninamnam ang bawat segundo ng kanilang buhay.
Sana ganyan din ang tao. Sana ganyan din ako.

Bukas, trabaho na naman. Balik sa totoong mundo.
Ano ang totoong mundo?
Totoong mundo-kailangang maghanapbuhay para mabuhay.
Tapos na ang kabanata sa tatlong sunod na araw na day-off . Kung sa teleserye pa, tapos na ang patalastas at balik na sa nagbabagang eksena. Magtitiis ang bida at dumaan sa matinding pagsubok. Hahagupitin ng problema. Nilalamon ng kalungkutan. Nag-iisa. Parang one against the world. Boring.
Minsan naisip ko na ang teleserye ay hindi nalalayo sa buhay OFW. Oo, ang magtrabaho sa ibang bansa ay parang isang walang kwentang teleserye mapanood gabi-gabi.
May report pa akong hindi natapos. Ang daming nakalinyang trabahong kailangang tapusin bukas. Naririndi na ako sa utos. Allergic na para sa akin ang salitang urgent. Dagdagan pa ng  deadline, nakaka-pressure. Ang liit ng sweldo. Hirap ng trabaho. Kakasawa na. Sana naging ibon nalang ako.
Biglang dumilim ang langit. Nakipag-duet ang panahon sa aking emosyon. Hindi na akma ang "Here Comes The Sun". Dapat "Ulan" by aegis.

Umupo ako sa damuhan. Inilapag ang kamera at nag-isip. Ayon sa huling survey estimated 2.9 milyong Pilipino ang walang trabaho kasama na dun sa bilang ang mga nag-aapply palang. Bawat taon nadagdagan ang dami ng mga unemployed dahil sa mga bagong graduate.
Biglang nag-shift ang aking isip. Parang pirated na dvd na tumalon at napunta sa ibang scenes.
Naalala ko ang mga sinalanta ng baha sa Cagayan de Oro. Nawalan na nga ng bahay, missing pa ang mga mahal sa buhay. Kaawa-awa. Pero kung kaawa-awa lang din naman ang pag-uusapan, gusto kung isali dito ang mga pamilyang natulog at tumira lang sa kariton, mga batang nagpakilimos sa Baclaran at ang napanood ko sa documentary program na mga minor de edad na babae ibenenta ang katawan may makain lang.
Nakuha pa kaya nilang mangarap sa kanilang kalagayan? Kung may Diyos pa sila, ano kaya ang kanilang laging dasal?

Tinitingnan ko ang umaagos na tubig sa ibaba. Nakita ko sa reflection ang aking hitsura sa tubig. Tumataba na ako. Pero higit pa sa anyo ko ang aking nakita. Katulad sa janitor fish,  biglang somulpot ang reyalidad na hindi ko nakita dati. Reklamo ako ng reklamo. Pilit kong hinanap ang wala.
Para akong sinampal na hindi ko alam kung sino o saan galing. Mas swerte parin pala ako kung tutuusin kumpara sa kanila. Andito na ako sa Taiwan habang ang iba nag-aapply palang. Kumakain ako ng anim na beses sa isang araw(tama yang binasa mo, anim beses), nakakain ng matino at desenteng pagkain, nakatulog ng maayos, may komportableng tinetirhan, nakapag-facebook. Nakatawag at nakapag-text. Maliit nga lang ang sweldo pero seguradong buwan-buwan may pera ako.

Dinampot ko ang kamera. Nagdesisyong tumayo at maglakad-lakad muli. Malinaw na wala sa sitwasyon ko ang problema kundi nasa ugali. Nasa ugali ko. Tama nga na ang contentment ay may kinalaman sa kasiyahan. Hindi ako nakontento. Hinahanap ko ang wala. Sa sobrang busy sa paghahanap ng wala, nakaligtaan kong tingnan kung anong meron ako. Marahil dahil minsan kinumpara ko ang sarili sa iba. Sa mga kakilala kong may narating na sa buhay. Meron silang magagandang trabaho at malalaking sweldo. Nakalimutan kong iba sila at iba ako. Sa parehong dahilan na iba ang gusto ko, iba din ang gusto nila. Ang simpleng pag-iisip ay naging isang magaling na eskultor na nag-ukit ng problemang hindi naman nag-exist.Wala na atang iba pang mas importante para sa tao bukod sa pagkain ay ang bigyan ng kahulugan ang salitang TAGUMPAY. Dapat may sarili akong depinesyon sa tagumpay.

Na-realize ko na ang totoong kasiyahan ay wala naman sa mga material na bagay o sa pera. Wala din itong kinalaman sa uri ng trabaho o laki ng sweldo. Ang ngiti at tawa ng mga squatters na nakatira sa barong-barong ay walang pinagka-iba sa ngiti at tawa ni Bill Gates. Malinaw na ang totoong kasiyahan ay walang kinalaman sa ari-arian.

Sabi nga ni Father Mar Sobrejuanite, "Maganda ang mayroon ka(mga luhong bagay) pero kung ang tuwa at value mo ay nakasalalay sa mga ganung bagay, kaawa-awa ang dating mo."

Pagbalik ko sa dorm, ito ang mga bagay ang natutunan ko:
1. Ang mga reklamador na tao ay ang mga hindi marunong makontento.
2. Ang mga hindi marunong makontento ay walang pangmatagalang kasiyahan.
3.Pwede palang mangarap as well as matutong makontento. Mangarap para ikaunlad sa sarili(skills or character) at makontento sa mga material na bagay na naging bunga ng mga pangarap.
4.Ito ang pinaka-importante, wag ikompara ang sarili sa iba. Papayag man tayo o hindi, meron talagang isinilang sa mundo na mas magaling pa sa atin.


Biyernes, Pebrero 17, 2012

Maboteng Usapan


Trip ko ngayon ang “maboteng” usapan. Kaya halina’t umupo para simulan ko ng itagay ang walang kwentang kwento para sa makabuluhang kwentuhan.

Pre, tagay na!

Alak. Kapag yan ang ating marinig, agad nating maikabit ang salitang inuman, tagayan, pulutan. Syempre kapag may inuman, kalasingan ang kasunod at pwede pang masundan ng away. O kung ano-ano pang hindi magandang mangyari.
Marami na ang nalulong sa besyong ito. Ewan ko kung anong meron nito para hanap-hanapin ng mga nakararami. Mga iilang pamilya narin ang nasira. May pangarap narin ang gumuho. May iba’t ibang storya narin ang aking naririnig na may nagbuntis ng wala sa oras dahil nalasing at pinagsamantalahan.

Sa mga nabanggit ko sa itaas, pwede kung tumalon sa conclusion na ang alak ay halos walang magandang maidulot. Pero nakakatuwang isipin na si Kristo, diyos ng kabutihan ay umiinom din. Gumawa pa nga siya ng himala at ang tubig ay naging alak. Interesante ding matawag na ang alak ay nag-exist bago pa isinilang si Kristo sa mundo. Mababasa din sa bibliya na si Noe or Noah ay nalasing. Sa kanta sa simbahan may linya na, “at alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas, inuming nagbibigay lakas.”
Totoo ngang malayo-layo narin ang narating ng alak at malawak na ang impluwensya nito. Sino man ay pwedeng maging lasinggero/lasinggera.

Paabot nga ng baso na may yelo...

Dati, dala sa impluwensya ng barkada, sinubukan kong uminom. Sabi nga nila, there’s no harm in trying.
Sa una kong tikim mapait. Pero pinilit ko ang aking lalamunan para padaluyin ang likidong nagpaikot sa buong mundo. Pakikisama daw itong ginagawa ko. Kasiyahan kasama ang barkada. Bonding.
Sa pangalawang lagok, parang tolerable na ang lasa. Hindi ko na masyadong ramdam ang pait. Naging tuloy-tuloy ang pagtungga. Napansin ko nalang sa mesa, tatlong maliit na bote ng redhorse ang aking napataob. Hindi ako nalasing. Pero aminin kong hindi ako ok. Natamaan ako ng kunti.
Nasundan pa yun ng pangalawang pagkakataon. Inuman sesyon kasama na naman ang barkada. Anim na bote ang aking napatumba ko. Na-break ko ang una kong record na tatlo. Yun, kalasingan ang aking kinahantungan.
Pakiramdam ko ang bigat ng aking katawan. Ang hirap lumakad ng deretso. Gusto kong matulog pero ang hirap makatulog. Habang ako’y nakahiga, pakiramdam ko’y umikot at bumaliktad ang mundo kasabay sa pagbaliktad ng aking sikmura. Suka ako ng suka. Ang pinakaayaw ko pa naman ay ang sumuka. Ayaw na ayaw ko ang lasa ng likido galing sa aking tiyan. Ang asim.

Inumin muna yan. Nilalangaw na.

Kinabukasan, ang sakit ng ulo ko. Hangover.  Hindi lang ako literal na nagising mula sa pagkatulog. Nagising din ako sa katutuhanang naghila sa akin mula sa bangungot na paniniwala. Dun ko napag-isip isip ang mga bagay na aking nagawa o naging desisyon. Hindi totoo ang there’s no harm in trying because not all things are harmless. Some are harmful. Tama si Lolo. Sabi niya, ang pinakamabisang depensa ay ang pag-iwas.

Masisisi ko ba ang barkada dahil inimpluwensyahan ako kaya tuloy ako’y nalasing? Palagay ko hindi. Oo nga, andun na tayo sa pinilit nila ako para uminom pero nasa akin parin ang huling desisyon. Ika nga nasa akin ang alas.
Bale, hindi ko man control ang sitwasyon pero control ko ang mangyari. Kung aayaw ako, wala silang magagawa. Pero nagpadala ako at nalasing.

Manang, isang bote pa nga.

Pwede itong mahalintulad sa mga nangyari sa ating buhay. Hindi natin control ang sitwasyon pero control natin ang ating desisyon. Ayon sa golden rule 20/80, biyente porsyento sa buhay natin ay binubuo ng sitwasyon. Sitwasyon ibig sabihin wala natayong magagawa. At ang natirang malaking otseyenta porsyento ay ang desisyon. Yun ang control natin. May magagawa tayo.

Kaya hindi tamang sabihin na kung ano tayo ngayon ay dahil sa kapalaran natin. Kapag sinabi nating kapalaran, ibig sabihin nun ay God’s will. Ang Diyos natin ay Diyos ng awa, Diyos ng kabutihan. Kung ganun eh syempre ayaw nya may maging criminal, maging magnanakaw at segurado din ako ayaw  niyang may mabuntis ng walang aaming tatay at resulta sa pagkaletseletse ng buhay.
Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran.
Seguro hindi man natin ginusto ang mga nangyari pero hinayaan nating mangyari. Saying a simple word “NO” really matters a lot. It just about decision.

'Yoko ko na. Lasing na ako.

Teka lang, lumayo na tayo. Balik tayo sa alak. Palaisipan  parin para sa akin ngayon kung bakit may mga taong hindi makumpleto ang Linggo kung walang inuman. Ang daming makabuluhang bagay na pwedeng gawin kaysa pag-iinom. Kaysa mag-inuman ano kaya kung ipasyal nalang ang pamilya. Ang ibili ng alak ay ibili nalang ng pagkain para sa anak. Para naman sa mga dalaga at katulad kong binata, napakaraming paraan gumawa ng kasiyahan kaysa mag-iinuman.
Medyo nakakalito  tayo at nakakatuwa. Ayaw kumain ng ampalaya pero ang lakas uminom ng beer. Kung tutuusin mapait din. Katwiran naman sa iba, Si Kristo nga ay umiinom din. Linawin ko lang si Kristo ay hindi naglalasing.
Kung iinom man, iwasan ang malasing. Lahat ng sobra ay masama.  May nabasa akong karatula,“virgin pa ng malasing buntis na nang magising”. Nakakatuwa pero totoo. Sana maging aral to sa mga babae. 

Walang magandang maidulot ang inuman. Malasing ka at mahirap yan iwasan lalo pa kung nagkasarapan ang barkada. Suka kapa ng suka. Buwisit yan. Kinakain mo isusuka mo. Paggising mo sasakit pa ang ulo sa hang-over. At ito pa ang matindi, mawalan ka ng hiya. Ngiti ka ng ngiti, wala nman talagang nakakatuwa. Minsan nga naisip ko, hindi kaya kinikiliti lang sa espiritu ng Tanduay?
Inuman sesyon...Bonding? Pakikisama sa barkada? Pustahan pa, 2% lang sa barkada mo ang dadalaw sa ospital at ang 98% sa burol mo na.
Ang mga nag-iinom? Astig? Sila ang mga duwag na tao. Hindi kayang harapin ang masalimuot na mundo. Lunurin man ang sarili sa alak magdamag. Bukas, lulutang at lulutang parin ang problema. Useless.

Wag ka aalis. Susuka muna ako.

Para naman sa akin, pinangako ko na sa sarili na yun  na ang huling araw na ako'y malasing. Hawak ko ang buhay ko kaya hawak ko rin ang aking desisyon .Kapag sinabi kong tama na at hindi, ibig sabihin nun tama na at hindi.

Hindi ko na talaga kaya. Mga pare, uwi muna ako. Bukas naman uli.

Huwebes, Pebrero 9, 2012

Pag-ibig


February....love month.
Para mas masang-masa ang dating, gamitin natin ang term na buwan ng pag-ibig. Gawin pa nating mas baduy, buwan ng pagmamahalan. Sarap pakinggan. Pagmamahalan.
Pero masarap nga bang tikman ang tumutulong katas ng pag-ibig?
Bakit may estudyanteng piniling hindi gumawa ng assignment dahil hiniwalayan ng syota?
Lalaki naglason sa sarili.
Babae naglalasing dahil lang sa letseng LQ. Iyak ng iyak at mag-post sa facebook ng "love sucks". Nagmukmok sa kwarto at namumogto ang mga mata. Galit sa mundo at hindi maka-usap.

Marami naring pangarap ang gumuho. May mga ayaw ng mag-aral. Nawalan ng gana sa buhay. Sinuway ang magulang. Nalulong sa bisyo. Nakapatay. Nagpakamatay.
Ilang trahedya pa kaya ang ating mapanood at marinig dahil lang sa pag-ibig?

Ironically, masasabing pag-ibig na seguro ang pinakamagandang ibinigay ng Diyos sa tao. Sabi nga sa bibliya, ang Diyos ay pag-ibig. Makikita mo ito sa ginintuang butil na aanihin palang na palay. Mapapansin mo ito sa mga tumutubong bagong pananim. Maririnig mo ito sa iyak  ng bagong silang na sanggol. Ito ang buto at laman sa mga payo ni Tatay. Dahilan ng pag-aaruga ni Nanay. Tapik ng nagmamalasakit na kaibigan. Halik ng naglalambing na asawa. Yakap ng honest na girlfriend/boyfriend. Ngiti sa nakasalubong mo sa daan. Pinaramdam sa lamig ng umaga. Inaawit ng mga ibon. Sinasayaw ng mga berdeng dahon. Sinisigaw ng mga palaka.  Ipininta sa asul na kalawakan. Pinapakita ng mga ulap. Pinapahayag ng bagong sikat na araw. Dala ng ulan. Ihip ng hangin. Amoy ng bulaklak. Tamis ng honey. Agos ng ilog. Hampas ng alon. Puting buhangin. Lasa ng isda. Yan ang pag-ibig.

Ang pag-ibig ay isang malaking misteryo. Wala itong specific na depenasyon. Ayon kay Paolo Coelho sa kanyang aklat na The Alchemist, "One is loved because one is loved.” Parang ang labo noh? Dugtong pa niya, “No reason is needed for loving."
Ito pa,ang alam nating lahat na ang pag-ibig ay galing sa puso. Ito ang dahilan kung bakit puso ang sinimbolo ng pag-ibig. Pero kinontra ito ng siyensa. Walang kinalaman daw ang puso kung bakit nagmahal ang tao. Chemical reaction lang ito ng utak. Sa madaling sabi, ito'y galing sa utak at hindi sa puso. Pero ang saklap naman ata pakiggan kung sabihin kung mahal kita sabi ng utak ko. Pero na wala atang sasaklap pa kung gawing simbolo ang utak at instead puso. Teka lang, bakit nga ba ganito ang hugis ng puso?
Dahil kung tingnan at ikompara mo sa tunay, masyadong malayo ang pinag-kaiba. 
Diba? Seguro nga mesteryoso hindi lang ang pag-ibig kundi pati pa simbolo nito.

Ang pag-ibig ay parang barya. May dalawang mukha. Kasayahan at kalungkutan. Wala pa atang nakakaranas ng isa lang sa dalawa. Package kasi yun. Dalawa dapat. At wala na tayong magagawa. Sa pagmamahal kailangan masaktan dahil dun din tayo natututo.
Ang tanong, may natutunan nga ba? Sa babae tayo, ilan na bang boyfriend ang dumaan sa buhay mo at bakit biyernes santo parin lagi ang lovelife mo?
Mali ba lagi ang taong iyong minamahal? O baka naman ikaw mismo ang may mali?
Isingit ko nalang ‘to. Mga kadalasang dahilan bakit ang sarili mismo ang mali. Para to sa mga babae. Sila daw kasi ang usual na biktima. Biktima?:

1. Nalito ka lang kung ano ang pinagkaiba ng libog at pag-ibig-Biniyayaan tayo ng Diyos ng mga senses: Pandama, pang-amoy, paningin, pandinig at panlasa. Wag umaasa lagi sa paningin. Dahil minsan ang mata libog lang ang hatid nito sa utak.

2. Gusto mo lang punan ang malungkot mong buhay- Kung ang nais mo lang naman ay maging masaya, wag kang hahanap ng boyfriend para maging masaya. Kung hindi mo kayang maging masayang mag-isa, sento porsyento hindi ka rin maging masaya kapag may kapareha. Lalabas na nandamay ka lang sa iyong kalungkutan. Ang kasiyahang hinahanap mo ay nasa sarili at wala sa iba. Hindi mo kailangang sumisid sa dagat para maghanap ng alikabok. Kung may matuklap ka man galing sa iba ay panandalian kasiyahan lamang. Temporary pleasures sabi ni Nick Vujicic. Here today, gone tomorrow. Ganun lang kasimple. Pero kung trip mo ay instant kasiyahan, manood ka nalang ng Mr. Bean.

3.Kulang ka lang ng pagmamahal sa sarili- Ito ang matindi. Maraming ayaw aminin na kulang sila ng pagmamahal sa sarili. Empty love-tank daw ang tawag dun. Resulta nito ang maraming insecurities. Marahil dahil sa iyong mga nakaraang maling desisyong nagawa. O di kaya ang ugat ay ang mga ga-bagyong hirap na sumalanta sa iyong kahapon. Idagdag pa natin ang mga ga-lindol na problema na yumanig sa iyong pagkatao. Dinala ng bagyo. Nabiyak ang lupa at naglaho ang iyong pag-asa. Nawalan ka ng gana sa buhay. Bumaba ang tingin sa sarili. Kung ikut-ikotin natin ang sitwasyon, hindi naman talaga boyfriend ang kailangan mo kundi pagmamahal. Pagmamahal sa sarili. Ang gusto mo lang naman ay makarinig na may magsabi ng I love you. Uhaw ng pag-ibig ang tuyo mong kalooban. Boyfriend ang nahanap mong solusyon para ibuhos sa iyong empty love-tank. Walang pinagkaiba sa taong tanga uminom ng biogesic para gamutin ang kanyang diarrhea. May kasabihang, you cannot give what you do not have. Paano ka mamigay kung ikaw ay wala? Mahalin muna ang sarili bago maghanap ng mamahalin. Panahon na segurong patawarin ang sarili sa iyong mga nakaraang pagkakamali. Move on. Masyado kang malaki para maliitin ng problema. Ibalik ang tiwala sa sarili at mahalin.  Sabi nga, loving oneself is the foundation of loving others. Yung mga parang laging galit sa mundo, kulang lang yun ng pagmamahal sa sarili.

4.Kulang ka lang ng pagpapahalaga sa sarili-May koneksiyon to sa number 3. Ito ang dahilan kung bakit laging mali sa pagpili. Dahil kulang ka sa tinatawag nilang self-importance, hinahanap mo ito sa iba. Sagot ka lang ng sagot. Ayaw mong maging available. Takot kang mag-isa. Ayaw mo na walang mag-tetext o tatawag sa iyo. Sabi ni Bo Sanchez,"jumping one relationship to another...just like a drowning woman gasping for air." Busog ang iyong tiyan pero gutom ka sa pagkalinga. Naghanap ka ng dahilan para itapal upang magbago ang tingin sa sarili. Boyfriend ang nakita mong solusyon. Ibinigay mo ang lahat-lahat umaasang bigyan ka ng pagpapahalaga. Kapalit nito ang marinig mo na: ang ganda mo, ingat ka lagi, na-miss kita at I love you. Likas sa aming lalaki ang pagiging bolero kaya ang dali lang sabihin nito. Kung sa isda kapa, kahit paingan ka lang ng buto ng sampalok, kakagatin mo pa rin. Labo-labo na ang nangyari. Hindi mo na alam ang pinagkaiba ng tama at mali. Sa huli, hindi ka na nagmahal kundi nagpakilimos ng pag-ibig. Iba ang umiibig sa nagpakatanga. Pero hindi naman talaga boyfriend ang kailangan mo. Ang gusto mo lang naman ay may magparamdam sa iyo na may silbi kapa dito sa mundo.
Simpleng solusyon? Bigyan mo ng pagpahalaga ang sarili sa ganun malaman mo kung ano ang nakabubuti at hindi. Ang tanging naghiwalay sa totoo at hindi ay ang gawa. Marami ng babaeng naging tanga dahil sa pag-ibig. Kung gusto mong bawasan sila, wag ka ng dumagdag pa. Pahalagahan ang sarili.


Sabado, Enero 21, 2012

25 Years Old



Mga linggo na ang nakalipas mula nang mag-celebrate ako ng birthday. Mali pala. Hindi pala ako nag-celebrate. 
Ayaw kong ipagdiriwang ang araw na dahilan ng aking pagtanda. Dati komportable at proud kong sabihing 24 kung may magtanong sa aking edad. Ngayon, baka secret nalang ang sagot.

25 years old? Ang bilis ng panahon. Hindi ko man lang namalayan ang aking pagtanda. Hindi ko nakuhang makisabay sa takbo ng panahon. Pakiramdam ko parang kailan lang ako tinuli. Ma-describe ko parin hanggang sa ngayon ang sakit ng anaesthesia. Hindi totoo na parang kagat lang ng langgam. Seguro kung parang langgam man baka fire ant. Ayaw ko nga sana magpatuli kung hindi lang ako tinakot na hindi ako pwedeng mag-asawa kapag hindi yun mahiwa.

25 years old? Parang kahapon nga lang ako nag-aral sa elementarya. Na-memorize ko parin nga hanggang sa ngayon ang poem na “Signs in School” at "Ang Gatas at Itlog". 
Rinig ko parin nga hanggang sa ngayon ang maliliit at maiingay na boses namin kapag mag-recite na sa poem na “All Things Bright and Beautiful”. Na-imagine ko parin at hindi ko maiwasang mapangiti sa reaksiyon sa mukha ni Mam. Para itong pinunit kapag marinig niya ang:

Each little flower that opens,
Each little bird that sings,
He made their glowing colors,
He made their tiny wings.

Lalo na ang part na:
The purple headed mountains,
The river running by,
The sunset and the morning
That brightens up the sky.

Sabi ni Mam mali daw ang pagka-recite namin. Hindi daw dapat pababa-pataas ang tono. Ewan ko nga ba anong hiwaga meron sa stanza na yun. Dahil simula sa each little flower that opens, bigla nalang mag-iba ang tono. Seguro na carried away lang sa ganda ng mensahe ng tula.

25 years old? Parang kailan nga lang ako nangarap ng pellet gun. 
Nung bata ako, makaramdam ako ng inggit tuwing makakita ako ng bata na may hawak na ganung laruan. Yun kasi ang pinaka-uso na laruan dati. Pero hindi ako kayang bilhan ng aking mga magulang. Naitindihan ko naman ang sitwasyon. Mas importante ang kakainin kaysa laruan. Kaya nagsikap akong kumita ng sariling pera at nag-ipon para makabili. Hanggang sa maging sapat na ito para ibili. I-short cut ko nalang ang estorya, sa huli, school bag na power ranger ang nabili ko at hindi pellet gun. Mas importante daw yun sabi ni Mama. Ang pellet gun ay nanatiling pangarap nalang.

25 years old? Ito na ako. Meron bang nagbago? Ewan. 
Ito na ako...
Tuli. Hindi ko na kailangang i-memorize ang "Signs In School". Natawa nalang ako kapag maisip ko ang tulang "Ang Gatas at Itlog". At kaya ko rin i-recite ang “All Things Bright and Beautiful” sa tamang tono pero wala ng silbi. Dahil patay na si Mam. Yumao na ang mabait kong titser.
Nawala na rin sa pangarap ko ang pellet gun. Patay na ang musmos na pangarap. Higit pa nun ang gusto ko.

Milya-milya na ang layo ko ngayon mula sa lugar saan ako galing. 
Ilang milya pa kaya ang kailangan kong tahakin para makita ang matagal ko ng hinahanap?
Dahil 25 years old na ako pero ganito parin ako.













Sabado, Enero 14, 2012

Tunay na Relihiyon


Sa kabuhuan, respeto na seguro ang isa sa mga simpleng bagay dito sa mundo ang mahirap ibigay. Simple ito katulad sa bato. Kasing mura ng asin. Mahalaga parang hangin.

Ang respeto ay general term. Isa sa mga sakop nito ang respeto sa kapwa. Respeto sa kanilang pinaniniwalaan. Katulad nalang sa relihiyon.
Sa kristiyanismo tayo.  Hindi ko alam kung ilang relihiyon na ang bumubuo nito. Isa lang ang diyos, si Kristo. Pero kanya-kanya ang batayan. Iba-iba ang paraan ng pagsamba. Hindi pare-pareho ang turo. Hindi magkasundo. Sa huling nabalitaan ko, my sector na nag-claim na sila na ang “right path of salvation.”Hmmmn?

Ang bibliya ay binubuo ng 66 books. Nahahati ito sa dalawang parte:old testament and new testament. Sinusulat ito ng iba’t-ibang uri ng tao. May pastol, doctor, pari, mangingisda at hari. Sari-sari ang kwento ang napaloob. Meron ding mga awit. Puno din ito ng aral. Sa kapal nito pero isa lang ang nais iparating na mensahe, ang PAG-IBIG. Pag-ibig ng Diyos. Pagmamahalan.

Isa lang ang Bibliya pero ang daming umaangking tama. Ewan ko kung ilang dekada na ang debatehan. Hanggang ngayon hindi parin natapos-tapos. Wala paring lumabas na panalo.
Napag-isip isip ko lang: Kailangan ba talaga ang magdebate?  Kailangan ba talagang sabihin ikaw ang mali at ako ang tama? Hindi ba pwedeng pairalin ang respeto at galangin ang pinaniniwalaan sa isa’t-isa. Paano isabuhay ang pag-ibig na nasa bibliya kung respeto nga hindi mo maibigay? Fake ang pag-ibig kong walang respeto. Walang pinagkaiba ito sa icetea na walang tea. Dapat seguro malaman ng bawat isa kung ano ang pinagkaiba ng “spreading the love of God” kaysa “promoting your religion”.

Siya nga pala, Ano bang relihiyon ang tunay?


May kwento ako....

Dahil tanghali at tirik ang araw, ang apat na magsasaka ng kape ay namamahinga sa lilim ng punongkahoy. Ang tatlo ay masayang nagkukwentuhan habang ang isa na pinakamatanda sa kanila ay dumistansiya ng kunti at nakasandal sa puno.

Gaya ng typical na usapang lalaki, ang topic ng tatlo ay tungkol sa kanilang mga pinagdaanan sa buhay. May tawanan. Nagbibiruan.

Hanggang sa ang usapan ay napunta sa relihiyon. Dahil parehong magkakaiba ang relihiyon, kanya-kanya ang depensa. Lahat ay may pinanghahawakan na siya nga ang tunay na relihiyon. Bawat isa ay gustong patunayan na ang kanya ang tama at sa kanila ay mali. Sabay bitiw ng quotes galing sa bible. Sasagutin naman ng isa. Galing sa bible uli. Walang katapusang debatehan. Medyo uminit ang eksena. Nagkaroon ng tensiyon.
Nawala na ang tawanan.
Normal na sitwasyon sa isang bible debate.

“Sipo, sa tingin mo, sino ba sa amin ang may totoong relihiyon”, tinanong ng isa ang matandang nakasandal sa puno na nakikinig lang sa kanila. 

Hindi nagsalita agad si Sipo(Sipo-hindi ito yung nasa magic temple). Ngiti ang initial reaksiyon nito tapos umiiling-iling. Hinipo-hipo ang kalbong ulo at nagsalita.

“Ang mamimili ng buto kape ay matatagpuan sa lugar na iyan”. 

May tinuturo siyang lugar na may kalayuan. Ang tatlo naman ay tahimik na nakikinig. Sabay din lumingon upang tingnan ang tinuturo ng matanda.
Inagaw ni Sipo ang eksena. Kung sa pelikula pa, nasa kanya nakatutok ang camera.

Dugtong niya,”May tatlong paraan para makapunta dun. 

Una, pwede ka dumaan sa bundok na iyan. Yan ang pinaka-shortcut. Kaso, delikado akyatin dahil matarik.
Pangalawa, pwede din dito sa kanan. Medyo malapit-lapit din kung dumaan ka dito. Kaso pangit ang daan. Lubak-lubak.
Dito naman sa kaliwa, ito ang pangatlo na pwede mong daanan. Maganda ang daan dito. Ang problema nga lang napakalayo.

Nasa iyong tatlo na yun kung saan kayo gustong dumaan. Aakyat sa bundok? Dito sa kanan? O dito sa kaliwa? Pero alam niyo pagdating niyo dun, hinding-hindi magtatanong ang mamimili ng kape kung saan kayo dumaan.
Isa lang ang tanong niya, GAANO BA KAGANDA ANG IYONG BUNGA?”
                                        >the end<

Gusto ko ang sinulat ni Bob Ong sa “Ang Paboritong Libro ni Hudas”. Sabi niya, "Ang pagtatalo kung sino ang may tamang paniniwala ay parang pagtatalo ng mga garapata sa kung sino ang nagmamay-ari ng aso."

Sa tanong sa itaas na, "Ano bang relihiyon ang tunay?", simple lang ang sagot ko. Depende yun sa iyo. Kung naging mabuti kang tao ka sa relihiyon na iyan at naging mapagmahal sa kapwa, ipagpatuloy mo lang. Ang importante ang “bunga” hindi ang “daan”.




Note: Pasensiya kung may nasagasaan ako.